makatang afam

1825 Words
Day 1 ng aking final exam, blessed me God handa na ako sa huling pagsubok. Afam: Lumabas kana nasa tapat na ako ng inyong gate. Bwesit ang aga-aga pa eh, makikisalamuha yata sa mga multo sa campus ang afam na to. Di pa nga ako nakapag-almusal eh nakakainis naman. Mama Nina final exam ko na po please pray for me. Alis na po ako kasama ko po si Afam papuntang university. Ililibre na po niya ako ng almusal sa canteen. “O sige mag-iingat kayo. Huwag kalimutan na maging dalagang Filipina. Behave ka Yette huwag kang makipagbardagulan sa afam mo.”sabi ni mama Nina. Mukha ba akong wrestler ma? “Ay hindi po, mukha ka lang Manny Pacquiao nak,”sagot naman ni mama. Mano mo mama, alis na ako labyo po. “Sige ingat kayo. Yette tumawag nga pala ang ate Raiza mo tinatanong kung ano ang gusto mong pasalubong pag-uwi niya.”banggit ni mama Nina sa panganay niyang lawyer na ngayon at naka-base sa London dahil nakakuha ito ng full scholarship sa Harvard University noon. Naging Latin honors kaya famous lawyer na siya sa britanya. Kaedad lang niya si kuya Yasser. Kaya napahinto ako, “talaga uuwi na si Ate Raiza ma?" Hmmmm kahit ano basta pakasalan na niya si kuya Raiden happy na ako ma. “Bakit mo ba pinipilit na i-match ang dalawang aso't pusa na yon ha. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga yon kapag nagkita. Saka may girlfriend na si kuya Raiden mo kaya huwag mo nang tuksoin ang ate Raiza mo anak”sabi ni mama Nina. Basta ayokong mapunta si ate Raiza sa iba ma. At iyong higad na girlfriend ni kuya di ko siya type. Ang maldita kaya niya, anak druglord yon kaya malamang yumaman. “Pssssttttt baka marinig ka ng kuya mo, bibig mo talaga Yette napapahamak tayo eh,”takot na sabi ni mama Nina. No worries ma maghihiwalay din ang mga iyan bye-bye po. “Good morning baby!”bati ni Afam. Maganda pa ako sa morning kaya I'm good than morning. Bakit ang aga mo? Gusto mo bang mag-ghost hunting tayo sa university? “Hindi ako nakakatulog sa kakaisip sayo kaya napaaga ako. Hindi ako makatulog, Gusto ko magsulat. Gusto kong isulat ang tungkol sa atin, Gusto kong ikwento ang lahat. Magdamag ang mga mata ko'y dilat, Ginugunita ko ang memories natin sa Bagiuo na puro banat. Hindi ako makatulog, Gusto kong mangarap. Gusto kong mangarap na sa mga panahon na ito at kasama parin kita, Pinapanood ang mga tala. Hindi ako makatulog, Gusto kitang makita. Gusto kong masilayan ang iyong mga ngiti, Ang mga mata mo na puno ng ningning. Kasing tamis ng bagong umaga, Kaya ang masilayan ka sa akin ay mahalaga.”kaloka natulale ang Lola nyo mga besh. Ipinasa ba ni Balagtas sayo ang mahiwagang libro ng kanyang mga tula? Umayos ka Afam baka ipa-audition na kita sa paligsahan ng makatahan. Pero in fairness ganda ng tula mo ha. “Heto na binibini kong marikit, Tanggapin mo ang mga bulaklak na nakakaakit. Binili ko ito hindi dahil sa ikaw ay may sakit, Simbolo ito ng aking pagmamahal na sa puso ko'y nakaukit. Sa pamamagitan nito nais kong pag-ibig mo ay masungkit, Gusto kong araw-gabi sayo ay dumikit. Nais kong ako lang ang laman ng iyong diwa kapag ikaw ay pumikit, Dahil ikaw lang Yette Marcos ang inaalayan ko ng aking pag-ibig na malagkit.”afam said. Shutttaaaaa mareeee Afam Temptation nga. Oh sh*t Arenola ka kinilig ang kiffy ko na parang napapaihi na ako. Teka, okay pa ba kaya ang garter ng panty ko? Letson palaka ka huwag mo nang itudo baka ma-fall ako. “I love you baby! Sa haba ng tulang ginawa ko wala man lang akong reward kiss mula sayo. “Sweetheat you're blushing!”pang-aaasar pa niya. Ayoko na sa earth Afam masyado kang pa-fall. By the way thank you sa flower at sa tula I love it. “Pwedi na ba akong magtampo? You love the flowers and the tula. How about me baby, hindi mo ba ako love?”tamporurot niyang sabi. Afam tingin ka nga dito, patingin nga ng Afam temptation kong makata. Lumingon naman si Froilan sa gawi ko kaya dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa mukha niya. I kiss him pero sa pisngi lang malapit sa labi niya. Kaya lang sundalo siya sobrang alerto masyado. Agad niyang hinawakan ang ulo ko at hinalikan sa labi. Don't tease me baby, dahil mapaparusahan ka. And this is your punishment Ms. Yette Marcos. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa aking labi habang hindi kumurap na nakatingin sa isa't isa. “Wahhhhhhhhhhh spgggggggg omg!”sigaw ni Lucy. Ahhhhhhh Lucinda walang Galang malapit na sana ako sa first kiss ko inusog mo pang gagi ka. Mwesitt ka bruha sasabunutan na kita ng bolbol mo. Sa gulat napasigaw na rin ako, and the worst out of the script na ang pinagsisigaw ko. Si Afam naman tawa na ng tawa. Tumigil ka nga baka kabagan ka pa diyan nakakahiya kong panay ka ng utot mamaya sa trabaho mo. Ang manyak mo kasi may dahilan na tuloy si Lucy na mang-asar. “Sir Afam pwedi ba akong sumabay sa inyo?”nag request pa ang panira ng moment. “Sure Lucy c'mon in,”pumayag naman kaagad Si Afam. “Thank you so much sir! Good morning beshy sorry naudlot ko ang moment mo.”nakangiti pa niyang sabi. “May dapat pa akong malaman? In a relationship na ba kayong dalawa kasi may pa chuchu na kayo eh. Sir, galit sa akin si madam eh. Kayo nalang po ang sumagot sa tanong ko. Kayo na po ba nitong half-half kong kaibigan? “Half-half?”sabay naming sabi ni Afam. “Opo half-half kasi lalaking may hiwa yan eh pwedi na nga yan isalang sa tomboy Philippines hehehe,”humahagikhik pa ang lukaret. Lucifer ka talagang bruha ka baka gusto mong kurotin kita sa tinggil mo. “Ay huwag! Saka huwag kang ano dyan oy nakakahiya kay sir. Natutulog pa yang prinsesa kong tinggil dahil hindi pa niya na meet ang prinsipe niyang tangkay hahaha.”sabi ni Lucy. Kaya napahalakhak nalang kaming dalawa. Si Afam naman na hindi na gets ang term namin napapailing nalang sa kanyang ulo. Saka sinimulan na niyang buhayin ang ignition ng sasakyan. “Sir Afam hindi nyo pa sinagot ang tanong ko. May relasyon na po ba kayo ng kaibigan ko?”pangungulit pa niya. “Yes Lucy we're in a relationship since noong nasa Baguio pa kami. Sayang hindi ka sumama na miss mo tuloy ang mga magagandang eksina.”kwento pa ni Afam. “Talaga sir? At itong bruha naglihim sa akin. Hindi man lang ako kinwentohan. Sayang talaga dahil nagkalagnat ako sir eh. Pero hindi masasayang kapag sasabunutan ko na sa bolbol itong girlfriend mo.”baliw na sabi ni Lucy. May tumawag sa cellphone ni Afam. “Baby, pakisagot nga ang video call ni Feriona,”utos niya sa akin. “Hi kuya how are you po? birthday ko na next week. At gusto kong sa Pilipinas mag-celebrate ng birthday kasama ang girlfriend mong doctora.”sabi ng kapatid nya. “Ibigay mo nga sa akin ang number ni Yette para magka-chikahan kami. Gusto kong mosangin yon at ipapaalam ko sa kanya na may---” “What the hell are you talking about Yona? Huwag kang pumunta dito sa Pilipinas.”sigaw ni Afam. “Hahaha nasobrahan kana sa kape kuya. Sasabihin ko lang naman na may balat ka sa puwet.”Feriona said. “What?”sabay preno. “Arayyyy!!!”sabay sabi namin ni Lucy. “Hala kuya may kasama ka dyan?”gulat na sabi ni Feriona. Kinuha niya ang cellphone at ihinarap sa amin ni Lucy. “This lady here is my girlfriend's best friend. Lucy my sister Feriona “Yona” Smith. “Hi gurl! Malaki ba ang balat ng kuya mo?”tanong ni Lucy. “Oo medyo malaki at kasing bilog ng bayag nya hahaha,”natatawang sabi ni Feriona kaya natawa na rin kami ni Lucy. Baliw kana Yona, ibaba mo na nga ang tawag. Panira ka lang ng umaga eh, sabihin mo kina mommy at daddy na mag-book kaagad ng ticket. “Ayaw pang aminin kinabahan ka eh. Hi ate Yette, kumusta? Huwag kang magpahalik dyan sa kuya ko mabaho hininga nyan,”pang-aasar pa niya. Si Afam naman ay panay na mura. Si Lucy naman ay biglang humalakhak dahil siguro naalala niya ang pagsigaw niya kanina. Nagkukwentohan pa kami hanggang sa makarating na kami sa campus. More chika nalang daw kami kapag naparito na siya sa Pilipinas. Kinuha na rin niya ang number ko kaya pwedi na kaming magchitchat. Nauna ng bumaba si Lucy ng sasakyan. At ang Afam naman ay agad na hinawakan ang aking kamay. Ano pa ba ang gusto eh di ituloy ang naudlot niyang halik. Tinakpan ko bibig ko, kaya bigla niya akong pinandilatan ng mata. “Hindi ako bad breath baby kaya huwag mo akong asarin.”inis niyang sabi. Nakakadalawang kuha kana ng kiss ko ah, huwag kang mamihasa uy. “Im glad baby dahil ako ang first kiss mo,”sabi niya. Akala ko dampi lang ang halik na gagawin niya. Shutaaaa mareeee pinanggigilan ang labi ko. Pero naalala ko nasa campus kami at hindi kami pweding mag torrid kiss baka ma-issue kami ng mga mosang. Tama na po sir, baka ma headlines ako sa daily bulletin board namin. Napangiti naman siya sa aking sinabi. “I love you baby.” Pagpasok namin sa campus niyaya muna niya kami ni Lucy na mag-almusal sa canteen bago daw siya pupunta sa site ng ginawa nilang building. Mabuti nalang wala pang mga istudyante. Naiilang kasi ako kapag maraming nakatingin sa amin. Ibang case naman yong mga local kong manliligaw. Nasanay na kasi ako sa kanila dahil magkaklase o schoolmates naman kami. Si Afam kasi masyadong clingy, kulang nalang subuan niya ako. Pero nilantakan ko na mga besh, libre to kaya walang hiya-hiya. Dapat unahin ang malasakit sa bulate kaya lafang now, hiya later. “Tawagan mo ako kapag tapos na ang exam ninyo para sabay na tayong uuwi. Galingan mo huh, huwag mo muna akong masyadong isipin para makapag focus ka. Lucy goodluck sa exam, huwag kang mag-alala magkaka-afam ka rin. Kaya exam muna bago Afam okay.”sabi ni Afam. “Thank you sir, aasahan ko ang sagot ng inyong dasal.”natawang sagot naman ni Lucy. “Baby sa site muna ako,”he kiss my forehead. Arenola ka talagang damuho ka. Ingat ka po. Si Lucy naman naglupasay na. “Bruha ka talaga paano ka napa-oo kaagad ni Afam. Hindi ka man lang nagpakipot ng konti bwesit ka.”sabi pa niya. Nahanap ko na Arenola ko lucy. Ready muna tayo at focus sa exam, mamaya ko na ikukwento sayo ang mga detalye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD