engaged

1741 Words
Third person pov Niyakap na ng mahigpit ni Raiden si Raiza at inaalo na tumahan na. Pero todo parin iyak ang dalaga. Nalilito si Raiza kung luha ng pagkainis ba o luha ng kagalakan ang kanyang nararamdaman. “Hayop ka, ilang taon mo akong sinusupladohan. Palaging binabara at sinasabihan ng mga masamang salita. Ngayon bigla kang magko-confess ng ganito, ganun. Kung makikipaglaro ka lang ng damdamin, I beg you huwag ako Raiden. Kung awa lang ang nararamdaman mo please lang except me.”raiza said. Kumawala na siya sa yapos ni Raiden at pumunta washroom para maghilamos. She lock the door knob at pinakawalan niya ulit ang mga luhang ayaw tumigil sa pagtulo. “Iza lumabas kana please, let's talk. I'm not playing with you, I really love you Iza. Ikaw lang ang minahal ko at mamahalin ko hanggang sa huli.”sigaw ni Raiden sa labas. Mas lalo namang umiyak si Raiza sa kanyang narinig. “Nakahanda na ako at alam ni mommy at daddy na hinihintay ko lang ang pag-uwi mo. Babe, lumabas kana please. Lumamig na kape natin oh.”pakiusap ni Raiden. Hindi nagtagal lumabas na si Raiza mula sa washroom. Nakasimangot ito at medyo namaga talaga ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang dalawang mug ng kape at isinalang sa oven para initin. Nilapitan siya ni Raiden at niyakap. “Iza mahal na mahal kita since I'm 10 until now that I am 26. Sixteen years na kitang minahal.”pag-amin ni Raiden. “Siraulo ka bakit ngayon mo lang inamin?”naiinis na sabi ni Raiza. Syempre para ma-experience mo muna ang magtrabaho bago kita itali. Mas maganda parin yong ma-experience mong matawag na Atty. Raiza Fuentes dahil diyan ka naging lawyer eh. Dalawang taon ang ibinigay ko sayong kalayaan. Kaya ngayon nakahanda na akong palitan ang apilyedo mo.”seryosong sabi ni Raiden. “Raiza Fuentes will you marry me? Will you be Mrs. Raiza Fuentes Marcos for the rest of our life?” nakaluhod na sabi ni Raiden habang itinaas ang mamahaling diamond ring. Si Raiza naman ay parang natuklaw ng ahas sa kanyang pagkabigla. Hindi nakakilos o nakaimik man lang. “Raiza Fuentes will you marry me?”dumadagundong na boses ni Raiden. “Yes, I will marry you!”gulat na sagot naman ni Raiza. Natawa siya sa reaction ni Raiza pero agad niyang isinuot sa daliri nito ang singsing. Mahirap na baka magbago pa ng isip ang babaeng pinakamamahal niya. Ito ang singsing na binili niya sa pinakaunang sahod niya bilang abogado. Tumayo siya at nagpunas ng luha dahil sa wakas naisuot niya kay Raiza ang singsing na matagal na niyang iniingatan. “I love you Iza, so much.”madamdamin niyang saad. Sa unang pagkakataon ginawaran niya matamis na halik ang kanyang fiance sa labi nito. Pagkatapos ay niyakap niya ng mahigpit si Raiza. “Huwag mong i-check ang presyo niyan dahil mura lang bili ko niyan. Binili ko yan sa pinaka-unang sahod na natanggap ko bilang abogado. Sa ilalim ng box nariyan ang resibo para makita mo kung kailan ko binili yan.”pag-amin ni Raiden. Raiza's reaction is priceless knowing that she is one of the most luckiest girl on earth. She is the rarest one, because she's inlove for more than a decade too. Alam ng puso nya, ng buong pagkatao niya kung gaano niya kamahal si Raiden. Binuksan ni Raiza ang box at nakita niya doon ang resibo na 3 years