jogging together

1610 Words
Good morning sunshine, it's a brand new day again. Umulan man o umaraw my morning routine makes me alive. Ako lang mag-isa dito sa aming silid ni Aubrey dahil hindi sila nakauwi kagabi. Ngayon na ang kasal ni ate Gracey kaya tiyak maraming pagkain na nakahanda. Tutunawin ang mga calories ng kahapon kaya dapat itakbo ng ilang kilometro ngayon. Chat ko na si mommy kung saan ang aking punta para hindi na sila mag-alala sa akin. Nakasanayan na namin na bawat lakad o may pupuntahan kami ipinapaalam namin sa mga magulang o mga kasambahay. Kasi hindi nila maiiwasan ang mag-alala kapag nasa labas tayo ng pamamahay. Bumaba na ako at handa ng suongin ang malamig na Baguio. Earphones playing music while jogging. Facemask para hindi manuot sa ilong ko ang mga fogs though hindi naman magiging matigas na kulangot dahil fresh fogs naman sila hehehe. Kuya Greg good morning jogging lang po ako. “Dra. Good morning too! Huwag kang masyadong pumunta sa malayo ha,”paalala ni kuya Greg ang guard ng hotel. Hindi pa po ako lisyensyado kuya kaya hindi pa po doctora. “Malapit na doctora kaya dapat maaga pa lang magsasanay na ako sa pagtawag sayo ng doctora.”natatawang sabi ni kuya Greg. Makulit ka kuya nais mo pa talagang sapawan ang kakulitan namin ni Aubrey. Sige po mauna na ako, magtutunaw ako ng calories para handa na ako sa mga bagong calories sa handaan mamaya. “Sigurista ka talaga doctora, sige ingat ka,”sabi ni kuya Greg. Kaya lumarga na ako, ang sarap talaga ng dito nakakawala ng stress. Ang daming fogs nagmistula tuloy na langit at Ako ang anghel na tagalupa hahaha. “Ayyy letsong daga!”hiyaw ko sa kabiglaan. “Hey relax it's me baby!”si Afam. Bwesit ka, it's you damuho ka. Bakit ka ba nanggugulat? Paano kong may sakit ako sa puso eh di magpalukuksaan kana. “Sobra ka naman sa pagluksaan sweetie. Narito naman ako ah, ako ang nagpapasigla ng iyong puso.”pilyong ngiti niyang sabi. Anong sigla ba ang ginawa mo? “Syempre pinapalusog ko gamit ang pagbilis ng t***k niyan sa tuwing kasama o nakikita mo ako. Huwag mo nang i-deny baby dahil crystal clear na nakikita ko sa mga mata mo ang pagkutitap sa tuwing kaharap mo ako.”sabi pa niya. Aba Mr. Magaling ka rin palang magbubat ng sariling bangko. Di ka kaya madaganan ng mga sinasabi mo? “Nakahanda na ako na ikaw ang dumagan sa akin mahal ko.”bumanat din. Lumayas ka nga letson ka, you are ruining my daily routine nakakainis ka. “Hey I'm just kidding baby. Pwedi ba huwag na tayong magbangayan. Sorry kung medyo umakto akong immatured sa harapan mo. Ang hirap kasing kuhanin ng attention mo. Kung hindi kita kukulitin hindi mo ako titingnan. Pwedi ba kitang mas makilala pa ng lubosan. Alam kong mali ang ginawa ko dahil bina- black mail kita. Pero seryoso ako Yette, handa akong ligawan ka araw-araw dahil deserve mo yon. Pero hindi ako papayag na babawiin mo ang pagiging in a relationship natin. Kinausap ko na ang parents at mga Tito, Tita mo kagabi na liligawan kita.”sabi pa nya. Literal na laglag panga akong nakatingin sa kanya. Like seryosohan ba siya? Confusion alert ang eabab mga besh. “Ayaw mong maniwala? Wait I'll show you my sms to your daddy. Heto tingnan mo sweetie.”sabay niya sabay abot sa akin ng kanyang cellphone. “Tito good morning, this Froilan po at kasama ko ang dalaga mo sa pagjo-jogging.”nakasulat sa chat tapos nakasend sa number nga ni daddy ko. Ang bilis umaksyon ng hindi ko man lang namamalayan. Sundalo nga siya na sanay sa gyera dahil palaging nakahanda. Pumayag kaagad silang lahat? Ginayuma mo ba sila at napapayag mo na ligawan kuno ako. “Syempre pamilya ng babaeng mahal ko yon kaya dapat ipakita ko sa kanila ang aking totoong pagkatao. At sabi pa ng Tito Sandro mo na he has his vision na magiging masaya tayo sa future. And your cousin Asher is my best buddy in every mission kaya malakas ako. Alam na niya ang pagkatao ko lalo na ang pag-uugali ko. May mga bagay na hindi ko pa pweding ipagtapat sayo ngayon. Sinabi ko Sa kanilang liligawan ka dahil deserve mo naman na pormal na ligawan. Hindi ko naman pweding sabihin na may relasyon na tayo ngayon dahil baka magalit sa akin ang pamilya mo.”sabi pa niya. Pambihira naman oh, di man lang umangal. Dapat sinabi nila na hindi pa ako pweding ligawan o pweding makipag-relasyon. Nag-aaral pa ako eh kaya dapat hinigpitan muna nila ako. Pero in fairness ah gwapo si Afam eh. Baka napa Arenola din sila sa kilig ng makilala nila si afamable. “Can I hug you baby?”he asked. “Ting! Nakapag sipilyo ba ako kanina? Ano kaya amoy ko? Nakalimutan kong maglagay ng pabango eh. Hindi ko naman inaasahan na makakasama ko ang Afam na ito ngayon dito sa pagjo-jogging ko. “Gushhh baka amoy laway ka Yette, booommmm panis,”anas ng aking panirang utak. H-hindi na muna ngayon po hindi pa ako naligo eh at saka n-naglalaway po ako kapag natutulog. A-amoy panis na laway po ang damit ko. Shocks sana maniwala siya kasi kinakabahan akong yakapin siya eh like ewwww perstaym ko kayang yumakap ng ibang tao kung sakaling yakapin ko siya. “Maria Yette Peralta Marcos hug your boyfriend now,”bigla niyang sigaw. Ayyy ano ba bakit ka ba sumigaw damuho ka. “Hahaha yayakap rin naman pala eh ang dami pang drama.” Nakakainis ka huwag mo nang ulitin yon. Mahina ang puso ko, kapag namatay ako mumultohin talaga kita at siguradohin ko na hindi ka matatahimik. “I'm sorry baby! Oh my poor sweetie I love you mwahhh.”sabi nya sabay halik sa lips ko. Shutaaaa mareeee ninakaw ang una kong halik. Naging tulale na ako sa kanyang ginawa. Arayyyy ang sakit bakit ka ba namimitik ng noo? “Hindi kana kasi gumagalaw kaya pinitik ko noo mo.”nangatwiran pa. Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. At patuloy na naglalakad hanggang sa dahan-dahan na akong tumatakbo. Nakakahiya magnanakaw ng halik ewww. “Asus Yette nabitin ka lang eh, kaya kumibot-kibot ang iyong bibig.”anas ng mahalay kong utak. “Huwag mong bilisan ang iyong pagtakbo kapag nagsisimula ka pa lamang. Huwag mong ubosin sa umpisa ang iyong lakas para lang mauna sa iyong mga katunggali. Ipunin mo muna ang iyong lakas para bumwelo sa kalagitnaan.”sabi ni coach. Dahil sa kadaldalan hindi na namin namamalayan na malayo na pala ang aming narating. Masarap naman pala siyang kausap dahil marunong sumakay sa aking kapilyahan. Ngunit may napansin ako na sa pasimple niyang kwento sa kanyang pagkatao may lungkot na nakakoble. Naaaninag ko na may matindi itong pighating dinadala. “Sweetie, upo muna tayo dito titingnan muna natin ang magandang tanawin.”yaya niya sa akin kaya umupo naman ako. Breathtaking place talaga ang tanawin dito sa tuktok na bahagi ng nayon na ito. “Kapag ba sakaling pakakasalan kita papayag ka ba?” Hipppp, hipppp, hipppp! Huwag mong sabihin na pati sa kasalan isho-shortcut mo ako. Aba Mr. Smith huwag mo namang idaan sa santong paspasan ang lahat. “No sweetie, don't worry because I will make it more elegant and classy beautiful. This year na ang graduation mo. If ever na makapasa ka anong gusto mong iregalo ko sayo?”he asked. “Pagmamahal mo lang sa akin sapat na.”my mind said. Kung maka if ever ka dyan eh inakala mo naman hindi ako focus sa aking pag-aaral. Hindi nga ako nagboyfriend para walang gumugulo sa utak ko eh. “Ayon, hindi pa kasi ako dumating kaya hindi ka nagkaboyfriend. Nandito na ako baby kaya pwedi na, pweding -pwedi kanang magka-lovelife pero ako lang mag-isa.”nakangiti niyang sabi. Langyang Afam naman to pagkamalan pa akong palikira. Isinalikop niya ang aming mga kamay. Naramdaman ko na naman ang boltahe ng kuryente. Gaya no'ng unang magkahinang ang aming dalawang kamay sa simbahan. Ramdam ko ang init na kumukonekta sa aking buong sistema. Pag-ibig na nga ba ito? “Baby, did you feel the spark when I held your hand? I mean, when I touch you like this do you feel like there is a magic or something a voltage.”he asked. Huwag mo akong englisin afam ka dahil nasa Pilipinas ka. Baka gusto mong dumausdos dyan sa pampang. “Hahaha wala kang pinagkaiba sa kapatid kong Si Feriona. Pinapahirapan kasi niya si John Cedric Fargo. Ayaw niya itong magsalita ng english kaya ang pobreng Americano kahit halos bumaliko na ang dila sa pagtatagalog sige parin. Mabuti nalang mas pinili ko na palaging bisitahin ang Pilipinas. Idagdag pa na nagkaroon ako ng mga mababait na mga kaibigan kaya hindi ako nahihirapan na mag adjust.”kwento pa niya. Mabuti naman kong ganun dahil isa kang makabayan. At sa spark na tinatanong mo, hindi ko naman siguro kailangan na magsinungaling. Oo naramdaman ko ang spark nito kagaya ng ipinagsalikop mo ang ating mga palad ngayon. Hindi naman sa inosente ako, may mgaanligaw naman ako na sinubukan nilang hawakan ang aking mga kamay pero hindi naramdaman yong kuryente na sinasabi ng lahat eh. “Thank you baby for being honest, kasi yon din ang naramdaman ko. Matagal na kasing namamahinga ang aking puso. Kumbaga natutulog ito sa isang sulok dahil walang nakapagpagising. Ngunit ng dumating ka naramdam ko na muli itong nagising. Let's go baby, uwi na tayo baka ma-late tayo sa kasal ni Gracey at Gian...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD