Nathalia’s POV Alas tres na nang hapon nang mapagpasyahan kong puntahan si Nate. I have to ask Nate about this. Siya lang ang makakapagbigay linaw ng lahat. Ngayong bumalik na ang alaala ko, wala nang dahilan para magpanggap siya na ako si Jelna. “Ma’am may kausap po si sir Nate,” pigil sa akin ng sekretarya niya. “It’s fine!” tugon ko naman. She looked at me disapprovingly but I dismissed her at agad na tinungo ang pinto ng opisina ni Nate. Marahan kong binuksan ang pinto. Naitulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang seksing babae na nakakandong sa kanya at hinahalikan siya while he is holding her elbows. They did not even notice na bumukas ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko at agad na isinara ang pinto. I can’t believe it! Ang lalaking katabi ko lang sa kama gabi-gabi a

