I woke up with the aroma of brewed coffee. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Then, I heard Janella’s giggle. Nakangiti itong nakatitig sa akin. Nakaupo sila ni Nate sa magkabilang side ng kama. Shocks! Pinagmamasdan ba nila ako habang natutulog? I felt embarrassed. “Good morning, mommy! Breakfast in bed!” masaya nitong turo sa coffee table sa tabi ng kama na puno ng pagkain. Naka-set na ito at nahila na rin nila ang isang single couch paharap dito. “G’morning, baby. You woke up so early,” bati ko. Dati kasi alas-nuwebe tulog na tulog pa ito. Nakatingin lang din si Nate sa aming dalawa. “I’m not used to sleeping with you so I woke up early. Dad and I prepared these for you!” magiliw nitong paliwanag. Bahagya namang kumirot ang dibdib ko. If only I were her real mother. Bago pa ako maiyak ay

