Her POV “Nate, bakit hindi mo itinuloy ang demanda laban sa truck driver?” I asked over breakfast. Kaming dalawa lang ang magkaharap dahil tulog pa si Janella, panghapon kasi ang klase niya. Natigil naman siya sa pagkain at tumitig sa akin. “Uhm…” he stammered. Saka ako tiningnan ng mataman na parang tinatantiya ang reaksiyon ko. I raised my brow. “Naawa kasi ako, nakiusap ‘yong pamilya niya, may apat kasi siyang anak na maliliit pa at wala daw bubuhay sa kanila kapag nakulong ang ama nila,” he explained. I pursed my lips and didn’t answer. “I promised them na kapag nagising ka from coma, hindi ko itutuloy ang demanda,” dagdag niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa paliwanag niya pero tumango na lang ako. There is no use arguing. Ayoko rin namang isipin na capable siyang gumawa ng

