Sabi ko na nga ba eh na mabubogbog si kuya Dylan. Kaya ayon pinalayo na naman ulit ang pinsan ko. And guess what siya na ang pina manage ni tito Anthony sa Aubrey La Presa sa Baguio City. Pinipiga na ako ni kuya Dylan para sabihin ang kinaruroonan ni Aubrey kaya lang hindi ko pweding sabihin. Kasama ni Aubrey si kuyate ko para alalayan siya sa mga gagawin niya sa hotel nila. Kasama din nila ang grandparents namin sa side ni mommy ko at tita Naira. Gusto ko nang bumisita doon kaya lang baka sundan ako ni kuya Dylan. Pero pumunta talaga ako ng patago doon at sa gabi ako bumyahe sakay sa helicopter nila ni tito. Nagkaroon pa ng kasalan doon sa Hotel ng La Presa. Kasal ng kapatid ni ate Aliyah na tanyag na architect na si ate Gracey sa asawa niyang engineer na si kuya Gian. Kaibigan ni Afam

