Yette pov Naging overload ang kilig na nangyari kay kuya Pula at Mia. Kinabukasan pinuntahan kaagad namin ang mga magulang ni Mia para sabihin ang ino-offer naming trabaho. Actually si kuya Red din nabigla sa aking ginawa. Hindi daw niya inaasahan na ibibigay ko Kay Mia Tolosa ang trabaho sa finance. At hindi rin daw niya inaasahan na high profile pala ang babaeng liligawan niya. Well, pumayag naman ang mga magulang ni Mia. Kaya pagbalik namin sa Manila kinahapunan kasama na namin si Mia. Sa bahay muna namin pansamantalang titira si Mia. Aayusin ni kuya Red ang matutuloyan ni Mia sa Dasmariñas, Cavite. Ngayong mapapalapit sa kanya si Mia galaw pagong pa ba si kuya Pula. Ngayon ay parating si Afam, wala kaming driver kaya heto ako na ang sumundo. Ang makulit naming prinsesa ay nauna pang

