B-Lies (Eight)

567 Words
Her POV Tinupad nga ni Nate kinabukasan ang pangako niyang umuwi ng maaga. Pagkatapos ng dinner, nagpalit na siya ng casual pants at plain t-shirt. Hindi ko talaga mapigilang mapahanga sa built ng katawan niya. Minsan iniisip ko pa rin kung asawa ko nga ba talaga siya. Ang guwapo kasi. Haha! “Ano’ng una mong ituturo sa akin?” tanong ko. Nakaupo ako sa kama. Siya naman ay kagagaling lang sa walk-in closet. He looked at me and smiled teasingly. “Hmm, ano bang gusto mo?” tanong niya habang unti-unting lumalapit. He looks seductive with that gesture. Bakit ba kasi ganoon ang tanong ko? I felt uneasy noong nasa harap ko na siya, he held my face and bite his lower lip. Shocks! “Ahm, Nate…uhm ano…” sambit ko. He laughed when I stammered. He even pinched my nose. Nagbibiro lang pala, akala ko ‘yon na. Sayang! Hehe! “Let’s see kung marunong ka pang mag-drive,” saad niya. Napatunganga ako. Kaya ko ba? “Sabi naman ng doctor ‘yong basic skills daw hindi ‘yon nakakalimutan kahit may amnesia. Your natural instinct will tell you what to do,” saad niya. Napatango nalang ako at sumunod sa kanya palabas ng kuwarto. “Mom, Dad! Where are you going?” Napalingon kami pareho sa direksiyon ng kuwarto ni Janella. Nakatayo ito sa may pintuan habang hawak ng yaya ang kamay niya. “I’ll teach mom, how to drive,” tugon naman ni Nate. “Can I come with you?” Nagpumiglas ito sa kamay ng yaya at akmang tatakbo papunta sa amin pero pinigilan siya ng yaya at mahigpit na hinawakan sa braso. Napakunot-noo ako. “Bakit di mo siya bitawan?” tanong ko sa yaya. Nagtataka naman itong tumingin sa akin saka unti-unting binitawan ang kamay ng bata. Ako naman ang nagtaka sa inakto nito. I looked at Nate. “Ayaw mo kasi siya dati na humahabol ‘pag may pupuntahan ka. Lagi mong pinapagalitan ang yaya kapag hindi niya napigilang tumakbo papunta sa’yo ang bata,” sagot nito. Napamaang ako. Ganoon ba talaga ako dati sa anak ko? That’s weird. Ngayon nga gustong-gusto ko siyang nakayapos sa akin. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. Umupo ako yumakap kay Janella. “You can’t come with us, baby. But promise, we will come back early,” I said and caressed her hair. Napatango naman siya. I looked at Nate. Nakangiti naman ito habang pinagmamasdan kami ng anak niya. Kumalas ako sa yakap ni Janella at saka tumayo na. Bumalik naman ito sa yaya niya. “You’ve really changed.” Nate said as we walked down the stairs. “Bakit? Masungit ba ako dati?” tanong ko. “Sobra!” he answered then chuckled. Pinalo ko naman siya sa braso ng mahina. Natawa lang siya. Sumabay na lang din ako sa paglakad pababa. Dito lang kami sa loob ng village nagpractice mag-drive. Mabilis ko namang natutunan kung paano magdrive. Siguro dahil alam ko na ito noon o talagang magaling lang magturo ang asawa ko. Either way. I enjoyed it. Unang-una dahil napaka-patient niyang magturo. Pagbalik namin ng bahay. Pinuntahan ko si Janella sa kuwarto. I kissed her goodnight. Nanatili lang na nakatayo sa pinto si Nate at pinanood ako. When I looked at him. Ngumiti lang siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD