Nathalia’s POV “Bakit tayo papuntang airport?” I asked Nate nang tahakin ng driver niya ang papuntang NAIA. I thought sa isang amusement park sa Pasay lang kami pupunta or Laguna. “Mommy, we are going to Disneyland Hongkong,” sagot ng bata. Napasimangot ako. Bakit ko nga ba hindi naisip na mayaman pala ang mag-amang ‘to? “I’m sorry,” naluluhang saad ng bata nang makita ang reaksiyon ko. Parang bigla naman akong natauhan baka feeling niya ay nagalit na ako sa kanya. Naalala ko ang laki ng takot niya noong una sa akin dahil na rin siguro sa trato sa kanya ng kakambal ko. “Why?” I asked at ginusot ang buhok niya. “I forgot you told me before that I’m not supposed to butt in when adults are talking,” naiiyak niyang saad. Napangiti ako. Kahit papaano naman pala ay may itinuturo sa kanyang

