Her POV Nang mga sumunod na araw ay di na ako sinamahan ni Nate dahil busy na rin siya sa office niya. Nagkikita na lang kami sa bahay pero madalas ay late na siyang umuwi. Madalas akong umuwi ng maaga para maasikaso kahit papaano si Janella. Siguro busy ako dati kaya di ko siya nabibigyang pansin. Pero ngayon ay sisikapin ko ng magkaroon ng oras para sa bata. Papalabas na sana ako ng building nang maalala kong may kailangan pala akong pag-aralang accounts sa company kaya bumalik ulit ako sa floor namin. I was greeted by the guard before he opened the glass door papasok ng opisina. Agad kong napansin ang limang naghuhuntahang mga empleyado. Mukhang nagkakasiyahan sila dahil napalakas pa ang tawa nila. I looked at my watch, 15 minutes na lang ay uwian na nila. Siguro tapos na nila ang g

