Her POV Hindi ako makapag-focus nang nasa opisina na. Paroo’t-parito ang ginawa kong lakad. Posible kayang ako si Nathalia? At iba ang totoong Jelna? Hindi malayong mangyari iyon dahil parang ibang-iba ang personalidad namin ng kung sino man ang Jelna dati. But I look like her. Ibig bang sabihin noong nadisgrasya ako, ipinaplastic surgery ako para maging kamukha ko siya? I pressed the intercom when I reached the table for the nth time. “Ces, please come inside,” I commanded. Wala pang isang minuto pumasok na ang sekretarya ko. “Please set me an appointment to a plastic surgeon, anyone available today,” saad ko. Naguguluhan naman itong napatango. “Yes, ma’am,” tugon niya bago ito lumabas. Pagkatapos lang ng ilang sandali ay bumalik na ito. “Ma’am, 2:00 PM po with Dr. Khan. Ito po ‘

