Ginutom ang buntis

1969 Words
Pagabi pa lang nagpakalasing kana kuya. Hindi mo pa oras para magpasundo kay kamatayan kaya huwag mo siyang asarin na sunduin ka. Busy pa yon sa trabaho niya dumagdag ka pa, kuha mo gigil nya kuya huh. Namatay si ate Jasmine dahil sa plan B ni Shizada. Gusto mong sumunod dahil iniwan ka ng taong mahal mo. Tanga ka pala eh, susundan mo siya without giving her justice? Anong klaseng asawa ka kung hindi mo pala siya kayang bigyan ng hustisya. Paano si Rhea? Mamumuhay na walang ama? Ikaw na nga lang ang meron siya. At ala-ala mo siya mula kay ate Jasmine tapos lalayuan mo. Sa tingin mo matutuwa si ate sa mga pinaggagawa mo? Sabihin mo nga sa akin kung ano ang last conversation ninyo ni ate Jasmine. oooOooo Andrew pov Flashback.... Second wedding anniversary namin ni Jas nang araw na yon pero nakalimutan ko. Pumasok ako sa opisina nagtaka nalang ako dahil lahat ng mga kasamahan ko handed me a red roses. Nakangiti silang lahat na akala mo ay mga teenager na kinikilig. Nang pumasok na ako sa loob ng aking opisina nakita ko si Jas na nakangiti at may dalang bouquet of roses kasama ang branded na perfume as her gift for me. “Happy second wedding anniversary honey ko. I love you so much, always and forever until next life. Hihintayin kita kapag nauna na ako sayo sa heaven. Kahit magmahal ka pa ng iba dito okay lang. Basta sa paglakbay mo sa kabilang buhay ako naman ang hahanapin mo. Promise hindi ako maghahanap ng gwapo doon dahil ikaw lang ang pinaka-gwapo na nakikita ng mga mata ko.”jasmine said. Ano ba yang mga pinagsasabi mo hon? Sorry kung nakalimutan ko ang anniversary natin. Sobrang mamemerwisyo na kasi si Shizada ang teroristang nakapasok dito sa America. At bilang number 1 agent ng CIA sa akin nakaatas ang kaso niya. Pero babawi ako sayo, saan mo ba gustong pumunta? “Sigurado ka? Gusto ko sa langit na,”natatawa niyang sabi. Sira ka talaga huwag kang magbiro ng ganyan dahil hindi magandang biro iyan. Wait magpapaalam lang ako kay Fretzy para hindi muna nila ako iisturbohin habang kasama ka. Fretzy is a good friend, siya ang unang naging kaibigan ko nang pumasok ako sa CIA. She has a bubbly personality, very cheerful and have a high spirits. Matalino pagdating sa pagkakalikot ng mga gadgets. Naiinis ako sa mga conyo talk niya kaya palagi kong tinatagalog. First name bases ako sa kanya dahil hindi ko siya ginagalang. “Ayop ka hindi ba ako kagalang-galang sa paningin mo Peralta. Baka gusto mo magsuntokan nalang tayo dito ngayon din,”panghahamon pa ni Fretzy. See....ganyan ang ugali niya bunso parang lasingga sa kanto. “Taposin mo na ang kwento kuya bago kayo magpatayan,”si Yette. I booked a dinner date sa isang expensive na restaurant. Masaya kaming nagkukulitan. Uminom siya ng hard drinks pero ibinuga lang niya sa mukha ko dahil hindi niya nakayanan ang tapang ng alak. “Sorry honey ko, lahat ng kakulitan ko hindi ko na uulitin pa. I love you so much Andrew kayo ni Rhea. Pagkatapos naming mag-dinner napagdesisyonan namin na mag-roadtrip muna bago umuwi ng bahay. Nag-uusap kami tungkol sa aking trabaho. Hon, maraming salamat sa pag-intindi mo sa aking trabaho. Salamat sa suporta mo, salamat sa mga dasal mo. “Inaakala mo bang hahadlangan kita sa mga desisyon mo? Alam mo naman na may pamilya ka di ba Andrew?”mga katanungan niya. “I know hon, I know, ngunit pamilya ko rin naman ang mamamayan kaya kailangan ko silang protektahan. Ang mga bagong henerasyon ay maging malayang magsi-celebrate ng independence day. “Hindi madali ang asawa ng isang agent Andrew. Ang hirap matulog sa gabi sa tuwing may mission ka. Palaging may takot sa puso ko kung masisilayan pa ba kita sa bawat paggising ko. Kapag nakauwi kana, tinatawagan mo ba ako? Sinabi mo ba kahit sa messenger man lang na “Jasmine,honey sa awa ng diyos maayos akong nakauwi. Huwag kang mag-alala sa akin dahil nakauwi akong ligtas. Minsan naiisip mo ba Andrew na may Rhea kang nangangailangan ng isang ama?”she sadly said. Habang nasa daan, tumawag si Fretzy sa akin at sinabi ang location ni Shizada a.k.a Aftab Anzari as his new identity. Malapit ako sa kinaruruonan ng mga terorista kaya agad ko itong pinuntahan. I informed the team na susunggaban ko ang pagkakataon. Fretzy didn't agree my decision. Ayaw niyang gumalaw ako hanggat wala pang back up. Maging si Jasmine ay nagmamakaawa sa akin na huwag akong lumusob hanggat hindi pa dumating ang ibang mga agent. Pinaalalahanan pa niya ako na huwag ulit gawin ang pagkakamaling desisyon na ginawa ko no'ng nakaraang mission. Dahil sa pagiging agresibo ko sa mission na yon kamuntik na akong mamatay. Pero hindi ako nakinig bunso, isinugal ko ang aking buhay para lang mahuli o mapatay si Shizada. Hindi ko akalain na susundan ako ni Jasmine. Mahigpit ko siyang pinaalalahanan na kahit anong mangyari huwag siyang lumabas ng kotse. Hindi rin siya nakinig sa aking utos. Sinundan niya ako at eksaktong sa kinatatayuan niya may suot na bomba ang isa sa armado na aking napaslang. Naisigaw pa ni Jasmine ang aking pangalan bago tumilapon sa pagsabog ng bomba. Pinasabog nila ang bomba na ikinabagsak naming lahat at muling nakatakas si Shizada. Nahihilo pa ako sa malakas na pagsabog ngunit pinikit ko ang aking sarili na tumayo para lapitan si Jasmine. Sinubukan ko pa siyang buhatin para dalhin sa hospital. Pero pinigilan niya ako, at ang sabi niya; “Hon, hindi ko na kakayanin hanggang dito nalang ako. Sorry hindi ako nakinig sayo, lumabas ako ng kotse kahit binalaan mo na akong huwag lumabas. Ikaw na ang bahala sa anak natin. H-hon, malaya kanang gawin ang lahat para mapuksa ang mga terorista. Si Rhea huwag mong pabayaan, mahal na mahal kita kayo ng anak natin. Hanggang sa muling pagkikita natin paalam mahal kong asawa.”our last conversation. End of flashback “Sobrang sakit Yette, hindi ko na kaya ang sakit ng pagkawala ni ate Jasmine mo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya. Kasalanan ko bunso dahil hindi ako nakinig.”umiiyak na saad ni kuya Andrew. Huushhh na kuya, naiintindihan ko kung gaano kabigat ang narararamdaman mo ngayon. Pero hindi ka pweding sumuko dahil may Rhea na nangangailangan sayo. Sinong magtatanggol kay Rhea kapag inaaway siya sa school o kapitbahay. Sino ang tatayong magulang kay Rhea kung kailangan ng magulang sa school kapag may gathering. Gusto mo bang ma-bully si Rhea at matawag na “anak sa buho", "anak sa ligaw",“bastarda”. Gusto mo bang maranasan ni Rhea ang lahat ng iyon kuya? Saan mo iniwan si Rhea? Sa kaninong pangangalaga mo siya ibinigay? “Nasa poder ng mga magulang ni Jasmine si Rhea. Sinabi ko sa kanila na huwag nilang ipaalam sa kahit kanino na anak ko si Rhea. Ayokong mapahamak si Rhea kaya gusto ko na walang ibang nakakaalam na mag-ama kami.”saad ni kuya Andrew. Sigurado ka ba kuya? Gaano ka kasigurado na hindi malalaman ng lahat na anak mo si Rhea? Nasubukan mo na bang hawakan ang usok? Walang usok na nahahawakan kuya Andrew. Kaya wala ring sekreto na kayang hawakan at itago. Tumayo ka dyan kuya Andrew, sa hospital tayo. Ang pangit ng hitsura mo. Mamaya kukuhanan kita ng larawan tapos ipapadala ko kay tita Berna. Fretzy sa hospital tayo ipapagamot natin itong monggol mo. “What?”si kuya Andrew. Joke lang kuya, na miss kita ng super duper. Niyakap ko si kuya ng mahigpit dahil alam kong napikon na ito. Naging isang linya na kasi ang kilay nito. Sakay kana uy, gutom na kaya ako. “Paano ba kayo nagkakilala ni Smith?”tanong ni kuya Andrew. Uyyyyy Smith na daw, ayaw mo na ba siyang tawagin na Fretzy? Di ba sa Fretzy ka nasanay bakit iniba mo na? Hindi masamang umibig muli kuya. Bata pa si Rhea at bata pa din ang puso mo. “Anong pinagsasabi mo dyan? Kailan ka ba naging author Yette Peralta Marcos? Bakit parang napaghalataan ko na isinusulat mo na ang aking kapalaran.”sabi pa ni kuya. Ayownn wattpader pala itong pinsan ko. Huwag mong sabihin na pangarap mo rin na maging mafia sa kwento kuya Andrew. Ang saklap naman ng katuparan dahil naging CIA agent ka kaysa maging mafia hahaha. Napahalakhak na rin si Fretzy sa aking sinabi habang magmamaneho. “Tumigil ka dyan bunso, hindi na magandang biro iyang mga sinasabi mo. Bakit hindi mo sagotin ang tanong ko kung paano kayo nagkakilalang dalawa.”sabi ulit ni kuya. “Siya lang naman ang girlfriend ng nag-iisang kapatid kong lalaki sir,”singit ni Fretzy. Ay opo kuya ako lang ang nag-iisang eabab na napagtagumpayan na maging boyfriend ang isang Afam. Mahilig ako sa dakz, kaya Afam ang aking pinangarap. Dahil sila ay bukod sa masarap, di ako maghihirap. At sa dambana ay kaya akong iharap, na walang na kurap-kurap. “What?” nalilitong tanong ni kuya Andrew. Psssttttt puro ka tawa dyan, huwag mo na pantasyahan ang kuya ko dahil hindi yan daks. Kalabit ng tinggil mo lang ang kayang gawin niyan Fretzy. “Woooyyyy buang ka bibig mo pasmado. Bumaba kana nga, kung saan-saan na napunta ang topic mo eh,”fretzy reacted. Dinala namin sa ER si kuya Andrew para magamot ang mga pasa niya. Pina-check up na rin namin kung ano pa ang masakit sa kanya. Literal na masakit naman talaga ang puso niya. Ang nais lang naming malaman na bukod sa puso baka may iba pang masakit sa kanya. Hindi namin namalayan na 10pm na pala ng gabi. “Fretz, itanong mo nga kung masakit ba ang TT ni kuya Andrew. Kung masakit kamo, ikaw na ang bahalang gumamot. Isang himas mo lang gagaling na yon, sa galing eh sasaludo pa kamo sayo. “Gagi ka ate Yette, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis ako sayo. At si Andrew pa ang involve sa kwento mo.”naiiling niyang sabi. See .....labu mo talaga si kuya Andrew dahil hindi mo magawang tawanan at kainisan instead kinikilig pa talaga ang kiffy mo. “Hey okay lang ba k-kayong d-dalawa?”biglang sulpot ni Afam na halatang galing sa pagtakbo dahil hiningal pa ito. “Tinakot mo ako bakit ba kasi kayo umalis ng bahay na hindi nagpaalam? Hindi nyo pa sinagot ang tawag ko. Please naman huwag nyo na ulit gawin ito.”sabi ni Afam habang niyakap ako ng mahigpit. “Baby bakit may dugo ang damit mo? Ano bang nangyari huh?”he asked dahil nakita niyang maraming talsik ng dugo ang suot ko. “Sorry kuya kung hindi kami nakapag paalam. Niligtas lang namin si agent 1 dahil tinangay siya ng mga tauhan ni Shizada. Agent 1 a.k.a Andrew Peralta is ate Yette cousin. Agent 1 this my brother navy pilot captain Froilan Smith and the boyfriend of your cousin. “Hello bro, nice to meet you! Pasyensya na kung ganito ang hitsura ko sa unang pagkikita natin.”sabi ni kuya Andrew. Asussss bakit mo kailangan na maging gwapo sa harap ni Afam ko kuya? Gusto mo bang magpa-impress sa soon to be bayaw mo? Ayehhhhhh sakalan na. “Yette Marcos shut up ahhhh!”daing ni kuya dahil nilapatan ng alcohol ang kanyang sugat. Inasar ko lang ito lalo at nginiwian. Pagaling ka kuya, gutom na talaga ako mukha ng burger at fried chicken ang hitsura ni Afam sa paningin ko. Fretzy ikaw na ang bahala sa kuya ko huh. Ingatan mo yan, alagaan mo dahil iyan ang magbibigay na kaligayahan mo. “Woyyyy shatap ka bruha!”si Fretzy. Hahahahaha bye, I love you kuya. See yahhh......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD