Chapter 2
-Uno/Callix-
"Mr. Patterson, please patawarin mo ako nagawa ko yon dahil sa nangailangan ako ng pera nasa hospital ang nanay ko at kailangan ko talaga ng pangbayad sa doctor ng sa ganoon ay maoperahan ito sa kanyang sakit sa puso, kaya pakiusap patawarin mo ako nakikiusap ako sa’yo." Pagmamakaawa ng isang tauhan kong nahuli kong nagnanakaw sa sarili kong company na minana ko naman sa aking nasirang ina. Walang salitang binaril ko lang ito sa ulo, wala akong panahon para makinig sa kasinungalingan nito alam kong may sakit ang ina nito pero nasa bahay na ito at nagpapagaling. Hindi rin totoo na tumutulong ito sa magulang niya dahil nalaman kong matagal na nitong inabanduna ang kanyang mga magulang. Kaya walang saysay ang buhay nito kung bubuhayin ko pa ito ang mga taong gusto kong inaalis sa mundo dahil nagagawang magsinungaling para lang pagtakpan ang kanilang kasalanan ay kaya pa nilang idamay ang taong may sakit para lang iligtas ang kanyang sarili. Ganyan ako magparusa at hnidi naman ako talaga masama dahil bago ko patayin ang isang tao ay inaalam ko muna kung dapat pa ba itong mabuhay o hindi na ng sa ganoon ay makagawa pa rin ako ng tama oras na malaman ko ang totoo. Hindi ako kasing lupit mg aking ama, hindi iyon nakikinig kahit kanino maging katotohanan man o hindi.
"Uno, tumawag po ang Daddy mo at ikaw ang pinapupunta n’ya sa ibang bansa ng sa ganoon ay mag-asikaso ng susunod na transaction na hindi daw nito mapupuntahan dahil sa may tinatapos pa daw ito ngayon." Sambit ni Jayson nang makapasok ako sa kotse at hindi pa man ako nakakaayos ng upo ay ito na agad ang kanyang naging bungad.
"Ok" Simpleng sagot ko lang dito, mag-iisip pa kasi ako ng dahilan kung ano na naman ang idadahilan ko kay Kendal dahil halos tatlong araw ako mawawala. Napahilamos pa ako dahil sa naiinip na akong makasama ko ito ng matagal. Dalawang taon pa bago ito mag disiotso kaya naman binabantayan ko itong mabuti, dahil mahirap ng maunahan ng iba. At hindi rin naman ako papayag na maisahan at mawala sakin ang babaeng matagal ko ng binabantayan, sisiguraduhin kong uulan ng dugo oras na mawala ang pinapangarap ko.
"School" Salita ko kay Jayson at pumikit na muna ako dahil nakakaramdam na rin ako ng pagsakit ng aking ulo sa dami ng aking iniisp ngayon. Gusto ko lang makita ngayon si Kendal may practice kasi ito ngayon sa swimming at kasali rin kasi ito sa darating competition sa school at alam kong isa rin ito sa gusto niyang gawin, mahilig kasi sa mga sport si Kendal at hindi lang swimming ang sinalihan nito at sa pagkakaalam ko ay kasali rin ito sa volleyball na isa rin sa hilig nitong gawin. Hindi ko naman ito napigilan sa kung anong gusto nito pero kaya ko naman itong supportahan sa lahat ng nais nitong gawin.
Hindi na muna ako nagdisguise dahil sa malayo ko lang naman ito titignan at tatanawin. Papasok na ako sa pool area nang marinig ko ang bulungan ng mga kababaihan at marami ang nagtatanong kung sino nga ba ako? Nagkaroon din ng mga tilian ng mga kababaiha, ganito palagi sa tuwing pupunta ako dito per oni minsan ay wala akong pinansin isa man sa kanila at wala akong pakialam sa mga ito kaya naman darecho lang ang lakad na parang hari. Naka shade ako at naka black leather jacket ko na paborito kong suotin lalo na kung tatanawin ko lang naman si Kendal mula sa malayo. Naupo ako sa pinakadulo subalit kita ko pa rin ang nais kong makita. Umahon ito sa tubig at nakita kong nilapitan agad ito ng head coach, napayukom naman ang kamao ko dahil sa suot nitong one-piece swimsuits na kulay red lumabas tuloy ang hubog ng katawa nito ng pipigil ako ng galit dahil alam kong wala akong magagawa ngayon para takpan ang maganda nitong katawan.
Gusto kong mamaril ng mga matang nakatingin dito, pero pinipigilan ko dahil alam kong matatakot lang ito sa akin. Pigil ang galit na tumingin ako ulit dito mabuti na lang at inabutan ito ng kanyang yaya ng robe para takpan ang basa nitong katawan. Titig na titig ako dito nang mapansin kong parang may hinahanap ito sa paligid hanggang sa magtama ang mata naming dalawa. Hindi ako nagpahala na nakakaramdam akong kaba sa tingin nito sa akin, masama kasi ang tingin nito at halata sa kilos nito na ayaw ako nitong makita. Hanggang sa magpatuloy na lang ito sa pag practice at hindi na rin ako muling pinansin pa sa mga ganitong pagkakataon alam kong naiinis ito sa mga tulad ko dahil ang dating nito para sa kanya ay mayabang akong tao at naririto lang ako para magpapansin sa mga babaeng nakakakita sa akin. Natutuwa naman akong isipin na magiging selosa pala ito oras na magkaroon kami ng rtelasyon at nakikita kong kaya nitong manabunot ng buhok oras na may nakita itong babaeng magpapapansin sa akin. Hindi rin naman ako umalis hanggang nasisigurado kong maayos itong nakauwi sa kanilang mansion, buong araw lang akong nakabantay dito tulad na madalas kong gawin dito noon pa man. Ni ayaw umalis ng mga mata ko dito pero napanatag ang loob ko ng makita ko itong nakapasok na sa kanilang mansion. At sumidhi ang saya sa aking sestima ng makita kong tumatawag ito sa akin ngayon.
"Asan ka naman?" Mataray nitong pagtatanong sa akin napapakagat labi naman ako dahil kahit na mataray ito magsalita kinikilig naman ako dito at hindi naman tumigil ang pintig ng aking puso dahil sa naririnig ko ang boses nitong naglalaro sa aking pandinig.
"Nasa bahay bakit?" Pinasimple ko lang ang sagot dito ng sa ganoon ay hindi nito mahalata na nagsisinungaling ako dito.
"Gusto kitang makausap bago ka umalis, gusto mo bang makita na lang tayo sa isang lugar o magkita na lang tayo sa restaurant ni Mommy.?” Suplada naman nitong tanong na ikinakamot ko na lang sa aking ulo. Mukhang may kailangan naman akong ipaliwanag dito ngayon, kaso nasa airport na rin ako ngayon at papasok sa private plane ko papuntang Canada, naroroon na rin ang lahat ng tauhan ko at ako na lang din ang hininintay nila ng sa ganoon ay makaalis na rin kami.
"Sorry, nakalimutan kong ngayon pala ang alis ko Kendal, pasensya na talaga at hindi ko nagawang magpaalam sayo. Hayaan mo pagdating ko pupuntahan agad kita yan sa inyo emergency lang talaga ang pag-alis ko ngayon.” Mahina kong sambit dito at kinakabahan ako sa magiging sagot nito sa akin dahil alam kong magagalit ito sa akin ngayon.
"Lagi mo akong nakakalimutan sa lahat ng ginagawa mo? Alam mo sa tuwing nawawala ka sa tabi ko iniisip ko kung ano ang ginagawa mo o baka may iba ka ng kaibigan na mas gustong kasama kaysa sa akin dahil sa ilang araw na hindi na tayo nagkikita hindi ko na rin magawang pa sayo? Umuwi ka at aalis ng wala man lang pasabi at kung hindi pa kita tatawagan hindi mo ako maiisipan na sabihan man lang ng mga nangyayari sa buhay mo? Kaibigan pa ba ang tingin mo sa akin Callix o isang kakilala lang?" May lungkot sa boses nito na ikinainis ko sa aking pagkatao. Alam kong totoo ang mga sinasabi nito at hindi rin naman madali ang maglihim dito dahil alam kong mahal na mahal ko ito.
"I promise pagbalik ko sasabihin ko sayo ang totoo Kendal, pero sa ngayon may mga bagay pa akong hindi pwdeng ipagtapat sayo. Pero kahit anong mangyari ikaw lang din ang taong gusto kong makasama at walang ibang hihigit sayo sa puso ko." Mahina pero buo ang pangako sa boses ko. Hindi na rin ito sumagot alam kong masama ang loob nito sa akin ngayon dahil nma rin sa madami akong nagawa dito na hindi ko mabigyan ng kasagutan. Pagkatapos naming mag-usap ni Kendal ay bumalik ako sa pagiging seryoso ko sa mga tauhan ko, kaya naman nangsi-ayos ang mga ito ng tayo at yumuyuko sa tuwing daraanan ko ang mga ito. Nakita nilang hindi naging maganda ang mood kaya naman ilag ang mga ito na magsalita sa akin ng kahit na ano.
"Uno, pinasasabi lang po ni Daddy n’yo na sa hotel daw muna kayo tumuloy dahil ngayong gabi ang transaction at nais n’yang maging handa kayo at pinag-iingat din po n’ya ang lahat ng sa ganoon ay maging maayos ang mangyayaring transaction." Nakayukong sambit sa akin ni Harold ang isa sa mga tauhan ko sa tuwing aalis ako ng bansa at tauhan di ng aking ama.
"Ok sige, kung ganoon pumunta na tayo sa hotel para makapaghanda at sabihan mo ang lahat namaging handa at ayokong papalpak ngayon gabi kung hindi lahat kayo ay malilintikan sa akin, maliwanag ba Harold?" Sagot ko habang nakapikit at iniisip pa rin ang mukha ni Kendal at kung paano ko ito kakausapin sa pagbalik ko. Naramdaman ko na lang ang pag-alis ng tauhan ko kaya naman tuluyan na muna akong nagpahinga dahil tatagal pa ng ilang oras ang bayahe namin sa himpapawid. At parang wala ako sa mood na kumilos ng kahit ano ngayon dahil sa alam kong galit ang babaeng mahal ko ng dahil sa kagagawan ko.
Nangsumapit ang gabi ay nakarating na kami sa isang malaking bodega na kung saan magaganap ang isang transaction ng mga baril at iba pang armas na ginagamit sa pakikipaglaban. Nasa malayo ako at hindi ako basta humaharap lalo na kung hindi naman kaaya-aya ang kaharap ko. Napapabuga na lang ako ng usok galing sa seragilyo ko ng marining ko sa earpieces na nasa tenga ko ang sinabi ng mga ka transaction namin.
" Bago tayo magsimula gusto kong makita at makilala ang boss n’yo? Alam naming mga tauhan lang din kayo kaya kung gusto n’yong matuloy ang transaction na ito at iharap n’yo sa amin ang boss n’yong palaging nagtatago sa dilim. Malaking transaction namin sa n’yo kaya sa tingin ko karapatan namin s’yang makilala ng sa ganoon ay maging maayos ang susunod pa nating mga transaction." Nakangising sabi nito kaya Harold, napakuyom naman ang aking kamao dahil mukhang hinahamon ako nito.
"Mas maganda kung tapusin na natin ito ng maayos at tahimik dahil ayaw kasi ng boss ko na pinaghihintay s’ya ng mga ganitong klaseng transactin na wala naman kwentang at hindi kami mawawalan kung hindi kayo makikipagdeal dahil hindi lang kayo ang pwdeng magkatransaction namin dito sa bansa." Baliwalang sagot naman ni Harold dito at dahil naka full training ang lahat ng tauhan ko ay hindi na rin ako nahihirapan sa mga ganitong sitwasyon at hinahayaan ko silang gawin o kumilos na alam nilang tama, narito lang naman ako para makita at masaksihan ang kanilang gagawin dahil alam kong walang isang salita ang taong magiging katransaction namin ngayon.
“Totoo pa lang ang nalaman kong matatapang ang lahat ng tauhan ni Mr. Patterson, pero paano ba yan ayoko ng tahimik at maayos na transaction?" Sagot naman ni William kay Harold. Maliwanag kong nakikita ang dalawa at makikita sa pagmumukha ni Harold na gusto na niya itong tapusin. Kaya naman kinausap ko ito sa pamamagitan ng earpieces na nasa tenga nito.
"Harold, relax ka lang yan may plano ako.” Mahina kong sambit dito at pinakatitigan si William na ngayon at masama na rin ang tingin sa mga tauhan kong nasa harapan nito. Nakita kong tumango ito kaya naman umayos ako ng tayo at walang pag-aalinlangan na isa-isa kong pinagbabaril ang lahat ng tauhan nito hanggang sa magkaroon na rin ng gulo at mabilis ang naging kilos ng lahat ng tauhan ko at ng masigurado ko ng wala ng naiwan na kakampi si William ay lumanbas na rin ako sa aking pinagtataguan at hinarap ko ito.
“Ako ba ang nais mong makita, ha?” Seryosong tanong ko dito at binaril ko ito sa kanyang binti na ikinadaing nito ng malakas. Napapapaatras naman ito habang hila-hila ang kanyang paa, walang buhay ko itong tinignan hanggang sa isa ko pang binti ang binaril ko hanggang sa magmakaawa ito sa akin na h’wag ko s’yang papatayin dahil sa may mga taong umaasa pa daw sa kanya.
“Ayaw mo pa lang mamatay pero ginusto mo akong makita? Alam mo bang ang lahat nagnakakakita sa akin ay nawawala ng maaaga dito sa mundo, kaya sa tingin mo mabubuhay ka pa kaya ngayong gabi?” Salita ko dito hanggang sa nakikita ko ang takot nito sa kanyang mukha. Pero dahil natatagalan ako sa naging sagot nito at alam kong ganoon din naman ito kasama ay binaril ko na lang ito bigla ng sa ganoon ay matapos na rin ang lahat dito. Makahulugan akong tumingin kay Harold at nakita kong tumango lang ito sa akin at alam na rin naman nito ang ibig kong sabihin sa lahat ng nangyari ngayon.