CHAPTER 14

1768 Words
Liam: Nakangiti ako habang papasok sa unit ko. Masaya ako dahil kahit hindi man sinabi ng diretso sakin ni Ellie na may puwang na din ako sa puso niya at isip niya. Pero sa reaksyon niya kanina alam ko at sigurado akong meron na. Hindi ko talaga ineexpect na tatanungin ako ni Ellie sa totoong nararamdaman ko. “I’m sorry but can I ask why do you keep calling me babe and this morning you call me love. I tried to ignore it pero I can’t.” Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ng diretso ang sagot niya na hindi siya maiilang sakin. Kaya instead na sagutin ko siya tinanong ko siya. “Are you bothered with me calling you babe and love?” “Liam, please sabihin mo sakin ng diretso kung assuming lang ba ako na may gusto ka sakin.” At this point I feel her frustration of wanting to get a straight answer from me. Kaya kahit mas gusto kong iparamdam na lang sa kanya ang nararamdaman ko at unti-untiin lang na sabihin sa kanya wala akong choice kung hindi ang umamin na sa kanya. “Yes! Gusto kita Ellie. I like you very much. Very much.” “No! I am in-love with you Ellie.” Gulat na gulat siya sa pag-amin ko na mahal ko siya. Alam ko na mabilis niyang tatanggapin ang pag-amin ko kung pagkagusto lang ang meron ako sa kanya at mabilis lang din niya akong irereject. Kaya ang sabihin ko sa kanyang mahal ko siya alam kong sobra siyang nabigla. Alam kong iisipin niya na masyadong mabilis para sabihin kong mahal ko siya. “Seryoso ka ba Liam?” Seryoso ko siyang tinitigan para malaman niyang hindi ako nagbibiro at nagsisinungaling sa sinabi kong mahal ko siya. “No! Liam, it’s not possible. Hindi mo pa ko ganun katagal na kakilala para sabihin na in-love ka sakin.” Does she really think that it is impossible to fall in-love with someone whom you know for just a short period of time. I also had the same thought before I became honest to myself and admit that I have fallen in-love with her. “Why is it impossible?” “Just because hindi pa kita matagal na kakilala eh imposible ng mahalin kita.” “Ellie, hindi natuturuan at napipili ang taong mamahalin ng puso at pagkatao ko.” “Mahal kita Ellie.” Muli kong pag-amin sa kanya. Kahit na wala pa sa plano kong aminin na mahal ko siya ay ginawa ko na dahil ito lang ang alam kong paraan para hindi niya ako basta basta matanggihan at para na din mas maging madali sakin ang ipakita at iparamdam sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Nararamdaman ko na kanina na tatanggihan niya ako at ipipilit niya na hindi kami pwede kaya kinailangan kong ipilit at ipaintindi sa kanya na mahal ko siya at hindi na mababago yun. “Pero mali Liam. May boyfriend na ako. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na sinasabi mo.” “Ellie, masaya ka pa ba sa kanya?” As expected sasabihin niyang hindi kami pwede. Kaya nung tinanong ko siya nakita ko agad ang pagbabago ng emotion sa mga mata niya. Pero talagang matigas si Ellie. Talagang pinipilit niya na hindi kami pwede kaya nagdecide na akong umalis kami. Ang totoo gusto ko lang mag-isip kung ano pang pwede kong gawin at sabihin para maconvince siya na bigyan niya ako ng chance. Ang hirap din makipag-usap dahil nasa public place kami. Pagdating namin sa building niya pinilit kong ihatid siya sa unit niya. Wala naman akong planong gumawa na hindi maganda sa kanya. Gusto ko lang ipagpatuloy namin ang paguusap. Ayokong matapos ang gabing ito na hindi ko siya nacoconvince dahil alam kong iiwasan na niya ako sa susunod na mga araw. “I won’t take No for an answer Ellie. Mahal kita at hindi mo ako mapipigilan na iparamdam sayo yun.” “Mali na kung mali ang relasyon na to pero walang mali sa nagmamahal. At mahal kita.” Pagpupumilit ko kay Ellie. Matigas ang ulo ni Ellie, pero mas mapilit ako. “Wala tayong relasyon Liam. Pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo.” Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ko yun pwedeng ipakita sa kanya. Kailangan kong ipakita na determinado ako at alam ko ang sinasabi ko. “Wala pa. Pero sisiguruhin kong magiging akin ka Ellie. Sakin lang.” Alam kong nagulat siya sa klase ng pangaangkin ko sa kanya, pero hindi ko na kayang pigilan. She is mine. “Ellie, kahit ano pang mangyari nandito na tayo. May masasaktan at masasaktan na kaya ipaglalaban na kita.” Nakatitig lang siya sakin kaya patuloy akong nagtanong sa kanya. “Sabihin mo sakin Ellie kung kahit konti ba wala kang nararamdaman din para sakin.” Umiling siya. “I’m Sorry Liam. Pero wala.” Fuck! Ang sakit lang na tinatanggihan ka ng taong mahal mo. Pero ngumiti ako dahil nakita ko ang saglit na emotion na dumaan sa mga mata niya na tila nagsisisi sa sinabi niya. Wala na akong naisip na paraan, hinila ko siya at hinalikan. Hinayaan ko lang na magkalapat ang mga labi namin pagkatapos ay unti-unti kong iginalaw ang mga labi ko sa kanya. Hindi niya ako itinulak o pinigilan hanggang sa naramdaman ko na lang na sumasagot na din siya sa mga halik ko. Humiwalay ako at tinignan ko siya ng nakangiti. “Now Ellie! With all honesty kahit ba konti wala kang nararamdaman para sakin?” Hindi siya sumasagot nakatulala lang siya sa akin. Alam ko na, na at that moment I got her. Hindi pa man buong-buo pero alam kong nakapasok na ako ng tuluyan sa systema niya. “Ellie, answer me. Yung totoo. Don’t lie to me because I will know.” “Liam…” Tanging pagsambit lang sa pangalan ko ang naisagot niya sakin. Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha niya. “I know my love. I know.” “I will fight for you. I will wait for you until you are ready to let go of him and be with me. Only me babe.” Hindi ako titigil hanggat hindi napupunta sakin si Ellie ng buong-buo. Sa akin lang siya. Hindi ko man alam ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Nolan pero patutunayan kong mas karapat-dapat ako sa kanya. Hanggang sa makaalis ako ay nakatulala lang sakin si Ellie. Ngayon ay siguradong sigurado na ako na may nararamdaman din para sakin si Ellie pero pinipigilan lang nito. Naiintindihan ko ang sitwasyon niya at alam kong mahirap at hindi maganda sa paningin ng ibang tao. Sasabihin nila namamangka si Ellie sa dalawang ilog, pero ako naman ang nagpupumilit sa kanya. Sisiguraduhin kong walang ibang taong mananakit kay Ellie at magsasabi dito ng hindi maganda. Kung ano man ang sitwasyon namin ngaun ako ang may kasalanan at hindi siya. Kaya handa akong gawin ang lahat para sa kanya except ang pakawalan siya.   Ellison: Hindi ako masyadong nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Nung tumawag nga si Nolan, lumulutang pa rin ang isip ko buti na lang at hindi siya nakahalata na wala sa kanya ang atensyon ko. Pilit ko mang itanggi alam ko sa sarili ko na gusto ko na din si Liam. Hinihintay ko si Liam ngaun kasi siya pa rin ang maghahatid sundo sakin. Hirap na hirap akong tanggihan siya kagabi nga lang bawat pagtanggi ko sa kanya may pinong kirot akong nararamdaman sa puso ko kaya alam ko na nahuhulog na ako kay Liam. Hindi ko man masabing pagmamahal na to pero alam kong may puwang na siya sa pagkatao ko. Nasa malalim pa rin akong pagiisip ng marinig ko ang doorbell sa unit ko. Binuksan ko ang pinto alam ko naman na si Liam yun. “Good morning love.” Nakangiting bati nito sakin. Bigla siyang lumapit sakin niyakap ako at hinalikan sa labi. Hindi na naman ako nakakilos sa ginawa niya. Hindi ko siya matanggihan dahil gusto ko din yung pakiramdam ng halik at yakap nito sakin. ‘s**t ka Ellie! Napakalandi mo’ Bulong ko sa sarili ko. Dumiretso kami sa dining dahil may dala itong breakfast maaga pa naman kasi. Nagmessage kasi siya kagabi na magdadala daw siya ng breakfast ngayon. At nakadagdag pa yung message niya sa hirap ko sa pagtulog kagabi. “Love, I’ll bring breakfast tomorrow. Matulog ka na ha. Goodnight my love. I love you!” Hindi ako nagreply kasi mababaliw na yata ako sa mga pinagsasabi nitong si Liam. At ngayon nga ayan may pabreakfast si mayor may libre pang hug at kiss. My God! Masisiraan yata ako ng bait. “Love, let’s eat.” Sabay hila niya sa kamay ko. Hindi ko namalayan na nakatulala lang pala ako sa kanya at hindi na nakatulong sa pagaayos ng pagkain. ‘Leche ka Ellison! Nababaliw ka na talaga. Lagi ka na lang tulala kay Liam.’ “Try this babe.” Sabay lagay ng pagkain sa plato ko. Hindi ako makakibo at hindi ako makakilos ng maayos kasi naiilang ako kay Liam. Pinilit ko na lang kumain ng kumain at hindi na lang masyadong inintindi ang presence ni Liam. “Ako na magliligpit.” Sabi ko sa kanya pagkatapos namin kumain. Hindi naman siya kumontra but instead yumakap siya ulit sakin. “Love, please don’t stress yourself. Alam ko naiilang ka sakin. Hmmm.” “Liam.” Tawag ko sa pangalan niya. “hmmm?” “Liam this is not right.” Lumayo siya sakin ng konti pero nakayakap pa rin ang mga braso niya sa bewang ko. “Yes, our situation is not right. But there is nothing wrong with my love for you.” “I love you babe. Yan lang ang kailangan mong isipin.” “Pero Liam this is cheating.” “Well, I am not cheating with myself. I love you and that’s the truth.” “I know you are in a difficult situation but what's important is what you really feel.” “Be honest with yourself. Please.” Hindi na ako sumagot, yumakap na lang din ako kay Liam. I’m worried but I don’t think I can let go of Liam. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko kaya kung hindi ko siya makikita at makakausap. Alam kong mali ito pero mahalaga na sakin si Liam katulad ni Nolan. Pero sino nga ba ang mas mahalaga? Si Liam? Si Nolan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD