ADMIT WHAT YOU FEEL

2060 Words
Chapter 4 -Uno/Callix Palabas na ako ng airport ng ipakita sa akin ni Jayson ang isang video. Isa itong interview ni Asher Harris at tumaas agad ang galit ko sa binata dahil sa mga naririnig kong sinabi nito sa kanyang interview at mas lalo tumindi ang galit ko ng malamang nasa school na rin ito ni Kendal at mukhang may balak talaga itong pormahan ang babaeng nakalaan na rin para sa akin. Nasisiraan na ba ito ng ulo at ang babaeng gusto ko pa ang trip nito? Kaya wala akong sinayang na oras ng malaman kong nasa school na ito at hinahanap na daw si Kendal. Pababa na sana ako ng kotse ng pigilan ako ni Jayson para ibigay ang jacket at mask. Sa sobrang galit ko ay nakalimutan kong hindi pa pala ako pwdeng makita ni Kendal sa ngayon at mabuti talaga ay alisto ang tauhan ko dahil kung hindi ay maaari akong mabisto ng maaga ni Kendal at baka madag-dagan pa ang galit nito sa akin. Dahil siguradong magugulo lalo ang mundo ko kapag nalaman agad nito ang totoo. Dahil sa namumuong galit ko ay hindi ko napigilang sipain si Asher na nakaupo at malapit pa talaga kay Kendal, pinagsusuntok ko ito sa mukha hanggang sa nagdatingan naman ang mga security guard ng school. Lalapitan sana ito ni Kendal ng pigilan ko ito sa braso at pinakatitigan sa kanyang mata. Gusto ko itong yakapin at sabihin dito na huwag siyang umalis sa harapan ko at akin lang siya. Pero mas pinili ko paring umalis na lang muna dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at magawa ko ang isang bagay na hindi pa dapat at ayokong mas lumalala pa ang magiging sitwasyon ko. Mabilis ang pagkilos ko na sumakay ako ng kotse at umalis roon. Napapahilamos pa ako sa aking mukha dahil sa inis na nararamdaman ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakita kong tumatawag sa akin si Kendal, nagulat pa ako sa pagtawag nito at kinakabahan rin ako sa kung ano ang sasabihin nito sa akin, pero mas pinili ko pa rin ang kausapin ito dahil alam kong nag-aalala pa rin naman ito sa akin. "Dumating ka na ba?" Mataray naman nitong tanong sa akin. Pero halata ko sa boses nito na may gusto itong sabihin pa sa akin kaya naman kinakalma ko ang aking sarili dahil hanggang ngayon ay nagagalit pa rin ako sa nangyari kanina. "Yes! nasa bahay na ako at nagpapahinga, bakit may problema ba?" Kinakabahan kong sagot dito at napapahimas pa ako sa aking batok dahil sa alam kong nagsisinungaling ako sa babaeng gusto ko. "Oh, talaga? Sige, kung nandito ka talaga, pagbuksan mo ako ng pinto dahil nasa tapat ako ng gate ng apartment mo at kinakagat ako ng lamok dito." Galit na nitong sagot sakin. Para naman ako tinakasan ng ulirat sa narinig ko, dahil ang totoo ay nasa office ako ngayon dahil sa may tinatapos pa ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko napatayo na ako para sa kunin ang susi ko ng muli itong magsalita. “Sinasabi ko na nga bang niloloko mo lang ako wala ka talaga ngayon sa bahay mo at mukhang hindi ka pa umuuwi. Anong ginawa ko sayo para lokohin moa ko ng ganito Callix? Alam mo ba ang sakit nabinibigay mo sa akin ha? Sige na, kung ayaw mo akong kaibigan madali naman akong kausap sana lang dumating ang araw na amging totoo ka sa sarili mo.” Mahina pero madiin nitong sabi sa akin at binababa na nito ang tawag. Napaupo naman ako sa swivel chair at nakaramdam ako ng panghihina ng aking tuhod, natatakot akong harapin ang galit nito ngayon sa akin. Kaya hindi ko alam ang aking gagawin sa ngayon. Hanggang sa nagmamadaling pumasok si Jayson at makikita sa mukha ko ang sobrang takot at pag-aalala. "Uno, sa tingin ko alam mo na rin ang gusto kong sabihin sayo, h’wag kang mag-alala at aayusin ko ang lahat ng ito at ibabalik ko ang tiwala say oni Madam Kendal.” Sabi lang nito sa akin at may tinawagan sa phone niya. Alam na agad ng tauhan ko ang gagawin kaya kahit papaano ay napahinga na rin ako. “Maayos na rin ang lahat Uno, ang kailangan mo lang gawin ay puntahan s’ya at sabihin ang totoo nakahanda na rin naman ang lahat ng kailangan mo ng sa ganoon ay magawa n’yang maniwala sa sasabihin mo." Salita ni Jayson kaya mabilis akong kumilos at umalis para puntahan si Kendal, ikababaliw ko kung tuluyan na itong mawawala sa tabi ko at ayokong mas lumalim ang galit nito sa akin dahil alam ko sa aking sarili na hindi ko yon makakayang gawin. Tulad pa rin ng dati ay nakadisguise pa rin akong pumunta sa bahay nito. Magdodoor bell na sana ako sa malaki nilang gate ng bumukas ang gate at nakita kong lumabas ang sasakyan ni Kendal pero sa pagkakataong ito ay wala itong kasamang driver kaya naman kinabahan ako dahil sa alam kong wala pa ito sa tamang edad para magmaneho, subalit alam ko rin na marunong na rin itong magmaneho dahil ako ang nagturo dito. “Get in," Mahina at seryoso nitong boses kaya wala akong sinayang na salita at dali-daling akong pumasok sa loob ng kotse nito. Tahimik nitong pinaandar ang sasakyan, nawalan naman ako ng sasabihin kaya nanahimik na rin ako. Hanggang sa huminto kami sa isang park at makikita dito ang mga batang naglalaro kahit na medyo gabi na rin kasama naman ng mga ito ang kanilang magulang kaya kahit papaano ay ligtas pa rin ang mga ito. “Alam mo ba noong mga bata pa kani ng mga kapatid ko ay palagi kaming nasa panganib dahil na rin sa pagiging mafia ng aming ama at ng buonga angkan namin. Maraming trahedya na rin ang nangyari sa mga kamag-anak namin ngun’t ganoon pa man ay matatag sila ay matagumpay sa kanilang negosyo. Hidni koa alm ang buong dahilan kung bakit gusto nilang mapabagsak ang pamilya ko o ang angkan na pinagmulan ko, pero ayon kay Daddy ay matagal na ring issue ng aming pamilya ang mga kalaban na ayaw tumigil hangga’t hindi kami napapabsak o nauubos. Ngun’t isang araw may nakilala akong lalaki at ang sabi n’ya s’ya ang magiging tagapagligtas at magabbantay sa akin mula sa malayo, at alam mo bang naniwala ako sa lalaking yon at mula noon ay hindi na rin nanganib ang buhay ko at sa tuwing nasa labas ako ay alam kong ligtas ako ng dahil sa lalaking yon na kahit minsan ay hindi ko na ulit nakita pa." Pagkukuwento nito sa akin habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan, napahawak naman ako sa dala kong bag dahil sa mga naririnig ko mula dito at alam kong may ibig sabihin ang mga salita nito sa akin. “Pero alam mo hindi na siya nagpakita sa akin kahit kailan, hinanap ko siya at tinanong ko si Daddy kung kilala niya ang batang iyon dahil alam kong kayang malaman ni Daddy ang lahat dahil sa lawak ng koneksyon ng aming pamilya. Pero bigo akong malaman ang tungkol sa lalaking yon. Pero sa tuwing nasa panganib ako ay dumarating s’ya para iligtas ako, pero aalis agad kapag alam nitong safe na ako. Naiinis lang ako dahil pakiramdam ko napaka special kog tao na hindi pwdeng masaktan ng kahit na sino dahil lang sa isang mafia ang pamilya ko.” Dag-dag pa nito at isinandal ang kanyang ulo sa likod ng upuan at saka tumingin sakin na walang imosyon ang mga mata nito. Napalunok naman ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Pero pinilit ko paring maging kalmado kahit napupuno na ako ng matinding kaba sa aking dib-dib. “Pero alam mo rin bang bumalik siya kanina, at gumawa siya ng isang bagay na hindi ko nagustuhan. Alam mo bang naiinis ako ngayon dahil sinaktan n’ya si Asher, wala naman ginagawa yung tao sa kanya pero nagawa n’yang manakit ng hindi man lang inaalam ang totoong pangyayari. Pero hindi iyon ang mahalaga sa akin ngayon.” Salita nito at huminto at saka tumingin sa akin ng makahulugan at tinignan ako sa aking mga mata. Gusto kong umiiwas pero alam kong mahahalata nito ang gagawin ko kaya naman nanatili akong nakatingin lang din dito. “Alam mo ba na pareho kayo ng mata ng lalaking yon? Ang totoo na ikaw ang nakikita ko sa kanya kanina? Sa ngayon napapaisip ako kung maaari bang maging ikaw ang lalaking yon, o hindi? Tuwing nasa tabi kita walang nangyayari sa akin na kahit na ano, pero kapag wala ka naman doon ako napapahamak at doon din nagpapakita ang lalaking kapareho mo ng mata.?” Seryoso ang pagkakabanggit nito at nakatitig sa mata ko. Mas lalo akong kinabahan, at lalong hindi ko rin alam ang gagawin o sasabihin huwag mali plano ang ginawa ng mga tauhan ko dahil ako mismo ang nagigisa sa harapan ni Kendal. “Pero impossibleng ikaw yun dahil alam kong, hindi ka marunong makipaglaban dahil sa ipis nga lang ay takot na kana makipaglaban pa kaya. Nang hihinayan lang ako dahil ang buong akala ko ay makikilala ko na rin s’ya kanina, kaso mukhang wala naman s’yang planong magpakilala sa akin. Kaya nga balak kong gumawa ng mga abagy na ikakapahamak ko ng sa aganoon ay muli ko itong makita ng sa ganoon ay makausap ko ito, marami akong gsutong itanong dito kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa para itong bula kung umalis sa harapan ko.” Mahina nitong sabi sa akin at saka muling tumingin sa labas kung saan naroroon pa rin ang mga batang naglalaro. “Pa--paano kung magpakilala siya sayo, mata--tanggap mo ba kung sino siya?” Nabubulol at kinakabahan kong tanong dito. Hindi agad ito sumagot pero masama itong tumingin sa akin, at hindi ko mabasa ang nasa isip nito ngayon. Sa totoo lang ay hindi ko makuha minsan kung ano ang nasa isip nito dahil katulad rin ito ng kanyang mga pinsan na mabilis din itong magpalit ng imosyon kaya kung hindi mo sila kilala ay maguguluhan ka sa kung ano ang kanilang iniisp at kinikilos. “Oo, at gusto ko siyang makita at makilala para lang magpasalamat sa kanya. At sasabihin ko sa kanya na huwag na n’ya akong iligtas dahil wala siyang karapatang gawin iyon, kung binayaran man siya para gawin yon ay patitigilan ko yon. Alam kong maraming kalaban ang Daddy ko at alam kong wala akong kakayahan na lumaban sa kanilang lahat, pero ayoko naman na sa tuwing nasa panganib langa ko maaaring iligtas ng lalaking yon. Sa totoo lang ay gusto ko itong makasama ng sa ganoon makita ko kung gaano talaga ito katapang at kung kaya n’ya ba talaga akong iligtas sa oras ng isang totoong labanan. Saka baka ako lang ang ipagtanggol nito hindi ang magiging pamilya ko.” Salita nito na nagbigay sakin na matinding galit at mukhang may iba na rin itong nagugustuhan ng hindi ko nalalaman. “Pwde ko pang malaman kung may nagugustuhan ka ng lalaki, Kendal?” Tanong ko pero umiwas ako ng tingin dito, at mukhan hindi ko akyang marinig ang isasagot nito sa akin dahil abka ngayon pa lang ay mapatay ko na rin ang lalaking yon oras na malaman ko kung sino ito. “Yes! I actually love him, matagal ko na s’yang gusto ang kaso hindi siya nagiging tapat sa kanyang sinasabi sa akin at naguguluhan ako sa tunay n’yang pagkatao. Ayokong pumasok sa isang relasyon na ako lang ang laging umuunawa sa aming dalawa, mas lalong ayoko na ako lang ang nagmamahal sa aming dahil mahihirapan akong tanggapin kung sakaling makakagawa ito ng isang bagay na hindi ko kayang tanggapin.” Sagot nito sakin. Napakuyom naman ang aking kamao dahil sa naririnig ko dito. Pero nagulat ako sa huling sinabi nito at mabilis ang paglingon ko dito. “Pero mukhan malabong magustuhan ako ng lalaking gusto ko dahila lam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin?” Seryoso pa rin ang pagkakasabi nito pero ngayon ay nakapikit na siya na animoy nanalangin. "Gu---gusto mo a---ko?" Utal kong tanong dito. Tumango lang ito sa akin, hindi naman ito tumingin sa akin pero hindi ko mapigilan ang mapakagat ng labi dahil sa sayang pinipigilan ko, pero ayokong makita ang kasiyahan dito dahila lam kong may iba pa itong gustong sabihin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD