Chapter Fourteen -Uno/Callix Inaapoy na ako ng lagnat pagkatapos kong mataligo sa harap mismo ni Zevy, pero kahit papaano ay hinayaan parin ako nitong kunin ng mga tauhan ko para magamot. Alam kong galit ito sa mga naging sagot ko sa kanya kaya ako binigyan ng ganoong parusa. Ang totoo ay wala lang sakin kung ilang latigo pa ang gusto niya. Basta huwag niya lang hahayaan na kunin saakin si Kendal dahil siguradong iyon ang hindi ko kayanin. Hinanda ko na rin naman ang aking sarili sa lahat ng mangyayari sa akin kahit sino ang magalit ay wala akong pakialam dahil walang laman ang utak ko ngayon kung di ang makitang nasa tabi ko lang ito. Inabot pa ng ilang buwan pa bago ulit ako nakauwi sa Batanes kung san ko iniwan si Kendal, kaylangan ko pa rin kasing magpagaling dahil sa sugat na

