unang hakbang

1774 Words
Bruha ka akala ko ba sasama tayo sa family vacation sa Baler, Aurora Quezon Province. Bakla ang gwapo naman ng pinagtataguan mo, sana all. “Huwag ka ngang maingay, mawawala tayo sa focus dahil sa kaingayan mo eh. Ayoko siyang makasama, nakakasura ang hitsura niya.”Aubrey said. Luhhh ang choosey mo bakla, di mo yata alam ang salitang maswerti ka. Arenola kaya yong jowa mo. “Ano ba yang pinagsasabi mo Yette Marcos? Anong arenola? Baka kaserola kamo mukha niya.”may isang curious na naman hahaha. Ganito kasi yon couz, di ba kapag nakita mo siya kinilig ka yong tipong mapapaihi ka. Idagdag mo pa na tingin pa lang niya lumuluwag na garter ng panty mo. Oh di ba legit na arenola human version siya. “Ay oo nga noh, ramdam ko rin yang sinasabi mo dai,”pagsakay ni Aubrey sa aking sinabi. Kaya napahalakhak kaming pareho. Bakit hindi ka sumama sa Baler? “Huwag mo ng itanong dahil na expired and mood ko. Wala ka pang klase di ba? Gusto mo explore tayo?” "Saan?” “Gusto kong sumakay ng barko. Punta tayong Mindanao para malayo-layo ang byahe natin. 3 days and 2 nights yon girl. Baka mapagalitan tayo ni daddy at tita Naira. “Hindi yan, back and forth lang naman tayo. Hahantingin lang natin ang mga crew ng barko. Sasaglit muna tayo sa mall para bilhin ang mga kakailanganin natin. Doon na rin tayo bibili ng ticket natin para diretso na alis natin. Magbibihis lang ako huh.” Nag-grocery na nga kami dahil nais ni Aubrey na pumunta kami sa Mindanao. Hello.... it's my first time na sasakay ng malaking barko. Baka sa loob ng barko doon ko na makikita ang aking arenola ayehhh. This is the best moment of exploring the ocean. Pagsampa namin sa barko grabeh ang laki pala nito at ang ganda. Parang cruise ship ang dating kaya lang regular size nga lang. Pati si Meggy mararanasan din ang sumakay ng barko. Aubrey, I love it! Napakagandang experience nito para sa amin ni Meggy. Maraming salamat dahil naisipan mo akong tangayin sa ganitong trip. Saka nalang tayo dadayo sa Baler kapag bakasyon na ulit. “Magsaya ka lang Yette, namnamin mo ang magandang tanawin sa ating paglalakbay sa karagatan. Sa isang vip cabin tayo tutuloy kaya may privacy tayo kapag oras na ng tulogan,”sabi ni Aubrey. Ayon nga nilibot namin ang buong barko hanggang sa naging pamilyar na kami sa pasikot-sikot nito. Nang mag-stop over kami sa Bacolod port may nag-aabang pala na surprisa para sa aking pinsan. Imagine sinundan talaga siya ng arenola niya hahaha. Pormal ko ng makikilala si kuya Dylan. Mabait naman ito at matanda lang ng konti kaysa sa amin ni Aubrey. Ang balasubas na bunganga ni Aubrey ay gurang ang tawag niya kaykuya Dylan. Kinikilig na ang ng todo si Aubrey, ewan ko lang kung mahigpit pa ba ang tali ng kanyang panty. Kami nalang dalawa ni Meggy ang palaging nagba-bonding. May maganda pang balita dahil nakasabay namin sa barko ang Tito ni kuya Dylan. Instead Ozamiz ang route namin, hanggang Iligan port nalang kami. Nilalanggam ang dalawa kaya naisip ko rin tuloy na magkaroon na rin ng jowa. Hahanapin ko na rin talaga ang aking Arenola hehehe. Meggy tulongan mo ako huh. Ang bait talaga ng pusang ito ang hilig matulog. Fiesta pala ng Iligan City, kapag sinuswerti ka nga naman. Ang daming mga pagkain na ihinanda ng asawa ni kuya Gervin na Si Ate Mj. Masaya naming pinagsasaluhan ang kanilang kasiyahan. Hanggang sa kinabukasan nagyaya na silang maligo sa beach. May mga kaibigan na bagong makikilala pero hindi ko ramdam sa mga boys yong kilig na pang-arenola. Sumasabay lang ako sa mga gimik nila. Minsan para akong shunga dahil hindi ko naiintindihan kapag nagsasalita sila ng bisaya. Booommmm! Sa beach biglang nagkagulo dahil may binugbog si Aubrey. Pak na pak ang riot dahil sinakyan talaga ni Aubrey ang babaing doctora. Kahapon pa ito mukhang may masamang binabalak kay Aubrey eh. Napansin ko kahapon kung gaano kalagkit ang mga titig niya kay kuya Dylan. Bwesit na kuya Dylan si Aubrey ang pinagbibintangan niya na may kasalanan. Ni hindi man lang tinanong kung ano ang pinagmulan ng kaguluhan. Hindi porket nakita ng lahat na si Aubrey ang nanakit siya na ang may kasalanan. Pagkatapos humingi ni Aubrey ng tawad tumakbo na siya paalis. Naiwan ni Aubrey ang kanyang cellphone kaya tiningnan ko ito. Naka-On pala ang recorder nito kaya pini-play ko. Hango sa ibang lenguahe, bisaya yata kaya tinanong ko sila Kung sino ang makakapag-translate. Agad nilapitan ni kuya Gervin ang dalawang babae at sinampal ito. Kaya napahiyaw sa sakit at puno ng takot ang dalawa. “If something's bad happens to Aubrey ako mismo ang magpapakulong sa inyong dalawa. Hindi ko ugali ang manakit ng babae pero sa ginawa ninyo deserve ninyo ang masaktan. Mga doctor kayo, mga professional pero hindi ko akalain na ganyan pala ka baba ang mga pagkatao ninyo. Tinawag nyo pang immatured si Aubrey, samantalang kayo naman pala itong mga sinto-sinto at immatured. Nakakahiya kayong dalawa, mga homewreckers kayo kapag hindi napuksa,” galit na sabi ni kuya Gervin. “Sir Gervin patawarin po ninyo kami. Patawad po, maawa po kayo sa amin. Hihingi na po kami ng tawad kay Ananya,”umiiyak na sabi ng dalawa na ipinagtaka ko. “Hintayin ninyo ang sinabi ni Aubrey. Mali kayo ng kinalaban dahil tiyak lahat ng mga binanggit niya bago siya umalis ang gagawin niya. Yette, do not erase that video. Kung maaari ay ipasa mo sa akin at sa phone mo para safe ang ebedinsya na iyan. Aubrey needs that soon!,"utos ni kuya kay Yette. “Yes kuya Gervin!”sagot ko. “Kuya pwedi explain mo sa akin ang lahat para maiintindihan ko,”pakiusap ni kuya Dylan kay kuya Gervin. “Aaaarrrggg, aaaarrrrggggg, booogggg, pakkkkk!” “Gervin tama na mapapatay mo na si Dylan,”si ate MJ. “Dapat na ngang patayin ang gago na yan Jizelle. Narinig mo naman ang lahat diba? Narinig mo ba ang boses ni Aubrey? Ang bawat kataga na nakarecord sa video sino ang dehado? ang mga putang ito ba? o si Aubrey? Hayop ka Dylan ikinahihiya kong naging pinsan kita. Gusto kong palakpakan si Aubrey sa ginawa niya sa'yo. You deserve that asshole, kulang pa yan sa sakit na ibinigay mo kay Aubrey kanina lang. Sinabi ko sa'yong pakinggan mo muna ang side ni Aubrey nakinig ka bang ul*l ka?” galit na sabi ni kuya. “Ang lakas ng loob mong sabihin na hinintay mo siyang bumalik. Ang lakas ng loob mong sabihin na mahal mo si Aubrey. Pagmamahal bang matatawag ang pinaniniwalaan ang ibang tao na hindi kilala kaysa taong matagal ng nakilala. Shame on you Dylan, Di mo deserve ang mahalin ni Aubrey. Pero mas maganda na rin na nangyari ito para hindi na masasaktan pa si Aubrey. She deserve a better man to protect her and to love her eternally,” “Hon, tawagan natin si Daddy para pigilan si Aubrey,”ate Jizelle said “Oh s**t nakalimutan ko na nasa bahay pala si daddy. Hello dad, nakauwi na ba sa bahay si Aubrey? What? Dad, labasin mo at pigilan mo please. Hurry up dad! Oh sh*t. Okay dad we're coming home, everything is already ruined. We will talk when we get there dad. Bye!” “Ipagdasal mong walang masamang mangyayari kay Aubrey kung saan man siya pumunta ngayon. Hayop kang lalaki ka. Ikaw na mismo ang nagtulak para lumayo siya ng tuluyan,”halos patayin na ni kuya Gervin sa galit niya si kuya Dylan. Panay iyak na rin ako dahil sa takot. Ngayon palang namin muling nakakapiling ang aming pinsan mawawala na naman. “Kayong dalawa, bago ako dumating sa opisina ko bukas dapat nakahain na ang resignation letter ninyo. Kailangan bago ako dumating wala ng kahit anino ninyo,” Lumuhod ulit ang dalawang babae para humingi ng tawad kay kuya at nakiusap na huwag tanggalin sa trabaho. “Dra. MJ please help us!” “Ginusto nyo yan kaya dapat ninyong pagbayaran. Dahil sa inyong kagagawan may taong nasasaktan at nanganganib ang buhay ngayon. May magpinsan na nagkakasakitan. Sana inisip nyo muna ang posibling mangyayari bago kayo gumawa ng mali. Pati lesensya na pinaghirapan ninyo sa isang iglap mukhang mawawala sa kamay ninyo at pati pamilya ninyo manganganib ang mga pangkabuhayan,”ate MJ said. Umuwi na kami sa bahay nina kuya Gervin pero naiwan si kuya Dylan sa tabing dagat. Sobrang balisa sina tito Tyron, ate Mj at kuya Gervin dahil sa pag-aalala kay Aubrey. Kinagabihan tumawag sa aking cellphone si Aubrey at ang sabi nasa bahay na daw siya. Agad namang tumawag sa kanyang piloto si kuya Dylan para magpasundo dito sa Iligan City papuntang maynila. Alam kong na guilty ito sa kanyang ginawa. Hindi na Ito kumain ng kanyang haponan at nakatingin lang sa malayo. May mga bagay talaga na nasa huli mo pagsisisihan. Nakikita ko naman na mahal ni kuya Dylan ang aking pinsan pero sadyang napaglaruan lang ng tadhana. Kinabukasan maaga na kaming umalis pauwing maynila kasama na rin namin si Tito Tyron. Hindi nga nito kinibo si kuya Dylan kahit panay hingi nito ng kapatawaran. Hinatid muna niya kami sa aming bahay pati si Tito Tyron saka siya pupunta sa bahay ng mga Carter. Malaking gulo ang pinasok niya at tiyak na bugbog sarado siya sa limang lalaki ng mga Carter. Hay naku makikibalita nalang ako bukas kay Aubrey. Kinagabihan tumawag si Lucy Walang Galang may afam daw na naghahanap sa akin. Lintik na mapang-akit na afam, aanhin ko naman sila aber? Ang Engineer Global Builder's Limited ang nakakuha sa bagong proyekto ng aming University. Teka Lucy baba ko na ang tawag mo dahil may bagong number na tumawag sa akin . Hello...sino po sila? Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo nitong dis-oras ng gabi? “Hi Doctora Maria Yette Peralta Marcos kumusta ang ambush vacation mo sa Mindanao?”tanong ng lalaki. Sino ka po ba? Ispiya po ba kayo? Alam na alam nyo po kasi kung saan ako nagsusuot eh. “Im not a spy, ako ay alagad ng batas. I'm Captain Froilan Gomez Smith. How are you Ms. Makulit?”sabi pa niya. H-how did get my number? Ay shutaaaa napa english ako. “I have my ways when I want.” Bakit ka po tumawag? Makikipag maretesan po ba kayo sa akin oh may utang ba ako sa inyo? “You don't owe me anything, I just want to steal your heart, young lady.”sabi niya. Ngeeee afam temptation na this.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD