secret reveal

1970 Words
“Can I teach you to kiss?”he said. Sinamaan ko siya ng tingin. “What?”he asked. Dahil hindi ako marunong na humalik ibig sabihin hindi ka satisfied. Gusto mo akong turuan dahil hindi ka nasisiyahan. My God bakit ba ako lumandi sa matanda. Ayok---hmmm Shutaaaa mareeee nilakumos na ni Afam ng halik ang dyosa. “Isang makapugtong hiningang halik, Mga Encanto ng La Presa ang diwa ko'y huwag munang ibalik. Kagaya ng mahimbing na tulog na may munting hilik, Matamis niyang halik aking tinatangkilik. Ang galaw ng kanyang labi nagbibigay sa akin ng matinding salik. Nakakaakit niyang halik huwag muna sanang humantong sa p********k. Enebe nepepetele eke se serep..... Ouch! Bakit mo kinagat? “Dont talk, just kiss me back.”utos niya. Eh kung ayoko? “My rules so you have to follow me,”kontra nya. Aba uma-attitude ang Afam. Lumayo-layo ka nga baka saan pa hahantong iyang mga halik mo. Huwag mo akong ma rules - rules uy dahil pamamahay ko ito. “May regla ba ang baby ko? Bakit ang init ng ulo mo? I suggest lang naman na tuturuan kitang humalik para masabayan mo ako. And it's my way na rin para mahalikan kita. Wala namang mali sa sinabi ko ah.”sabi niya. Ah walang mali sa sinabi mo. Walang mali na harap-harapan mong ipinamukha sa akin na kulang ang effort ko sa pakikipag laplapan sayo ganurnnn? Humanap ka nalang ng iba na sanay makipagsabayan sa malalim mong halik. Sorry ha hindi ako pro kisser eh. Estudyante kasi ako eh kalalabas lang ng unibersidad. At saka hindi kasi ako p****k kaya walang alam sa kalandian. Gusto mo bang malamang kung saan ako magaling? Sa suntokan at bugbogan ako magaling kaya hindi ako qualified sa kalandian mo. “Yette Marcos what the hell are talking about? I didn't mean to offend you. Oh my goodness baby, you misunderstand me,”he frustratedly said. Bahala ka nga sa buhay mo, manigas kang empakto ka. Agad na akong lumabas ng aking cabin. For many reasons: #1. Kami lang dalawa ang nasa cabin may posibilidad na lumagpas kami sa limitasyon. #2. Baka malunod ako sa mga halik niya marupok pa naman ako. #3. Hindi pa ako handa na ipawasak ang aking kiffy. #4 Baka kapag may nangyari sa amin baka matulad ako ni Aubrey na mukhang bagong tuli. Thank you lord dahil binigyan mo ako ng sapat na talino. Takbo muna tayo Yette para hindi tayo malusob ng bakunawa ni Afam. “Yette Marcus where are you going?”sigaw niya. Magpapalamig muna ako ng ulo kaya huwag mo akong kausapin. “Yette listen! Wala akong maling sinabi sayo. Okay I'm sorry kung mali man ako,”sabi pa niya. Nagpatuloy parin ako sa aking paglalakad. Mas magandang sumali sa party nila. Umakyat ako sa aming silid ni Lucy para makapagbihis ng magandang damit. Pagkapasok ko sa silid nagulat ako sa aking nakita. Uy hala ate Raiza nandito kana. Yeheyyyy thanks God, nainis talaga ako sayo kahapon ng sabihin mong hindi ka makakadalo. Sinong kasama mo ate sa pagpunta dito? Si kuya Reigan kasama ni kuya Yasser kanina papunta dito eh. “Bruha tan-g-a lang noh? Nakita mo ba si kuya Raiden na narito? Tandem ang dalawang abogado para akyatin ang Baguio City. Alam mo bang magkasama sila ni ate Raiza papunta dito.”sabi ni Lucy. Oh di nga! W-what????? As in oh my ghost totoo ba ate? Ate, ate, ate...sabihin mo na. Magkasama talaga kayo ni kuya Raiden? Magtitirik na talaga ako ng kandila sa sagada. Pagkatapos ng kasal ni kuya Asher aakyatin ko na ang mahabang hagdan ng Wright Park. Ate kwento mo naman kung anong nangyari at bigla ka niyang niyaya na sabay aakyat dito sa Baguio. “Baliw ka talaga Yette, kailangan pa talagang ikwento kung paano kami magkasabay na naparito,”natatawang sabi ni ate Raiza. Aba syempre po nakaka-excite kaya yon. Alam mo naman na number 1 fan mo ako ate. Kung pwedi nga lang gawaan ng paraan kung paano kayo mapikot eh ako na talaga ang gagawa nun. Kwento mo na ate, makikinig kami ng mabuti ni Lucy. Uy si ate Raiza nag-blush oh, masamang pangitain na yan ate Rai haha. oooOooo Third person pov Tumanggi si Raiza sa imbitasyon na pumunta sa Baguio para dumalo sa kasal ng pinsan nina Yette. Ayaw niya kasing makita si Raiden na kasama ang girlfriend nito. Simula ng kamusmusan nila si Raiden na ang kanyang crush. Wala ng ibang sinisigaw ang kanyang puso kundi ang pangalan ng binata lamang. Nangibang bansa man si Raiza dahil sa oportunidad ng pagkakaroon ng full scholarship sa London. Pangalan ni Raiden parin ang kanyang baon. Gumawa pa si Raiza ng ibang account para ma stalk ang binata. Kaya updated siya sa mga nangyayari kay Raiden. Nasasaktan si Raiza kapag nakikita itong masaya na kasama ang girlfriend. Palaging sinasabi no Raiza sa sarili na sana siya nalang ang nasa posisyon ng babae. Kahit puro pasakit na ang kanyang naramdaman hindi parin siya tumigil sa pagsusubaybay kay Raiden. May mga manliligaw man si Raiza sa ibang bansa hindi parin niya maibaling ang kanyang nararamdaman sa iba. Ika nga hindi kayang turuan ang puso sa kung sino dapat ang titibokin nito. Itinapat niya ang kanyang pag-uwi sa kaarawan ni Yette para mapasaya naman niya ito. Parang tunay na kapatid ang turing ni Raiza kay Yette dahil wala naman siyang ibang kapatid na babae. Ganun din ang turing ni Reigan kay Yette isang bunsong kapatid na babae. Napamahal na sila sa isa't isa dahil sabay silang lumaki at palaging magkasama. Nasasaktan si Raiza ng makita niya si Raiden kasama ang nobya nito sa kaarawan ni Yette. Pilit man niyang huwag ipahalata nababanaag parin ang sakit. Kaya para makaiwas, idinadahilan ni Raiza ang jetlag para makauwi na sa kanilang bahay at makapagpahinga. Ilang araw na hindi na muna lumabas Si Raiza at sa silid nalang nananatili. Hinayaan na rin siya ng kanyang ina. Araw ng pag-akyat sa Baguio pinuntahan ni Yette Si Raiza para sabay na pumuntang Baguio pero tinanggihan ni Raiza ito. Alam ni Raiza na nasasaktan niya ang damdamin ni Yette pero mas pinili niyang iiwas ang kanyang damdamin sa sakit na maaaring maidulot nito kapag pumunta siya ng Baguio. Umalis na ang lahat at si Raiza nalang ang mag-isang naiiwan sa kanilang bahay. Naisipan niyang magluto ng chicken lasagna. At nag-bake na rin siya ng cheese hotdog roll. Ini-enjoy niya ang sarili habang siya lang ang naiwan sa bahay nila. Habang busy sa paghalo ng mga sangkap Si Raiza biglang tumunog ang kanilang doorbell. Kaya pinatay muna ni Raiza ang kalan para buksan ang pinto. Nagulat si Raiza ng tumambad sa kanyang harapan si Atty. Raiden Peralta Marcos. “Anong ginagawa mo dito? Wala si mama dito maaga silang umalis.”sabi ni Raiza sabay sara ng pinto. Alerto naman si Raiden sa pagharang ng kanyang kamay bago sumara ang pinto. Napamura siya sa sakit ng pagkaipit pero tiniis niya ito. Nagulat naman si Raiza at agad na hinawakan ang kamay ni Raiden. Napangiwi siya ng makitang nagmarka ang bakas ng pagkaipit ni Raiden. Hinila niya si Raiden papuntang kusina para lagyan ng yelo ang daliri nito. “Umupo ka muna dyan kukuha lang ako ng yelo. Sino ba kasi ang nagsabi sayo na iharang mo ang iyong mga daliri para huwag sumara ang pinto. Ang tanda mo na tanga ka parin.”bumubulong-bulong na sabi ni Raiza. “Handa akong maging tanga makuha ko lang ang puso mo Rai,”nagulat si Raiza sa narinig. Napailing nalang si Raiza dahil baka guni-guni lang niya ang kanyang narinig. Naisip ni Raiza na dahil sa labis niyang pagmamahal sa binata gumagawa na rin ng kwento ang kanyang utak. Kinuha ni Raiza ang isang ice bag at ipinatong ito sa daliri ni Raiden. “Pakihawakan mo dahil may tataposin pa akong trabaho.”raiza said. Bumalik siya sa harap ng kalan at muling binuhay ang apoy. Habang hinalo-halo ang nilutong lasagna napapaisip siya kung bakit narito pa ang binata. Hindi ba dapat nasa Baguio na ito kasama ang pamilya at nobya. Naiilang pa si Raiza dahil ramdam niyang nakamasid si Raiden sa kanyang likuran. Tumunog naman ang oven bilang hudyat na naluto na rin ang cheese hotdog roll buns na kanyang isinalang. Nilinisan muna ni Raiza ang mga utensil na ginamit pati na rin ang lababo. Pagkatapos ay ihinain niya sa lamisa ang kanyang mga niluto. Nakakahiya naman sa amo ng kanyang mga magulang kung hindi niya ito pakakainin ng almusal. Nagtimpla na rin siya ng dalawang mug ng kape para sa kanilang dalawa. Alam ni Raiza na mahilig sa black coffee si Raiden kaya iyon ang itinimpla niya para dito. “Kumain kana, hindi yata nagluto si mama ng agahan sa inyo dahil maaga silang umalis.”sabi ni Raiza habang hindi tumingin kay Raiden. “Hindi mo ba talaga ako kayang magustuhan Iza? Bakit palagi kang umiiwas sa akin? Bakit hindi mo ako kayang tingnan ng tuwid? Ganun mo ba ako pinandidirian para iwasan mo ng ganyan?”malumanay na tanong ni Raiden. Ikinagulat naman ni Raiza ang lahat ng mga katanungan ni Raiden. “Pinagsasabi mo dyan, para kang tanga,”Raiza said. Wala nang ibang masabi pa si Raiza dahil bigla siyang binundol ng matinding kaba. “I know I am stupid, matagal na akong tanga dahil iniiwasan kita. Iniiwasan kita simula noong nagsimula na akong magkagusto sayo. Alam ko kasi na gusto mong maging matagumpay na lawyer. At ayaw mo na tinutulungan ka ng mga magulang ko. Gusto mong maging matagumpay gamit ang sarili mong pagsusumikap. Kaya nga pina-apply kita ng scholarship sa oxford. Nakiusap ako kay daddy na pamirmahin ka ng application for scholarship. I'm proud of you kasi na perfect mo ang pasulit. Ang alam ng lahat sa Canada ako nag-aral ng Law. Pero alam nina mommy at daddy na sa University of Law ng London ako nag-aaral. Alam mo ba kung bakit? Para mabantayan kita. Wala kang naging manliligaw? Dahil lahat ng pumuporma sayo binantaan ko. Gumagawa ka pa ng kwento na may afam ka rin pero wala naman kahit isa.”mahabang pahayag ni Raiden. Laglag panga na napatunganga si Raiza ng marinig ang mga sinasabi ni Raiden. “Close your mouth baka mapasukan ng dila ko yan,”natatawang sabi ni Raiden sa dalaga. Agad namang ibinaling ni Raiza ang kanyang paningin sa kabilang direksyon. Biglang gumulo ang kanyang daigdig. Halos hindi na niya malunok ang kanyang lasagna. “Hey Iza okay ka lang ba?”tanong ni Raiden. Hindi umimik si Raiza at nakatingin parin sa kabilang direksyon. Nag-uunahan ng tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa naging hikbi na ito. Agad naman na tumayo si Raiden para aluin ang dalaga. Niyakap niya ito mula sa likuran. “Huuuusssshhhh bakit ka umiiyak?”raiden asked. “Alangan naman hahalakhak ako sa mga sinasabi mo bwesit ka. May girlfriend kana tapos lumalandi ka pa. “She's not my girlfriend,”raiden said. “Ang galing mo pang gumawa ng kwento. Pinagkakaila mo pa siraulo ka”naiiyak na sabi ni Raiza. Kaya tinawagan ni Raiden ang kaibigan na si Jamie. Yes Jamie is just his friend at engaged na nga ito kahapon sa boyfriend na co-lawyer niya sa firm nila. “Hello bro, what's up? Tulog pa si Jamie,”sagot ng lalaki. “Sorry bro, ayaw kasing maniwala ng crush ko na hindi ko girlfriend si Jamie.”sumbong ni Raiden sa kaibigan. “Buti nga sayo, may paselos-selos ka pa kasing nalalaman haha. Torpe ka kasi kaya hindi mo deserve si Attorney Raisa Torres. Pahirapan mo pa yan ma'am Raiza, deserve niya yan. Huwag po kayong maging marupok sa isang Raiden Peralta Marcos.”pambubuska ng kaibigan. “F*ck you Zamora!”mura ni Raiden.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD