Umuuwi siya just before dinner para turuan ako sa mga bagay-bagay tungkol sa kumpanya at kung paano humarap sa mga kliyente. Ipinapaalala niya rin at ipinapamemorize ang iba’t ibang tao na makakasalamuha ko para di sila makahalata na wala akong maalala. Importante daw iyon para di sila mawalan ng tiwala sa kumpanya. Pag tanghali naman, hinahatid ko at sinusundo si Janella sa school. Halfday lang kasi ang pasok niya dahil nasa prep pa lang siya. I’m happy that she’s a smart kid. Nakakaintindi siya ng tagalog but she speaks in English. Yun daw ang training na gusto ko para sa kanya dati pa. Bukas na ang nakatakdang pagpasok ko sa opisina but he promised na sasamahan muna niya ako maghapon para mai-set ang lahat. “You must be ready for tomorrow.” He smiled and kissed me on the forehead.