ago pa ito binili ni Raiden. “Nakakainis ka, ang dami kong sakit ng loob. Ang dami kong luha na sinayang empakto ka.”sabi ni Raiza sabay hampas ng bahagya sa dibdib ni Raiden. Natawa nalang ang binata dahil ang cute tingnan ng dalaga habang nagmamaktol. “Halika na taposin na natin ang agahan para makaalis na tayo papuntang baguio.”yaya ni Raiden sa kanyang fiance. Kinuha ni Raiza ang kape na init niya sa loob ng oven. Saka bumalik ng upo sa dining table. Medyo nahihiya siya dahil naninibago siya sa situation nila ni Raiden. Pero masaya ang kanyang puso dahil sa wakas ay natupad na rin ang kanyang pangarap na maging sila ni Raiden. Mas higit pa sa sila dahil fiance na siya ng binata. Ang lalaking mahal na mahal din niya ay magiging kanya na. “Iza mahal mo rin ba ako?”tanong ni Raiden habang kumakagat ng cheese hotdog roll. “Hindi mo kasi binigkas na mahal mo rin ako,”dagdag pa niya. “Lawyer ka di ba? Alam kong magaling ka rin na psychologist nababasa mo ang nasa utak ng kaharap mo. Akala mo siguro hindi ko alam na ikaw ang head ng interrogation sa Makati trial court.”sagot ni Raiza. “Wow updated pala sa buhay ko ang aking future Raiza Marcos. Pero babe iba parin yong galing sa bibig mo mismo ang three magic words.”raiden said. “Yes Mr. Raiden Peralta Marcos I love you. Mahal na Mahal kita na dumating ako sa punto na handa akong maging matandang dalaga kapag hindi ikaw ang aking makakasama.”diretsong sagot ni Raiza. Si Raiden naman ang naging speechless ng marinig ang sinabi ni Raiza. Masaya siya ng malaman na ganun pala siya kamahal ni Raiza. Hinila niya ang upuan ni Raiza at niyakap ulit ito ng mahigpit. Ayaw na niya itong bitiwan pa, never in his life. “Kumain ka muna, lumalamig na yong breakfast eh.”reklamo ni Raiza. Okay lang lumamig ang pagkain basta may mainit mong pagmamahal giliw ko.”sabi ni Raiden. “Sira, letson ka talagang abogado ka,”naiiling na sabi ni Raiza. Tinapos na nila ang pagkain ng agahan. Kinuha ni Raiden ang cellphone sa corner na nag-record ng kanilang conversation matapos lumabas si Raiza sa washroom. Naisipan ni Raiden na i-record ang proposal para makita niya ang reaction ni Raiza ulit. “Anong ginagawa mo? Nag-record ka?”raiza asked. “Oo para may ebedinsya ako na tinanggap mo ang proposal ko. Gusto ko rin na ipakita ito kay bunso, galit na galit yon kay Jamie eh dahil gusto niya na ikaw ang maging ate niya. Palagi akong inaway nun at harap-harapan pang nagdadasal na sana maghiwalay na daw kami.”raiden explained. Hinugasan muna ni Raiza ang kanilang pinagkainan. At ang natirang lasagna at cheese hotdog rolls ay binalot niya sa dalawang Tupperware para baonin. Pwedi nila itong kainin sa daan kapag naabutan sila ng gutom. “Magbihis kana para makaalis na tayo. Huwag kanang magdala ng masyadong gamit may mall naman sa Baguio bibili nalang tayo if ever mananatili tayo ng ilang araw doon. C'mon babe, I will help you.”sabi pa ni Raiden. Niyapos niya ito sa baywang at iginiya paakyat sa silid nito sa itaas. Dahil hindi sanay si Raiza nagulat pa siya sa paghawak ni Raiden. Tinawanan lang siya ng binata sabay halik sa pisngi ni Raiza. Pagdating sa silid kinuha ni Raiza ang kanyang medium size luggage. Kumuha siya ng tatlong pares ng jeans at blouse. Tatlong dress at mga sweater dahil baka hindi niya kayanin ang lamig sa Baguio. Naka pack pa naman ang underwear at bra ni Raiza kaya hindi na kailangan hanapin pa. Si Raiden naman nakahiga sa kama ng dalaga habang tinitingnan ang lumang photo album ni Raiza. Naroon ang mga larawan nila noong maliliit pa sila. Nakakatuwa lang dahil itinago pala ito ni Raiza. “You still have this photos babe? Ang galing mo naman mag-keep at talagang inaalagaan mo.”puri ni Raiden sa kanya. Irap lang ang naging sagot ng dalaga. Hindi nagtagal natapos na rin si Raiza sa kanyang paglagay ng lite kolorete sa kanyang sarili. Bumaba na sila at si Raiden na ang nagbitbit ng luggage ni Raiza. Nag double check muna si Raiza ng mga saksakan at switch bago umalis ng bahay. Kinuha naman ni Raiden ang kanyang sasakyan. Matapos maisara ni Raiza ang kanilang pinto at gate. Inalalayan naman ni Raiden si Raiza papasok sa sasakyan. Masaya nilang ginugol ang buong durasyon ng kanilang byahe. Nagkukwentohan sa kanilang mga nakaraan habang nag-aaral pa. Nagtatawanan sa mga karanasan. Naging comfortable sa isa't isa hanggang sa makarating sa Baguio kinahaponan. Actually takip silim na silang makarating sa La Presa Hotel. Napagplanuhan ng dalawa na kay Yette nila unang ibabalita ang kanilang ugnayan ngayon. Tumawag ang kanyang mommy para alamin kung nasaan na ang binata. Natawa pa ito ng makitang kasama pala ng anak si Raiza. Syempre mother instinct, alam na niyang naging successful ang kanyang panganay.... “Yon lang kaya narito na ako sa Baguio. And I'm engaged with your kuya Raiden,”sabi ni Raiza kina Lucy at Yette. Sabay taas ng kanyang kamay para makita ng dalawa ang singsing. Sa gulat parang natuklaw ng ahas ang dalawang babae. Nakita nila ang video proposal ng kuya Raiden nila kaya confirm na totoo ang lahat. Hindi napigilan ni Yette ang kanyang mga luha dahil sa wakas natupad ang kanyang hiling na si Raiza ang magiging ate. “Wait, nasaan ang kuya ko?"tanong ni Yette. Sakto naman na nagtawag ng haponan ang lahat kaya sabay na silang bumaba. Nang makita ni Yette ang kanyang kuya sa restaurant ng hotel parang paslit na agad niya itong tinakbo. Agad na lumambitin sa leeg ng kapatid. Natawa nalang si Raiden sa reaction ng kapatid dahil parang Ito pa ang naka-jackpot. “Hoy Yette Marcos nakakahiya kang eabab ka para kang ikalal kung umasta.”sita ni Elias sa kapatid. “Thank you so much kuya, I love you!”yette said sabay halik sa pisngi ng kuya Raiden nya saka bumaba. “Masamang pangitain yan bunso mukhang mangungutong kana naman,”sita na naman ni Elias. “Bakit ba ang ingay mong baklotay ka? Pwedi ba si Lucy ang pagtuunan mo ng pansin.”naghiyawan ang lahat. “Ladies and gentlemen I have an announcement. My kuya Raiden is engaged to Atty. Raiza Fuentes. Ate Raiza come here.”tawag ni Yette kay Raiza na namumula na sa hiya. “Mama Nina, papa Romel sabi ko sa inyo eh malakas ako kay God. And I want to thank you daddy ang mommy dahil kayo pala ang nasa likod ng lahat.”sabi ni Yette. “Atty. Marcos hindi kana pwedi lumihis ng direksyon dahil may Amazona palang kaalyansa ang magiging asawa mo.” sigaw ni Jeremy. Nagsitawanan naman ang lahat at masayang pinagsasaluhan ang kanilang haponan bago sinimulan ang stag party......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD