Nathalia’s POV Ala una na ng madaling araw ngunit dilat pa rin ang aking mga mata. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Saan nga ba ako mag-uumpisa? Malakas ang kutob ko na kakambal ko si Jelna. Iyon ang una kong aalamin. Narinig ko ang pagpihit ng doorknob kaya’t agad akong nagtalukbong ng kumot. Ayokong magkausap kami ni Nate. Naalala ko na naman ang kahalikan niya sa opisina. Hindi ko alam kung bakit ako nagngingitngit sa nasaksihan ko samantalang alam ko naman ngayon na hindi talaga kami totoong mag-asawa. Kung hindi lang siguro bumalik ang ala-ala ko ay baka nagwala na ako doon kanina kaso alam ko naman na wala akong karapatan. Ang masakit lang bakit niya ako ginamit? Kung makaasta siya ay parang totoo kaming mag-asawa at ‘yong sweetness niya parang totoo. Nara

