“Jel, uminom ka muna ng gamot mo,” saad ng asawa niya sabay abot ng tatlong magkakaibang tableta. Napatingin naman siya dito at nginitian bago inabot ang baso at gamot. Nasa garden set sila ng mansion ng kanyang mga magulang at pinapanuod ang anak na kalaro ang alagang shih tzu sa malawak na lawn. Tumabi naman ang mister niya at sinundan din ng tingin ang kanilang napakagandang supling. Apat na taon na ito at nasa prep.
Halos isang buwan na mula nang siya ay lumabas ng ospital pero wala pa rin siyang maalala kahit andaming larawan ang ipinapakita sa kanya. Minsan naiinis na siya pero iniisip na lang niya na balang araw babalik din ang lahat.
“Kailan mo balak bumalik ng opisina mo?” tanong ng mister niya. Saglit naman siyang natigilan. Paano siya babalik ng trabaho kung wala siyang maalala ni isa? Nabanggit na rin kasi ni Nate sa kanya na siya ang nagpapalakad sa textile company nila bago siya maaksidente at naipasyal na rin siya ng mister sa dati niyang opisina.
“Paano ako magpapatakbo ng isang kumpanya kung hindi ko nga maalala na iyon ang trabaho ko?” balik-tanong niya rito.
“What if hindi na bumalik ang ala-ala mo? Paano naman iyong mga empleyado mo? They need you,” sambit nito.
“Pero--” Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pinatigil siya nito sa pamamagitan ng yakap. Hindi na lang siya umimik.
“Shhh, don’t worry. I’ll help you out,” he muttered softly in her ear. “Tuturuan kita kung paano mo ulit i-manage ang business. Hindi rin naman kasi puwedeng ako. I have the oil company na ima-manage,” pangungumbinsi nito.
“Sina mama at papa naman may business din sa ibang bansa. Hindi rin nila maaasikaso,” dagdag nito. Ang tinutukoy ni Nate ay ang mga magulang ni Jelna. Pati rin naman ang parents ni Nate ay may businesses din abroad kung kaya’t madalang silang makauwi ng bansa. She haven’t met them yet mula nang lumabas siya sa ospital dahil busy sila.
“Sige, but please give me a month to prepare myself,” pagsuko niya rito. Napangiti naman ang asawa niya at mas lalong hinigpitan ang yakap.
“Mommy, laro tayo!” Janella shouted nang matanawan sila. Napabitaw naman siya sa mister at natatawang nilapitan ang anak at nakipaghabulan rito.
Nate smiled at the sight. Lumapit ito sa mga in-laws na nasa b****a lang ng veranda.
“Pa, Ma, wala ba kayong napapansin kay Jelna?” tanong niya sa mga ito.
“Bakit?” tanong naman ng ina nito.
“Look at her, nakikipaglaro na siya kay Janella. Dati naman lagi siyang naiinis pag kinukulit siya ng bata,” saad ni Nate. Napatawa naman ang dalawang matanda.
“Ayaw mo no’n?” biro ng ama nito.
“Hindi naman, pa. I like it better now, pero para kasing nag-iba siya since the accident. Parang bumait siya,” Komento niya pa rin.
“Maybe that’s really the effect of near-death experience,” sagot naman ng mama nito.
“Maybe,” napapatango namang saad ni Nate saka muling tinapunan ng tingin ang asawa at anak na masayang naglalaro.