FIRST LOVE
Chapter 1
-Uno/Callix-
Malalakas na pagsabog at putukan ng mga iba’t-ibang klase ng baril ang maririnig mo sa loob at labas ng isang bodega dito sa isang lugar sa Bataan. Nasa loob ako ng kotse at nasisigarilyo habang nakatanaw sa dalawang grupong nagpapatayan, ako ang may gawa para magkagulo silang lahat dahil ang ayoko sa lahat ay kinakalaban ako kaya naman ako mismo ang gagawa ng kanilang kamatayan ng sa ganoon mabawasan ang magiging kalaban ko. Napapangisi pa ako habang nakikitang kong natatalo na sa labanan ang grupo nila Mendez, isa ito sa matindi kong kalaban lalo na sa baril at maging sa iba ko pang business. At mahina na rin ang grupong kalaban nito at mas gugustuhin kong parehong mawala sa mundo ang dalawang ito ng sa ganon ay ako pa rin ang manatili sa ng walang gustong kumalaban pa sa akin sa mundong ginagalawan ko.
“Uno, sa tingin ko kailangan na rin nating umalis. Malapit ng matapos ang classes ni Madam Kendal at baka mahirapan ka namang magdahilan kung sakaling hindi ka n’ya makikita sa school.” Mahinang salita sa akin ni Jayson ang kanang kamay ko at hindi rin ako nagpapatawag sa kanila ng Boss o Amo mas gusto kong pangalan lang ang itawag nila sa akin dahil ayokong isipin nil ana porke ako ang nagpapasahod sa kanila ay hindi na nila ako maaaring maging kaibigan kaya naman una pa lang ay sinabi ko na sa kanila ang lahat ng gusto ko ng sa ganoon ay mas tumagal pa ang aming pagsasama bilang amo at tauhan. Muli pa akong tumingin sa naglalabanan at saka ako tumango dito. Napapapikit pa ako habang nasa bayahe at iniisip ang magandang mukha ng isang babaeng mula sa pagkabata ay mahal ko na at hindi ko hahayaan na mawala sa tabi ko.
Ngunit sa ngayon ay hindi pa nito pwedeng malaman kung sino at ano akong klaseng tao. Sa paningin kasi nito ay ako si Callix Villanueva isang nerd na student na mahirap at lampa. Nagtatago ako sa ganitong pagkatao para makalapit dito, ayaw kasi nito ang mga taong mayayaman at gwapo dahil sakit lang daw ng ulo ang mga ito para sa kanya. Kaya minabuti kong magtago sa ibang pagkatao para na rin mabantayan ko ito laban sa mga taong kalaban ng kanyang ama. Papasok na ako ng school ng makita ko itong nakapamewang sa waitng shed at nakatingin sa akin ng masama. Ako naman ngayon ay nakasuot ng malaking salamin at may dalang libro na akala mo talaga ay isa akong geneus kung titignan. Naglagay din ako ng brace sa ngipin para magmukha talaga akong nerd na walang alam sa maraming bagay sa ganitong paraan lang ako maaaring makilala nito at masaya ako sa tuwing nakakasama ito kahit pa ibang ayos ko ngayon.
“Explain?” Isang salita pero maraming ibig sabihin para dito. At kapag hindi nito nagustuhan ang paliwanag ko isang linggo ko ito hindi makikita. Ito ang kasunduan namin sa tuwing liliban ako sa klase ng hindi nito nalalaman. Hindi ko naman pwdeng sabihin dito ang totoong dahilan dahil nga nagtatago ako sa tunay na ako.
“Ah!!! ano…...kasi initusan ako ni Ms. Santos na tapusin ang lahat ng activities na ipinasa kanina ng mga klasemate natin, nagpatulong din siya sa iba pang kailangan sa libro ng sa ganoon daw ay maging guide n’ya sa gagawin n’yang bagong mga activities na ipapagawa n’ya sa iba pa nitong section na hawak.” Kinakabahan at nakayuko kong sagot dito. Nakatingin lang ito sa akin at hindi ko kayang salubungin ang tingin nito sa akin dahil ayokong nagagalit ito sa akin dahil siguradong hindi ko ito malalapit ng ilang araw. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa nakataas pa ang kilay nitong tumitig sa akin. Alam ko naman hindi nito malalaman ang totoo dahil tauhan ko si Ms. Santos at alam nito lahat ang buong plano ko.
“Baka naman pwde sa susunod ay magsabi ka naman sa akin ng sa ganoon hindi ako nahihilo ng kakahanap sayo sa buong campus, aba! muntik pa akong magcut ng classes ng kakahanap sayo at kung nasaan kana ba? Hindi mo rin sinasagot ang cellphone mo kaya ano ang gusto mong isipn ko ha, Callix Villanueva? At oras na ulitin mo pa ito ay sisiguraduhin ko na sayong kahit isang tingin o pag-aalala ay hindi ko na gagawin sayo, kakalimutan na rin kita, naiintindihan mo?” Mataray nitong salita sa akin, na ikinakaba ko naman dahil alam kong may isang salita ito at dahil sa isa rin itong De Lana ay alam kong magagawa nito ang lahat ng kanyang nanaisin. Dahil oras na sinabi nito ay ginagawa talaga nito. Mabilis lang na pagtango ang sinagot ko dito hindi ako pwdeng sumagot dahil siguradong hindi naman ito titigil sa mga gusto nitong sabihin sa akin.
“Tara na, gutom na ako at gusto kong kumain sa restaurant ni Mommy samahan mo ako at hindi ka pwdeng tumangi sa akin.” Sambit nito at pumulupot na sa braso ko at nagpunta sa kotse nitong nakaparada sa malapit lang. Wala din itong body guard pero may driver ito na kilala ko rin naman ngun’t hindi rin nito sinsabi ang totoo sa dalaga, ayaw nitong palaging may sumusunod sa kanya kaya naman wala ito kahit na isang body guard pero alam kong may nakasunod dito sa lahat ng oras at dahil si Khen De Lana ang ama nito ay natitiyak kong maraming nakapaligid kay Kendal na hindi rin nito nakikita o nararamdaman. Nasa restaurant na kami ng Mommy nito ng dumating ang Daddy nitong si Khen De Lana, napatingin ito sakin pero umiwas lang ako ng tingin dito na animoy natatakot dito. Alam kong kilala ako nito pero hindi nito magawang kausapin ako dahil alam na rin naman nito ang layunin ko sa kanyang anak.
“Daddy! Pwde bang h’wag mong tignan ng masama ang kaibigan ko?” Mataray na salita dito ni Kendal at nakita kong napatango na lang si Mr. De Lana sa kanyang anak.
“Mahal, tama na yan at kilala ko ang batang yan. Siya si Callix classmate ng anak mo kaya pwde ba umayos ka, baka matakot yang bata ay hindi na makipagkaibigan sa anak mo.” Sagot naman ni Mrs. De Lana sa kanyang asawa na ngayon ay napapakamot sa kanyang ulo at saka na lang yumakap sa kanyang mahal na asawa. Maganda ito at masasabi kong magagaling pumili ng mapapangasawa ang lahat ng De Lana’s. Pero s’ympre mas maganda ang mahal ko napapakagat ako sa aking labi dahil sa mga tumatakbbo sa aking isipan.
“Mahal sa tingin ko hindi magagawang lumayo ng lalaking yan sa anak mo kahit ano pa ang mangyari?” Makahulugan nitong sagot sa asawa na ikinakuno’t naman ng noo ni Mrs. De Lana, maging ako ay napatingin dito ng dahil sa sinabi nito. Ngun’t niyaya na lang nito ang kanyang asawa na magpunta sa office nito dahil sa meron pa daw silang pag-uusap tungkol sa iba nilang anak na si Kenjie ang kakambal ni Kendal.
“Callix, h’wag mo na lang pansinin si Daddy at ganoon lang yon minsan sa mga taong nakikilala ko. Pero mabait ang pamilya ko kaya sana ay hindi ka mailang sa kanila ng sa ganoon ay makita rin ni Daddy na mabuti kang tao, ok ba yon?” Nakangiti nitong sambit sa akin at sumandal pa ito sa aking dib-dib na ikinatuwa naman ng aking puso. Ganito ito kalambing sa akin tuwing hindi ito galit pero masama ito magalit na iniiwasan kong mangyari sa aming dalawa. Habang nasa bisig ko ang babaeng mahal ko ay napapatanag na rin ang buo kong pagkatao at parang gusto kong ganito nalang kami buong araw at hindi na rin kami maghihiwalay ng sa ganoon ay magawa kong maipakita dito kung gaano ko ito kamahal at kahalaga sa puso ko. Ganito rin ito sa tuwing nakikita nitong kinakabahan ako o kung hindi ako komportable sa paligid.
Kaya labis ko itong nagugustuhan dahil sa sobrang sweet nito sa akin, at kapag kasama ko ito ay piling ko ay ibang tao ako para gusto ko nalang na maging nerd habang buhay para lang palagi itong nasa tabi ko. Pero alam kong hindi ko ito maproprotektahan kapag isa lang akong nerd. Pagod akong humiga sa kama ko dito sa kuwarto, habang nakahiga at isa-isa kong inaalis ang suot kong damit at maging ang brace sa ngipin ko. Napahinga na lang ako ng mahubad ko na ang lahat at sandali akong pumikit para namnamin ang sandaling katahimik at naglalaro sa aking isipan ang magandang mukha ni Kendal na nakangiti at nakatingin sa akin. Gustong-gusto ko talaga ito at wala akong makitang kapintasan dito dahil na sadyang mabait ito tulad ng iba pa nitong mga pinsan na down to earth. Marami na rin akong nakilala mga De Lana pero dito lang talaga nagpokus ang aking tingin ko dahil sa alam kong makakaiba dito na ako lang ang nakakakita.
Mula talaga ng makita ko ito ay hindi na ito nawala sa aking isipan, binabantayan ko na ito mula sa malayo. Nasa elementary pa ito noong nag makita ko itong umiiyak at inaaway ng ibang bata, lalapitan ko na sana ito pero nagkaroon ng putukan kaya hindi ko na ito nakita pa. Hanggang sa lihim kong inalam ang lahat ng tungkol dito at kinausap ko si Daddy para gumawa ng paraan na mapasa akin ang batang babaeng yon sa tamang panahon dahil hindi ko kakayanin kung mapupunta ito sa ibang lalaki at hindi sa akin. Hindi ko alam pero sa murang edad ko lang din noon ay gusto ko na agad itong makita at makasama at ayokong may ibang lalaki ang makikitang kasama ito maliban lang sa kanyang mga pinsan. Ginawa ko talaga ang lahat ng sa ganoon ay mapagbigyan ako ng aking ama, dahil alam kong mahal ko na ang babaeng unang kita ko pa lang ay napatibok na rin sa aking puso na hindi ko na rin kayang pigilan pa. Nagawa ni Daddy na mailipat ako sa school nito at nalaman kong anak pala ito ni Mr. Khen De Lana isa sa mga nagiging client ni Daddy ko kaya naman nakaisip ako ng idea na alam kong ipapanalo ko sa huli.
Isang gabi ay nakatanggap ng tawag si Daddy mula kay Mr. Khen De Lana para alisin sa landas nito ang lahat ng gustong pumaslang sa kanyang mga anak, nagpag-alaman kong palaging nasa bingit ng kamatay ang babaeng mahal ko at ang iba pa nitong mga kapatid. Kaya naman kinausap ko si Daddy para ibigay sa akin ang misyon at sisiguraduhin kong aalisin ko sa landas ng mga ito ang lahat ng magiging sagabal sa kanilang pamumuhay. At dahil sa sanay na ako sa ganitong klaseng trabaho ay pinayagan ako ni Daddy na bantayan at patayin ang lahat ng sangkot sa panggugulo sa pamilya ni Mr. Khen De Lana. Isang kilalang security agency ang company ni Daddy at hindi kami simpleng agency na tulad ng iba, dahil ibang pagbabantay ang ginagawa namin lalo na kung malaking halaga ang pinag-uusapan. Maraming client si Daddy na mga malalaking tao talaga na gsutong bantayan ang kanilang pamilya kaya naman marami din kaming taong kinukuha at sinasanay ng sa ganoon ay magawa nila ang kani-kanilang mga trabaho at ng hindi rin kami masira sa aming mga nagiging client.
Hindi naman sa mukha kaming pera ng aking ama pero dahil talagang magiging secure ang buhay mo sa amin at kailangan mo itong tapatan ng tamang halaga. At may mga tauahn kaming double rin ang sahod lalao na kung nagagampanan ng mabuti ang kanilang nagiging trabaho o walang nagiging problema sa kanilang binabantayan. Malaki ang gustong ibigay na bayad ni Mr. De Lana, pero ayoko ng pera nila ang maging kabayaran sa gagawin kong pagbabantay sa kanilang nag-iisang anak na babae. Dahil guto ko itong makuha sa tamang edad nito at panahon at nangako akong magiging mabuti ako para sa kanilang ana koras na mapasaakin ito at kung papayagan nilang maging asawa ko ito pagdating nito sa tamang edad. Hindi sumagot si Mr. De Lana pero buo na ang desisyon ko dahil akin na ang anak nitong si Kendal De Lana at walang sino man o kahit na ano ang makakapigil sa kagutuhan kong maging asawa ko. Kahit pa ang pinsan nitong mafia lord na si Zen Levy ay hindi ako mapipigilan.