Her POV
“Nate, do you really think I’ll be capable of handling the company sa kalagayan ko ngayon?” tanong ko sa kanya. Pareho na kaming nakahiga sa kama. Tumagilid naman siya ng higa at tinitigan ako.
“Of course, you are!” He smiled then pinched my nose. I am still skeptic. Hindi ko yata kaya.
“If you want I’ll go home before dinner everyday para maturuan muna kita before you go back to your office next month,” saad nito.
“You’ll do that?” tanong ko. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko sa suhestiyon nito.
“Yeah!” He smiled and kissed my forehead. I know it’s a little sacrifice for him during the last few weeks kasi nakita ko kung gaano siya kabusy sa kumpanya dahil 11PM na ang pinakamaagang uwi niya.
“Uhm, okay!” I answered. Napangiti naman siya saka hinawakan ako sa baba. I felt a little nervous nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. I know, he’ll kiss me. Feeling ko ay first time akong mahahalikan. Well, technically after my accident, talagang first itong mangyayari.
Napaawang ang bibig ko ng idampi niya ang labi sa akin. Ilang segundo na magkadikit ang aming labi at kapwa nagpapakiramdaman. He slowly moved his lips and I parted mine to make way for his tongue. It was a slow kiss. He gently sucked my lips and I did the same to him. I heard him moan. Or was it me?
“God, I miss you so much sweetheart! It’s been a long time,” he murmured. The slow kiss became torrid. I suddenly felt anxious. Ang bilis na kasi ng halik niya na para bang may hinahabol at hindi na ako makasabay. Kasabay ng halik niya ay ang paglakbay ng kamay niya sa dibdib ko. Napaigtad ako nang pisilin nito ang n****e ko. Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at pinalis ang kamay niya.
“I’m sorry! I can’t!” saad ko.
*****
Nate’s POV
I looked at her and saw her anxiety.
“I’m sorry!” saad ko at idinikit na lamang ang noo ko sa noo niya. Hindi pa siguro siya ready. It’s just a month after she woke up from a three-week coma. Akala ko nga hindi na siya magigising, but she did. Alam kong lumaban siya. She’s really a fighter and I love her. Umayos ako ng higa. I miss her so much but I can wait. Ang importante ay buhay siya ngayon at kapiling namin siya. I just hugged her and caressed her hair. Hindi naman siya nagprotesta hanggang sa makatulog.