“Sweetheart, I’m sorry I can’t go home early. Nag-set pala ng dinner meeting ‘tong secretary ko with foreign investors,” saad ni Nate sa kabilang linya.
“Sige. Okay lang.” tugon ko naman.
“I’m really sorry,” apologized again.
“Ano ka ba para ‘yon lang, puro sorry ka na.” I chuckled.
“Baka kasi lumabas na naman ang kasungitan mo. Nakakatakot,” biro niya saka tumawa. Natawa nalang din ako.
“Dadaan diyan ‘yong secretary ko bago siya uuwi at ibibigay iyong profiles ng textile company. You might as well read it to familiarize yourself with the company,” seryoso nitong hayag pagkatapos.
“Nate, kailangan na ba talaga?” I sighed. Hindi siya sumagot. There was a long silence.
“We’ll talk about it when I get home,” saad niya matapos ang mahabang katahimikan.
“Okay sige,” tugon ko nalang.
“See you later.”
“Take care!” tugon ko nalang.
“I love you!” saad nito bago ibinaba ang tawag.
*****
Dumaan nga ang secretary ni Nate after dinner dala ang files. Kaya ito ang pinagkaabalahan kong basahin habang hinihintay siyang umuwi.
It has over 500 employees. Kami pala ang nagsu-supply ng fabrics to some leading clothing lines in the country. Nakalagay din dito ang lahat ng prosesong pinagdadaanan bago mabuo ang tela. The business factory and warehouse is located at Mindanao Ave. QC. Marami pang nakalagay na pangalan ng empleyado na direktang nagrereport sa akin dati.
Ayon kay Nate dapat kong imemorize ang lahat ng taong nakakasalamuha ko dahil hindi nila alam na may amnesia ako at hindi maganda kung malaman ng iba ang kalagayan ko dahil baka magtake advantage sila. So, I have to pretend like I know everyone.
Pinilit kong isiniksik sa utak ko ang lahat ng impormasyon sa folder. Bumibigay na ang talukap ng mata ko. I looked at the clock it’s 12AM. Wala pa si Nate. I closed the files at humiga na lang.