rescuing Andrew

1652 Words
What??? Namatay si ate Jasmine ko? Nasaan na ba si kuya Andrew ko ngayon? “Nakatakas si Shizada at patuloy parin naming hinahanap. Si agent 1 naman ay ipinagluksa niya parin ang pagkawala ng kanyang asawa. Naka-leave siya ngayon at hindi kami nakakalapit sa kanya. Panay ang pag-inom ng alak.”saad pa ni Fretzy. Pwedi mo ba siyang tawagan? Kakausapin ko ang kuya ko, please Fretzy call him now. Agad namang tinawagan ni Fretzy ang number ni kuya Andrew. “H-hello Smith wassup yo hik hindi hik ako nakinig sayo. Namatay ashawa ko dahil hindi ako nakinig hik. I'm bad agent right? Hahaha ghusto ko na rin mam-matay hik.”sobrang lango na talaga ni kuya Andrew. Hey kuya look at me, where are you now? It's me Yette Marcos your cousin. “What? Anong gawa mo dyan?”he asked. “The f*cking agent is here wooohhh. Hey ladies, Do you want this man dead or alive?”sabi ng lalaking maraming balbas. “Hey, hey don't touch him he is drunk,”sigaw ni Fretzy. “Shizada want his head right now. Let's play a game baby, you have 1 hour to find him. When you can't find him, he will lose his head. Your time start now hahahaha. “Oh sh*t, no, no, no, ate Yette dito ka lang. Pakisabi kina mommy at daddy na may emergency ako.”sabi ni Fretzy at agad na tumakbo palabas. Sasama ako sayo Fretzy, pinsan ko yon kaya dapat naroon din ako para iligtas siya. “Magagalit si kuya Froilan ate Yette,”sabi niya sabay sakay sa kanyang kotse. Pero wala na rin akong oras para makinig sa mga sinasabi niya. Agad na rin akong sumakay sa kabilang side. “Ate naman malilintikan ako ni kuya sa ginagawa mo.”reklamo pa niya. “Drive Fretzy!”sigaw ko habang isinukbit ang seatbelt. “Marunong ka bang humawak ng baril ate Yette?”she asked. Yes, hindi lang bala ng tt ang sinasalo ko. Kaya ko rin na saluhin ang mga bala na galing sa mga armas ng kalaban. “Hahaha joker mo talaga ate Yette. May tracker si agent 1 kaya madali lang natin na matunton kung nasaan siya ngayon. Kailangan kong isagad ang pagmaneho ng kotse para makaabot tayo sa takdang oras.”sabi ni Fretzy. Alangya drag racer ka yata eh, byaheng langit na ang pupuntahan natin. Sana nag-helicopter nalang tayo para madali. Bilisan mo pa para marating agad natin ang location. Sandali, nasaan ba ang mga armas mo? “Nasa likod ate Yette!”sagot niya. Okay lipat muna ako sa likod, huwag mong pagiling-gilingin ang takbo ng kotse para hindi ako tumalbog talbog na parang bola. Kuya calling.... “Ate tumawag si kuya sagotin mo,”utos ni Fretzy sa akin. Ayokong sagotin yan, matagal ko ng sinagot yan eh. Reserve ko nalang sagot ko sa proposal niya. “Ate ang kulit mo eh, mas lalo tayong malilintikan nito,”she worriedly said. Malapit na tayo sa location, lulusob tayong buhay. Lalabas tayong..... “Sa hula mo lalabas ba tayong patay ate Yette?”dugtonh niya sa sinabi ko. Gagi, syempre buhay parin. Magpapalahi pa ako sa kuya mo uy, kaya lalabas akong buhay. Sayang ang lahi ng kuya mo kung iiwanan ko lang. “Baog ang kuya ko kaya hindi sayang kung iiwanan mo,”sabi ni Fretzy. May sasabihin ako sa'yo huwag kang mag-break bigla sasamain ka talaga sa akin. Two months preggy na ako pero hindi ko sasabihin sa kuya mo hanggat hindi siya nag-propose sa akin. “What? Ate Yette naman napapahamak tayo nito eh. Why you sobrang stubborn. You make my pamangkin pahamak niyan.”nababahala niyang sabi. Umayos ka babae umandar na naman yang conyo mo. Matino ka palang magtagalog tapos ang arte arte mo ante. Tito ng anak ko ang pupuntahan natin kaya huwag kang mag-alala. Rank 1 sa Taekwondo at muay thai ako ng Pilipinas. Basta I will show you nalang mamaya sa bakbakan. “Ate notorious terrorist ang mga makakalaban natin. Hindi takot bumaril ang mga iyon.”namomroblema niyang sabi. Stop! Nasa location na tayo get ready. Don't forget na naging voluntary military doctor ako ng Pilipinas. At huwag mong istimahin ang kakayahan ko sa paghawak ng baril. “Nasa car trunk ang ballistic vest ko. Iyon ang isuot mo po para safety ang tiyan mo ate.”malumanay niyang sabi. Salamat Fretzy, huwag kang mag-alala safety ang pamangkin mo. Pinsan ko ang kailangan na isalba kaya naglakas loob akong sumama sayo dito. Tara na wala na tayong oras, 16 minutes nalang ang meron tayo. “Sh*t! Okay good luck sa atin basta ate ipangako mo na mag double ingat ka.”paalala ni Fretzy sa akin. Oo na po mag-iingat po ako dahil kakainin ko pa ang bayag at hotdog ng kuya mo. “Siraulo ka talaga,”nakangiti niyang sabi. My silencer ka ba dyan? Akin na ang isa para matira na natin ang tatlong bantay sa gate. Alangya naman oh sa abandoned building pa talaga nila itinago si kuya Andrew. Mas kinatatakotan ko pa ang multo kaysa sa bala ng kalaban Fretzy. Nang ibinigay ni Fretzy ang silencer agad ko itong ikinabit sa aking baril. Pagkatapos ay pinagbabaril ko sa ulo ang tatlong bantay. Hoy huwag kang tulaley dyan let's move. Ako ang papatay at ikaw ang tagalinis. Dapat nagdala ka ng pamunas at balde Fretzy hahaha. “Inaalala ko ang situation natin tapos ikaw panay patawa,”saad pa niya. Kung panay ang alala-la-la-la mo kailan ka mag-focus sa gagawin mo? Si insan bombay ka ba na kayang magmekus-mekus? Tara na nga tumatakbo na ang oras. Nang makapasok na kami sa loob naroon pala ang grupo ng mga demonyong bantay. Pero hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon na bumunot ng baril. Sinabayan na rin ako ni Fretzy kaya napadali ang pagkitil sa kanilang mga buhay. Nakatunog na ang ibang armado na nasa loob kaya naging alerto ang mga ito. Nakita kong naging agresibo na rin si Fretzy. Ganyan nga Fretz, ipakita mo ang iyong tunay na bangis. Naalala ko sa kwento ni Fretzy na may back up plan B palagi ang mga tauhan ni Aftab Anzari. Kaya mapatay man ang lahat ng mga armado mamamatay rin kami dahil nakatanim na ang mga bomba sa buong paligid. Double time Fretzy kunti nalang ang oras natin. “Welcome to the show!”sabi ng lalaki na nakatutok ang baril sa ulo ni kuya Andrew. Fretzy may pangalawang plano sila. Isang daan na porsyento na pasasabogin nila ang building na ito. “Yette bakit ka nandito?”tanong ni kuya. Malamang wala ako doon kaya ako ay narito kuya. Nahimasmasan kana yata dahil kilala mo na ako. Ang dami mong pasa sa mukha oh. Para kang pininturahan ng charcoal. Hindi ka ba nila pinaihi Sa pantalon mo kuyz? “What you talking? Why not speak english? We cannot understand you talking. “Bang, bang, bang!” bullseye ang tatlong bantay. Put*ng*na ninyo akala ko sa Pilipinas lang namugad ang mga maretes. Hindi naman kayo mga Pinoy pero bakit naging maretes na rin kayo. Hoy, kalagan mo na ang crush mo bago tayo mamatay dito. Ano kuya may trauma ka po ba? Magkadugo tayo kaya huwag kang mag-alala. Pasanin mo iyang mahal mo Fretzy para makauwi na tayo. “Ehhhh yahhhhh!” May isang lumipad papunta sa gawi ko. Kaya agad kong sinalubong ng sipa ang bayag niya. “Ehhh ehhh ehhhh sorry hindi ko sinasadyang basagin ang bayag mo manong. Nabigla lang ako sa ataki mo. Pilit niyang inabot ang tumilapon na remote control. Ikaw pala ang may hawak nitong remote. Akin nalang ito para memorable naman ang exist namin may fireworks. “Ate Yette tulongan mo naman ako mabigat eh,”sigaw ni Fretzy. Kaya mo na yan Fretz, wala kang hindi kakayanin para sa labey-dabey mo. “Ayyyy ano ba ibaba mo ako Peralta baka maalog ang utak ko,”biglang sigaw ni Yette. Nang lingunin ko sila pinasan na pala siya ni kuya Andrew. Kaya natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Sabi ko naman sayo Fretzy eh, nawala na ang kalasingan ni kuya Andrew. Bilisan mo na kuya para mapaliyab ko na ang happy new year. Si kuya naman ay agad na tumakbo kahit pasan-pasan niya si Fretzy. Nang nasa may kalayuan na kami agad kong pinindot ang remote. Kaya sumabog ng malakas ang lumang abandoned building. “Happy New Year Shizada!” Medyo sumakit ang aking tiyan kaya napaupo nalang ako. “Ate Yette okay ka lang ba? Malalagot talaga ako sa kapatid ko nito eh. It's too risky but you are so stubborn to risked your life. Ate dalhin kana ba namin sa hospital?”nag-aalalang sabi ni Fretzy. Naawa naman ako dahil nag-aagusan na ang mga luha nito. Fretzy don't worry I'm okay, pahinga lang ako ng konti. I can't believe that we ended the battle as quickly as it is. “Bunso okay ka lang ba? Thank you for saving my life. How did you know about Shizada? Paano ka ba natutong humawak ng baril? Paano kayo nagkakilala ni Smith? Kailan ka dumating dito sa America? Kumusta sina Tita, Tito at mga kuya mo?”sunod-sunod na tanong ni kuya Andrew. Ano ba yan kuya, dahan-dahan lang po dahil mahina pa ang kalaban. We are safe here right? “Im not sure kaya dapat lumayo muna tayo sa lugar na ito. Maghahanap nalang tayo ng lugar na safe nating tambayan.”sagot ni kuya. Alam mo naman palang dilikado pero bakit nagpaulan ka ng mga katanungan. Tumayo na ako at pumasok sa backseat ng kotse ni Fretzy. Bahala na silang dalawa kung sino ang magdadrive. Let's go guys mamaya na yang paligsahan ninyo ng titig. May tamang panahon para dyan sa mga lumiliyab ninyong damdamin. “Baliw!”sabay nilang sabi. Hahahahaha huli pero hindi kulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD