CHAPTER 15

2128 Words
Ellison: Habang nasa biyahe kami papunta sa office building ko ay nagiisip pa din ako. Panaka-naka niyang hinahawakan ang kamay ko. Pagdating namin sa building ay nagpaalam na ako. “Mauuna na ako ha. Mag-ingat ka sa pagddrive.” “I will love.” Sagot niya sabay pigil sakin bago pa ako makababa ng kotse niya. Nagtaka naman ako kaya nilingon ko siya then nagulat ako ng halikan niya ako ulit. Lintik na Liam to namimihasa na ng kahahalik ha. ‘Gustong gusto mo naman’ sabi ng utak ko. Ngumiti siya sakin at ganun din ako saka bumaba na. Pagkapasok ko sa building ay huminga na lang ako ng malalim. I need a talk with the two bitches. Pagdating ko sa office ay lumapit agad ako kay Mikee. “Bitchesa, need a talk with you and Dani. Saturday at my unit.” Dani is our gay bestfriend. Sa ibang company nga lang siya nagwowork kaya hindi namin madalas makasama. “Ha? Anong meron?” Nagtataka niyang tanong ng biglang nagbago ang expression niya at ngumisi. “Sure Ellie. Ako na ba magsasabi kay Dani or ikaw na?” “Ako na. I’ll send him a message.” Then umalis na ko para pumasok sa office ko. Buti na lang talaga kahit na problemado ako sa personal kong buhay ay hindi naaapektuhan ang trabaho ko. Habang busy ako sa mga documents na nirereview ko ay nakatanggap ako ng message from Liam. “Love, let’s eat lunch together.” “I can’t, madami akong trabaho ngayon hindi ako makakalabas ng office.” Pagtanggi ko, ang totoo gusto ko lang talaga umiwas sa kanya kahit ngayon lang. “Please babe. Or I’ll just bring you lunch there.” Shit! Nagpanic ako. Hindi siya pwedeng makita ni Mikee na nagdadala ng lunch, swerte ko pa nga at hindi niya kami nakita kanina kung hindi baka sabunutan na ko nun. Sa sabado ko na lang tatanggapin ang mga sabunot at kurot niya sakin. “Sige na nga. Tell me where magkita na lang tayo dun. Ok?” Pagpayag ko sa invitation niya. “Ok babe, I’ll text you later kung saan. I love you.” Bigla na naman bumilis ang t***k ng puso ko pagkabasa ko sa reply niya. Magkakasakit pa yata ako sa puso ng dahil dito kay Liam. Hindi na ako nagreply at tinuloy ko na lang ang pagbabasa. Pagdating ng lunch ay tumayo na ako at umalis na para imeet si Liam for lunch. Nagsabi na lang ako kay Mikee na hindi ako sasabay sa kanya. Pagdating ko sa sinabing restaurant ni Liam ay hinanap ko na siya, nung makita ko kung nasaan siya ay nilapitan ko na siya agad. Abot tenga ang ngiti niya ng makita niya akong papalapit sa kanya. Hinawakan niya ako sa wrist ko at pinaupo niya ako sa tabi niya since ang napili niyang pwesto ay sa may couch area. Pagkaupo ko ay hinalikan niya ako sa pisngi. Hindi na ako nagulat dahil ineexpect ko ng gagawin niya yun. Buti nga sa pisngi lang at hindi na sa labi. Medyo nailang pa ako dahil nasanay akong kumakain kami ng magkaharap. Pero mukhang simula ngayon ay magkatabi na kami laging kakain. Simple akong napabuga ng hangin. May nakaready ng menu kaya pinapili na niya ako ng gusto ko. “May napili ka na bang food?” Tanong niya sakin kaya tumango naman ako. Nagtaas siya ng kamay para tumawag ng waiter para makapagorder na kami. While waiting for our order, Liam hold my hand at nilalaro niya yung mga daliri ko. Hinayaan ko na lang siya dahil wala din naman akong magagawa dahil hindi naman niya ako bibitawan. Tahimik lang kaming kumain at panaka-nakang nagkukwentuhan. Paminsan-minsan din niya akong sinusubuan ng pagkain. I actually find him really sweet and caring. At may kilig akong nararamdaman dahil dun. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa mga office namin. Gusto niya ko ihatid pabalik pero sabi ko ay wag na kasi lalayo pa ang lalakarin niya. Hindi na siya nagpumilit at niremind na lang ako sa pagsundo niya mamaya. Mabilis na lumipas ang unang lingo sa amin. Ngayon nga ay Sabado at hinihintay ko si Mikee at Dani. Gusto sana ni Liam na pumunta sa unit ko or lumabas kami pero sinabi ko na pupunta nga ang mga bestfriends ko kaya hindi na siya nagpumilit. Sinabi na lang niya sakin na pupunta siya ng Sunday at magmessage ako sa kanya from time to time. Which I agree para hindi na humaba pa ang usapan at hindi na siya magpumilit pa. Nagsabi ung dalawa na after lunch sila pupunta. Since maaga ako nagising naglinis muna ako ng unit habang hinihintay silang dalawa. By lunch time tumawag si Nolan nangangamusta lang siya at nagsabi na lalabas sila ni Mike para magikot-ikot. So most likely gabi na siya ulit makakatawag. Sinabi ko din sa kanya na pupunta si Mikee at Dani. “b***h, ano na naman ang problema mo?!” Yan agad ang bungad sakin ni Dani pagpasok na pagpasok sa unit ko. Kahit kelan talaga ayaw nito ng paligoy-ligoy. Kilalang kilala nila akong dalawa ni Mikee. Alam nila kung kailan kailangan ko ng kausap dahil may pinagdadaanan ako or kung kelan namimiss ko lang talaga sila at gusto ko lang silang makasama. They always know. “Wala namiss ko lang kayo no. Gusto ko lang kayong makita. Masama ba? Ha?!” Sagot ko sa kanya. “Hoy! Maloloko mo silang lahat pwera ako gurl. One word from you alam ko na. Kaya wag mo kong paandaran dyan.” Mataray na litanya sakin ni Dani. “Spill!” dugtong pa nito habang si Mikee ay prenteng nakaupo lang sa sofa at tila naghihintay lang sa sasabihin ko dahil alam kong may idea na siya kung bakti gusto ko silang makasama ngayon. Umupo ng magkatabi sa sofa si Mikee at Dani samantalang ako ay umupo sa pang-isahang upuan sa gilid. Sinadya kong dumistansya sa kanila dahil baka mahablot agad ang buhok ko ng dalawang ito. Kilalang-kilala ko sila, lagi silang nakasuporta sakin pero kapag ako ang mali siguradong makakatikim ako sa kanila. Humugot ako ng malalim na hininga. “I’m in trouble.” Maigsi kong simula ng hindi tumitingin sa kanila. Pero ramdam na ramdam ko ang titig nilang dalawa sa akin pero hinihintay na ituloy ko ang sasabihin ko. “I think I’m falling for someone else.” Hindi pa rin ako tumitingin sa kanila at nakayuko lang. Narinig kong huminga ng malalim si Mikee. “You think?” Tanong nito sakin. Nang marinig ko yung tanong ni Mikee ay tumingin na ako sa kanilang dalawa. HInihintay nila pareho ang sagot ko. “I don’t know. I’m so confuse.” Sagot ko sa kanila. “Is it Liam?” Tanong ulit sakin ni Mikee. Tumango lang ako. Kinakabahan ako kasi tahimik pa rin si Dani. Dani has always been my protector, nasa tama man ako o mali. Pero kapag ako ang may mali kahit ipinagtatanggol niya ako sa harap ng ibang tao pero kapag kaming dalawa na lang nakakatikim din ako ng hindi magagandang salita sa kanya. Kung kailangan niya akong sabunutan at hambalusin gagawin niya para lang magisip ako ng tama. “Ellie! Is it Liam?” Ulit na tanong sakin ni Mikee. “Yes.” “s**t ka Ellie! Sabi mo magkaibigan lang kayo?! Ano to?” Mataas ng boses na litanya sakin ni Mikee. “We were.” Sagot ko. “You were friends. Were! And what about now?” “I don’t know. He said he likes me. Well, he said he is in-love with me.” Diretso kong sabi sa kanila. Tumingin sakin si Dani. “Gumaganti ka ba kay Nolan?” Diretsong tanong sakin ni Dani. Lumingon ako sa kanya. “No! Of course not!” Sagot ko sa kanya. Dani has this blank expression in his face. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Sasabunutan na ba niya ako? Friendship over na ba kami? “You said you think you like this Liam guy. Is it you think so? Or talagang gusto mo na tong lalaking ito?” Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ako sigurado sa sarili ko. “I think the correct question should be. Have you also fallen in-love with this guy?” “I know you Ellison, it is normal na maattract ka sa ibang lalaki pero you should know your limitation and when you should stop. Pero ngayon umiikot yang tumbong mo hindi dahil sa hindi ka sigurado sa nararamdaman mo kung hindi dahil you have fallen in-love with this guy while you are still in a relationship with Nolan and you can’t stop yourself from falling.” May inis sa tonong sabi nito sakin. Yumuko ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. “Are you having a relationship with this Liam guy?” Dani asks. Nang hindi ako sumagot. Si Mikee na ang nagkusang magsalita. “I think they are.” Tumingin ako kay Mikee waiting kung ano pang sasabihin nito. “Kala mo hindi ko alam na siya ang kasama mo naglulunch? At alam ko din na buong lingo ka niyang hinahatid sundo.” “This is bullshit Ellie! Galit na galit ka kay Nolan nung nangbababae si Nolan tapos ikaw ngayon eto ka kumakalantari ng iba!” Galit ng sabi ni Dani sakin. “Sinabi namin ni Mikee sayo dati na makipaghiwalay ka na kay Nolan. Ayaw mo dahil sabi mo mahal mo. Oh! Ano tong ginagawa mo ngayon? Sana man lang bago ka magjowa ng iba nakipaghiwalay ka muna kay Nolan.” “Putangina naman Ellie! Halos bumalik ako sa pagiging lalaki sa pagtatanggol sayo kay Nolan dahil sa kagaguhan niya tapos eto ka ngayon ginagawa mo yung dati niyang ginagawa.” Alam kong gusto na kong sakmalin ni Dani sa sobrang inis niya sakin. Matagal tagal din kaming nabalot ng katahimikan ng magsalita ulit si Dani. “You know this is wrong diba Ellie?” Tumingin ako sa kanya at tumango. “Then why?” Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nahihirapan din ako. “Mahal mo pa ba si Nolan, Ellie?” Tanong ni Mikee. Umiling ako. “Hindi ko alam. Naguguluhan ako.” “Ellie, alam kong hindi madali ang naging relasyon niyo ni Nolan at hindi din madali ang sitwasyon na pinasok mo ngayon. Ellie, you need to choose. You can’t keep them both.” Paliwanag sakin ni Mikee. “Pinasok mo yan Ellie, siguraduhin mong kaya mong lusutan yan ng maayos. You have to decide, hindi mo pwedeng sabihin na ayaw mo sila masaktan dahil kahit anong desisyon mo may masasaktan ka na. What you need to do is to be honest to them and to yourself.” “Hindi kita huhusgahan, alam mo yan. Kahit mali ka pa susuportahan at aalalayan kita. Pero hindi ko itotolerate yang ginagawa mo. I will give you time to think kung sino ba talaga and after that kung kailangan kitang iuntog sa pader para lang maayos mo yan gagawin ko.” Mahabang litanya sakin ni Dani. Bigla naman bumunghalit ng tawa si Mikee dahil sa huling sinabi ni Dani. Napangiti na din ako kahit papaano. “How long have you known this Liam guy?” Dani asks. “Over a month or two.” Sagot ko sa kanya habang ngumunguya ng pizza na dala nila. I was expecting to hear another violent reaction from him dahil sa bilis ng tinakbo ng relasyon namin ni Liam pero to my surprise wala akong narinig sa kanya. “Hindi mo ba ako tatanungin dahil napakabilis ng pangyayari samin?” I ask him. “No! It doesn’t matter kung napakabilis niyong minahal ang isa’t-isa. Wala naman yun sa tagal ng pagkakakilala niyo. Anong magagawa ko kung tinamaan kayo ng pana ni kupido no. Yun nga lang very wrong timing si Mr. Cupid.” Sagot sakin ni Dani. “Yummy ba te si Liam kaya nahulog ka gurl?” Pangaasar na tanong sakin nito. “Oo te, yummy si Liam. Very manly. Kaya ang kaibigan natin dito sa gilid ay hindi nakaiwas.” Tumatawang sagot ni Mikee. “Bwisit kayong dalawa. Hindi naman dahil lang sa yummy siya kaya nagustuhan ko siya.” “Oh! Interesting!” Banat pa ni Dani habang nakangisi. Bwisit talaga tong dalawang to. Kanina lang halos ihamabalos na nila ako sa pader sa inis nila sakin, ngayon kung makaasar akala mo hindi complicated ang situation ko. I’m just so glad and lucky na nakahanap ako ng kaibigan na tulad nitong dalawang to. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD