Her POV
Nakauwi na kami ng bahay pero iniisip ko pa rin kung paano ko nga ba haharapin ang buhay na hindi ko alam kung paano patakbuhin dahil wala akong maalala. Ayoko pa sanang bumalik ng opisina ko pero sabi nga ni Nate na kailangan ako ng mga empleyado.
“Sweetheart, akyat na tayo,” saad ni Nate nang umupo ako sa sala. Karga nito ang natutulog na si Janella.
“Sige, una ka na. Upo lang ako sandali dito.” tugon ko naman. I sighed. I really feel like a stranger, pati kay Nate at sa mga magulang ko pero dahil sa kabaitan nila kaya napapanatag ang loob ko. Matagal akong nakatunganga sa kawalan nang mahagip ng tingin ko ang isang maid na nakatingin din sa akin. Nang makita niya ako ay agad itong tumalima at kunwaring busy sa paglilinis.
“Arnila, halika dito,” tawag ko.
“Ma’am Jelna, bakit po?” Lumapit naman ito at halatang ninenerbiyos. Napansin kong parang ilag ang lahat ng katulong sa akin kahit na hindi ko naman sila sinusungitan.
“Bakit ka ninenerbiyos?” kunot-noo kong tanong. Wala pa man akong sinasabi ay parang nahihintakutan na siya. Weird.
“Ma’am, nililinis ko naman pong mabuti ‘yong mga display,” saad nito. Napakunot-noo ako. Anong display? Napangiti ako nang makita ang display na sinasabi nito. Doon pala ako nakatingin kanina noong nag-iisip ako. Akala niya siguro ay sinusuri ko ito kung madumi kaya natakot siya na mapagalitan. Lumapit ako sa display cabinet at pinasadahan ng daliri ko, may konting alikabok nga. Napayuko siya.
“Ma’am sorry po talaga. ‘Di ko naman po kinakaligtaang linisan ‘yan,” pagsusumamo nito. Napakunot ulit ako. Para ‘yon lang takot na siya.
“Ma’am, wag n’yo po akong sisantehin please,” pakiusap nito. I looked at her puzzled. Sisante agad? Ganoon ba talaga ako ka-sungit? Maliit na bagay lang, sisante na?
“Halika dito. Umupo ka diyan.” Turo ko sa sofa. Naguguluhan naman itong umupo.
“Bakit naman kita tatanggalin sa trabaho ng dahil lang diyan?” tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa sinabi ko.
“Kasi ma’am ayaw na ayaw n’yo po ang maduming bahay,” sagot nito. That, I understand. Normal lang naman kasi na ayaw natin ang madumi pero ang sisantehin ang katulong dahil lang doon parang sobra naman yata. Am I really that harsh before? Kaya siguro ilag sa akin ang lahat dahil masungit ako dati. I can’t believe it.
“Sige, magpahinga ka na gabi na.” saad ko nalang. Nakahinga naman ito ng maluwag at saka nagpasalamat bago umalis.