Third person pov Malaki anh panghihinayang ni Red dahil mawawala sa kanya ang bago niyang binili na XDeviel V4 Ducati. Pinagsisihan niya ang kanyang naging biglaan na desisyon. Sa dinami-daming mga bagay na pweding ipusta ang Ducati niya pa ang naisipan niya. Hindi niya inaakala na matinik ang memorya ng kanyang pinsan na si Yette. Kahit nawalan ng memorya matalas parin ang IQ sa pagiging henyo. Kilala si Yette na nangungutong sa mga pinsan kapag nagpapaanak. Ngayon si Red na mismo ang naging biktima nito. Wala naman kasalanan si Yette dahil si Red mismo ang nag-offer nang ipantaya. “Labis na pagsisisi ang nababanaag mula sa iyong hitsura Red. Paano ba yan sa isang iglap lang naipang-regalo mo kay Yette ang iyong Ducati. Isipin mo nalang na regalo mo na yon sa nalalapit niyang kaarawan

