Nathalia’s POV looked around. Hindi ako sa malaking bahay na ito nakatira kundi sa slum area. Isa-isang bumalik ang ala-ala ng mga magulang ko at mga kapatid. May labing-isa akong kapatid na karamihan ay nagsipag-asawa na. Apat na lamang kaming nakapisan sa mga magulang namin, iyong tatlo kong nakababatang kapatid na lalaki at ako na breadwinner ng pamilya. Ako lang ang single sa amin na nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa scholarship ko noong college. Kumusta na kaya ang pamilya ko? Paano na kaya sila noong nawala na lang ako bigla? Hinahanap kaya nila ako? O baka naman ang alam nila ay patay na ako? I shivered at the thought. Inalala ko ang araw na naaksidente ako. Iyong lalaki sa panaginip ko, sa may park, ‘yon ang araw na naaksidente ako. Nakikipaghiwalay ako sa kanya. Ayaw niyang t

