CHAPTER 16

2491 Words
Ellison: After dinner sabay na din umalis yung dalawa. They can’t stay overnight dahil may pupuntahan pa si Dani then Mikee has an early appointment the following day. Pero hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Dani bago sila umalis. Dani hug me habang nagpapaalam. Then whisper to me. “It doesn’t matter how long you’ve been together, what’s important is who makes you happy, who loves you dearly and whom you see your future with. Don’t waste time anymore.” Habang nagmumuni-muni ako I received a call from Nolan. “Hello honey.” “Hey, kamusta?” I ask him. “Ok naman we just explore around and eat. Did you have dinner with Mikee and Dani? How are they?” He asks but he sounded so tired. “Yes, dito sila nagdinner but they can’t stay overnight kasi may mga lakad pa sila. You sounded so tired. Are you ok?” “Yeah. I’m just tired kakalakad namin ni Mike.” “Kumain ka na ba ng dinner?” “Yes. We tried one of the food stall malapit dito sa hotel.” “Good. You know what hon, you really sounded so tired. Why don’t you take a rest then we’ll talk tomorrow?” “That’s a good idea honey. Sorry, napagod lang talaga ako. Probably because of this week’s activities tapos instead ipahinga namin today nagyaya pa tong si Mike mamasyal.” “It’s ok. Go ahead. Take a rest, let’s continue talking tomorrow.” “Ok. Ikaw din matulog ka na ha.” “Yup. Goodnight.” “Goodnight honey.” I felt so guilty. Sobrang guilt ang nararamdaman ko habang kausap ko si Nolan, kahit naman hindi siya naging faithful sakin he still doesn’t deserve to be cheated. I should make up my mind the soonest. Hindi na dapat tumagal pa ito. Pero sino nga bang pipiliin ko? Natatakot akong magkamali ng desisyon. Patulog na sana ako ng may tumawag ulit sakin. “Hello.” Sagot ko. “I miss you love.” It was Liam. “I tried to call you earlier but your line is busy.” Sabi niya. I know it was the time that I was on the phone talking to Nolan. “I’m sorry. I was talking to….hmmm…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. “It’s ok. I know and I understand.” I guess its not hard to know who I was talking to earlier. Napabuntong hininga na lang ako. “How was your bonding with your friends?” Pagiiba nito ng topic. “It was fun. It’s been a while din naman kasi since we last spend time together just chatting and eating.” Sagot ko sa kanya. “Nagdinner ka ba?” I ask. “Yeah. But I did not enjoy it.” “Why?” “Hindi kasi kita kasabay kumain.” “Hay naku Liam. Umayos ka nga. Tinatanong ka ng maayos ha.” Asik ko dito. “I’m serious babe. Hindi ko nga halos nagalaw ang pagkain ko eh.” “Kumakain ka ba ng tirang pagkain?” “Why?” He asks. “Do you want to come over. May natira pa kaming pizza and other food na dala nung dalawa kanina. Do you want some?” Hindi siya agad sumagot, hindi din ako nakapagsalita agad kasi nagulat din ako sa pagyaya ko sa kanya na para bang normal lang yun at matagal ko ng ginagawa. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko kaya hinintay ko na lang siya sumagot. “I’ll be there in a few babe.” Rinig kong sagot niya na para bang ang saya-saya ng boses niya. Hindi ko na lang pinansin at nagpaalam na sa kanya. “Ok. Hintayin kita. Iinitin ko lang yung food.” “Sure babe. See you. I love you.” Then he ends the call. I am expecting him to arrive around 30 minutes or more. Kahit naman malapit lang ang unit niya dito, I don’t think ganun siya kabilis makakaalis ng unit niya. And as I expected he arrived after 30 minutes. Pinagbuksan ko siya ng pinto at gumilid para makapasok siya. Pagdaan niya sa harap ko ay hinalikan niya ko sa labi na kinalakas na naman ng t***k ng puso ko. Tahimik akong bumuntong hininga dahil pakiramdam ko talaga magkakaron ako ng sakit sa puso. “Sorry love, I know its late iniistorbo pa kita.” Sabi niya sakin ng nakangiti. I smiled back at him bago nagsalita. “it’s ok. Kesa naman matulog ka ng hindi nakakakain ng maayos.” “I reheated the food, check it. I hope ok lang sayo yang mga yan.” I told him while urging him to sit down and start eating. “No problem. Hindi naman ako maselan. Tsaka kahit ano basta ikaw nagprepare kahit ininit mo lang yan kakainin ko pa din.” Ngumiti ako sa kanya at napabuntong hininga. This guy is really something. He always makes me feel special. Ibang-iba kay Nolan, though Nolan also makes me feel special pero iba si Liam. Or dahil magkaibang tao sila kaya magkaiba din ang approach nila. Probably. Tinabihan ko na siya sa dining pero hindi ako kumain. Tinitignan ko lang siya habang kumakain siya. I was so engrossed looking at him while he eats. Naramdaman niya siguro na nakatitig ako sa kanya kaya lumingon siya. “Why?” He asks na may pagtataka. “Nothing.” I just shrugged my shoulders and smile at him. He smiles at me na tila may pangaasar. “Gwapong gwapo ka ba sakin?” Nakangisi na nitong tanong sakin.  Inirapan ko siya. ”Hindi no. Feeling nito. Hmp!” Tumawa siya ng malakas dahil sa reaksyon ko kaya natawa na din ako. “So, we’ll go to church tomorrow?” He asks. “Yes.” Sagot ko sabay tango. “Then what do you want to do after?” “Well, I don’t know. Ikaw may naisip ka ba? but I do need to buy my supplies.” “Ok. Let’s just think of something tomorrow then we will go to the grocery bago tayo umuwi.” “Sure.” “Are you done eating?” Napansin ko kasi na tumigil na ito sa pagkain. “Yes, busog na ako. Thank you” “No. Dapat din akong mag thank you sayo.” Kumunot ang noo niya at nagtataka sa sinabi ko. “What for?” Ngumisi ako bago sumagot. “Kasi nabawasan yung pagkain na masasayang, ang dami kasi ng tira namin na food kanina. Hindi ko din naman yan mauubos kahit pa ilagay ko sa ref at ulit-ulitin kong kainin.” Pagkatapos kong sabihin yun ay tumawa ako. Tumawa din siya at napapailing. “So, kaya mo ko pinapunta dito at inalok ng pagkain para lang mabawasan ang guilt mo for wasting food.” Tumango ako habang nakangisi. Natatawa ako sa itsura niya na parang batang kinawawa. “Binibiro lang kita.” Bawi ko sa sinabi ko. “I was really concern that you did not have proper dinner earlier.” Pagkasabi ko nun ay ngumiti siya ng napakalawak. Ang sarap niyang tignan kapag nakangiti siya at tumatawa siya ng sincere. Kapag napapangiti ko siya at napapasaya ko siya pakiramdam ko masaya din ang puso ko. “Ako na magliligpit niyan. Magpahinga ka na lang dun sa sofa.” Sita ko dito ng mapansin kong ililigpit niya na yung mga plato sa lamesa. “Ako na, konti lang naman to.” Sabi niya. “No! Ako na. Wag ka ng makulit dyan.” Agaw ko sa kanya. Wala na siyang nagawa kaya naghugas na lang siya ng kamay at pumunta na sa living room. Pagkatapos kong magligpit at maghugas ay pumunta na ako sa living room para samahan siya manood. I decided to sit in the single couch sa tabi ng sofa pero nahawakan niya ang wrist ko at hinila ako para umupo sa tabi niya. Yumakap siya sakin and he rested his chin on my shoulder. Aaminin ko ang sarap sa pakiramdam ng mga yakap niya. Para bang wala akong mabigat na iniisip. Parang lahat ng mali nagiging tama. “Hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko sa kanya. Ngumuso naman siya na parang nagtatampo. He’s so cute! “Pinapauwi mo na ba ko?” Nagtatampong tanong nito. Tumawa ako kasi para siyang batang pinapauwi ng nanay niya galing sa paglalaro. “Late na kasi. Tsaka maaga pa tayo bukas, remember?” Bumuntong hininga siya pero hindi sumagot. Instead, mas hinigpitan lang niya ang yakap niya sakin at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko kaya nakiliti ako. “I don’t want to leave.” Mahinang sabi nito. “Ha?” Tanong ko sa kanya. “Can I stay here for the night. I don’t want to leave. Please.” Sabi nito with matching puppy eyes. “No. You can’t.” As much as I want him to stay, hindi ko siya pwedeng pagbigyan sa lahat. Paano kung makasanayan ko ang presence niya sa paligid ko tapos hindi naman pala siya mananatili sa tabi ko. He was looking at me intently with pleading eyes. s**t! Sinasabi ko na nga ba. I need to resist him pero hanggang saan ko ba kayang tiisin ang lalaking to. “Please babe. Kahit dito lang ako sa sofa, okay lang sakin. Basta let me stay.” “No. Hindi ka makakatulog ng maayos kung dito ka sa sofa. Go home and rest.” Matigas kong sagot dito pero ang kaloob-looban ko gusto ng bumigay. “Hindi. Okay lang talaga ako dito sa sofa. Sige na love. Please.” Paglalambing nito sakin with matching pleading eyes. Jusko! Pano ko ba to tatanggihan. Nagsisisi na ko na niyaya ko siya kumain dito. Hindi ko na tuloy siya mapaalis. At paano ko naman mapapaalis ang tao to kung tingin pa lang niya hindi ka na makatanggi. He really has this set of beautiful deep brown eyes na gustong gusto kong tinititigan. “Pero Liam, hindi ka nga makakapagpahinga ng maayos dito sa sofa.” “Sa sahig na lang.” Mabilis na sabi nito sakin. “No! sasakit ang likod mo.” “Sige na love. Wag mo na muna akong pauwiin let me stay. Please.” Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. Hindi talaga siya kasya dito sa sofa, ako nga hirap matulog sa sofa, eh di lalo niya siya. Kung sa sahig naman malalamigan siya at matigas I doubt na hindi sasakit ang likod nito pagkagising kinabukasan. I don’t have a choice, kawawa naman to kapag pinabayaan ko dito sa labas matulog. Pero hindi kasi tama yung naiisip kong solution. Damn it! Bahala na nga! “Fine! I have a wide bed you can sleep there too. But make sure to stay on your side of the bed. Okay?” Babae ako pero a really love sleeping in wide bed. So, I have a King size bed which can fit 3 to 4 people. I also don’t have a spare or a guest room. The only spare room I have is full of my stuff at walang matutulugan dun. Nung marinig niya ang sinabi ko kitang kita ko ang kislap sa mga mata niya at ang napakagandang ngiti nito sa labi. Fuck! This is really a bad idea. “Don’t worry I will stay still and I won’t cross the line.” Its him giving me the assurance I need. “Ok let’s go. Its late. Turn off the tv, please.” “Yes, my love.” Masayang masayang sagot nito sakin. Napapailing na lang ako dahil para itong isang bata na binigyan ng laruan ng nanay niya. Lumakad na ako papasok ng kwarto at nakasunod naman siya sakin. Nang bigla kong maalala na wala nga pala itong dalang damit. “Hey! Wala kang pamalit na damit.” Tumigil ito at napaisip. Siguro ngayon lang din niya naalala na wala siyang pamalit na damit ng biglang sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. No! isa iyong pilyong ngisi. Kaya tinignan ko agad siya ng masama at natawa naman siya. “I remember I have clothes in my car. Bababa lang ako sa parking to get it.” Kumunot naman ang noo ko. Nagdala siya ng kotse eh pwede naman lakarin ang unit niya from here. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya at napailing na lang ako. He already planned this. Wala talagang siyang planong umuwi! Kainis! “Wait for me babe. Kukunin ko lang ang damit ko sa kotse.” Bumuntong hininga na lang ako at tumango. Umalis din siya agad para kunin ang damit niya. Naligo na ako pagkalabas na pagkalabas nito papunta sa kotse niya. Pagbalik niya nagulat ako sa dami ng dala niyang damit. May bitbit siyang duffel bag na malaki at meron din siyang hygiene kit or toiletries na dala. “Maglilipat ka ba?” Hindi ko maiwasan na biruin siya dahil sa mga dala niya. He just shrugged his shoulders and laugh. “I will if you want me to.” Lumingin ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Umiwas siya ng tingin sakin at tinignan ang paligid para hanapin kung nasaan ang pinto papuntang bathroom. Dumirediretso na siyang pumunta dun ng makita niya. Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang hindi ko na alam kung ilang beses akong humugot ng malalim na hininga simula ng dumating siya. Kumuha ako ng kumot para kay Liam. Maigi ng hiwalay kami ng kumot na gagamitin. ‘As if naman it can protect you kung gapangin ka ni Liam no.’ Sabi ng kontrabida kong utak. Ipinatong ko yun sa side ng bed kung san siya mahihiga. Then humiga na din ako dahil inaantok at pagod na ako. Paglabas niya ng bathroom ay ipinatong niya yung hinubad niyang damit sa ibabaw ng duffle bag niya then lumapit na din siya sa switch ng ilaw. “Babe do you sleep with lights on or off?” s**t! Bakit parang iba ang dating sakin nung tanong niya. “Turn it off please.” Mabilis kong sagot then tumagilid na ako ng higa, nakatalikod sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa na parang alam niya kung anong tumatakbo sa isip ko. Then naramdaman kong humiga na din siya. “Goodnight love.” Then he reaches for me to kiss me in my temple then umayos na siya ng higa. “Goodnight Liam.” I replied sleepily. I reach for the bedside lamp and turn it off too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD