KABANATA 8
Pasulyap-sulyap ako sa kaibigan ni Raine na sinamahan ako sa cubicle para makapagpalit ng bago at malinis na uniporme na narinig ko’y si Raine ang humingi para sa akin. Hyacinth’s staring at me with one brow up and is weirded by my actions. Bakit kasi kailangan pa niya akong tulungan na linisan ang katawan ko? Sa ganito ay makikita niya mismo ang pinakatago-tago ko at natatakot ako. Alam kong napatunayan na nila na maaari silang maging kaibigan sa akin, pero ayaw ko pang ibigay ang isang-daan kong tiwala. Kung kay Raine lamang…
Napailing ako sa naisip ko.
“Ano? Magtititigan na lamang ba tayo rito? We still have classes to attend, weirdo,” aniya sa mahinahon na boses.
Alam kong pinipigilan niya lamang ang inis niya. Alam ko rin na naghihintay sila Raine sa labas hanggang sa matapos kami. My eyes are still swollen from all the crying. Raine even had to carry me here earlier habang tinatago ko ang mukha ko sa mga nakakikita. I can hear faint whispers from them, ngunit mas siniksik ko na lamang ang sarili ko kay Raine. He held me so gently na gusto ko na lamang matulog kanina sa mga bisig niya. Kung puwede lang.
“U-Uh…” Nanuyo ang lalamunan ko habang pilit na sinasalubong ang mga tingin ni Hyacinth. “K-Kung anuman ang makita mo… huwag mo sanang ipagsabi kahit kanino.”
Nakita kong magtaka ang mukha ni Hyacinth. She must be thinking something outrageous based on the horror reflected on her eyes. Kung anuman iyong umiikot ngayon sa utak niya ay ayoko nang itanong.
“H-Huwag mong sabihin na dahilan ng pagsuot ng mahahabang damit ay iyang tinatago mo?” she asked and I nodded in response. “A-Aswang ka ba?”
Halos pumiyok ang boses niya at nakita ko na siyang umatras. Napanganga ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung bakit umabot siya sa ganoong pag-iisip. Heto at akala ko’y siya ang pinakamatino sa kanilang magkaibigan, ngunit tama nga siguro ang kasabihan na, ‘Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are.’
“Bakit mo naman naisip iyon? Hindi iyon. Walang gan’on,” ani ko, medyo natatawa.
Sa hindi malaman na dahilan ay bigla akong kumalma. Tipid akong napangiti kay Hyacinth at mukhang naniwala naman siya sa akin. Nakita ko siyang bumuntong-hininga at hinintay na maghubad ako. Ayos lang kaya?
“Huwag kang matakot, hindi ako iyong tipo na nagsasabi ng mga sekreto,” Hyacinth assured me and her sincere smile made be believe her words.
With a trembling hand, I gently raised the hem of my uniform exposing my real self to other human. Wala akong narinig mula kay Hyacinth kung kaya ay napayuko ako. I hugged myself, hinahanda ang sarili ko sa mapanghusga niyang tingin. Natatakot ako.
“I am… disgusting, right?” ani ko sa mababang boses.
I looked at her and tried to give her a smile. Nakita kong bagkus bahagyang natigilan ay napalitan naman iyon ng kaseryosohan. I didn’t saw anything from her eyes or her expression. Walang disgusto, walang panghuhusga.
Marahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ko at hindi ko napaghandaan ang pagbuka ng mga braso niya at kinulong ako sa kaniyang mga bisig. Natulala ako sa kawalan dala ng gulat. I never expected this reaction from her. Buong buhay ko, akala ko ay pandidirihan ng kahit sino itong katawan ko dahil maging ako sa sarili ko ay ganoon. Everytime I see this scarred body in front of the mirror, I feel so disgusted. I want to curse myself.
“I won’t force you to tell me how it did happen to you, but I want you to know that it’s okay. You’ll be fine. Huwag kang matakot dahil ligtas sa akin ang sekreto mo, Shan. Those scars… it didn’t make you less of a human. Hindi batayan iyan kung pangit o maganda ang isang tao.” My eyes started to swell as her kind voice linger on my ears. “Now, I understand you a little more.”
For the second time, I cried on the arms of another human. Gustong-gusto kong magapasalamat sa kalangitan kung ano ang meron sa araw na ito ngayon at nangyayari sa akin ito. I’ve waited all these time for someone to hear my silent cries. To notice my unnoticeable screams of help. Ang pagod kong katawan ay biglang nais na lamang magpahinga at makulong sa init ng mga yakap nila.
Could I really… trust these people?
Lumabas kami ni Hyacinth sampung minuto matapos akong makapagbihis. Pinahilamos niya rin ako para hindi mapansin masyado ang sunod-sunod kong pag-iyak. Ayaw ko ring may mahalata ang mga naghihintay sa labas lalo na si Raine.
“Finally! Ang tagal niyo naman? Tumae ka pa ba?” iyong si Mark, kilala ko na rin sila sa kanilang mga pangalan.
Binatukan siya ng matalino sa kanila na si Franciz. Lumapit naman si Raine sa akin at bahagya akong nailang sapagkat inenspeksiyon niya ako, tinitignan kung may hindi pa ba maayos sa akin. He patted my head at gave me a warm smile.
“Ayos ka na ba?” tanong niya.
Bahagya akong natulala sa mukha niya bago nakasagot. Tumango ako.
“Oo. Salamat nga pala. Sa uniporme at… sa tulong.”
He grinned and gently pinched my cheeks. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nakita ni Raine sa akin at gusto niya akong kaibiganin sa umpisa pa lang. Pasalamat na lamang ako at mukhang maayos naman lahat ng kaibigan niya. Lalo na si Hyacinth. Dahil pareho kaming babae, pakiramdam ko ay mas magkakasundo kami. Isa pa… medyo magaan na ang loob ko sa kaniya.
“Ano ka ba? That’s what friends are for, Shan!” Raine beamed as his friends booed him and accused him of being corny.
Lihim akong napangiti. Ang ganda ng pagkakaibigan nila.
“Bakit suot mo pa rin iyang jacket mo? At bakit ba mahilig ka sa mahabang skirt?” si Franciz iyon.
Napalunok ako. Sasabihin ko rin ba sa kanila? Napatingin ako kay Raine na mukhang gusto ring malaman ang dahilan ko. Sasabihin ko na ba?
I was about to open my mouth para sagutin si Franciz nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Hyacinth.
“May allergy kasi siya sa araw, nagkaka-rashes siya kapag maarawan. Sinabi niya sa akin kanina, ‘di ba?” aniya sa akin habang nakangiti, ramdam ko ang marahang pagpisil niya sa balikat ko.
She just saved me.
“Talaga? Naku, mabuti na lang pala at hindi maikling skirt ang hiningi ko kanina sa registrar,” si Raine na napakamot sa kaniyang batok.
I felt bad for lying, pero hindi pa talaga ako handa. Mabuti na lamang at mukhang naiintindihan ako ni Hyacinth. Nagpapasalamat talaga ako sa kaniya.
“Salamat, Hya,” bulong ko sa kaniya.
She kindly smiled at me.
“Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? If you’re not ready to tell us anything yet, I won’t force you. I’ll keep your secret for now. I’ll help you explain to them in the future. Huwag kang mag-alala, maiintindihan ka nila. Lalo na si Raine.” She patted my back as she run to where they are.
Sana nga. Sana nga maintindihan nila ako pagdating ng panahon na handa na akong ibahagi sa kanila ang maitim na bahagi ng buhay ko. Kapag dumating ang araw na iyon sana ay ituring pa rin nila akong kaibigan. Sana hindi nila ako kamuhian. I hope they won’t betray me. For now, I’m thankful I now have people I can call friends at ganoon din sila sa akin.