KABANATA 9
My days was never been this happier thanks to these people who’s kind enough to step on my world. Especially to the one who extended his hand and got me out of the dark.
Napatingin ako sa kalangitan at nakita ang kapayapaan doon. Kailan nga ba ang huling pagkakataon na naging napakaganda ng kalangitan sa aking mga mata? Datirati, ang kalangitan sa akin ay parang tahanan na gustong-gusto ko nang uwian. Ngayon, ayaw ko muna. Nagkaroon ako ng dahilan para manatili rito. Somehow, I am thinking that it’s not that bad to be alive. Maybe I’ll try and hang in here for a bit.
“Hoy, Shan! Dito!” I heard Raine’s voice shouting from afar.
Nakita ko siyang nakangisi at kumakaway mula sa gate. The rays of sun complimented his warm smile perfectly. Napatakbo ako papunta sa harap niya. I just stared at him sabay tingin sa likod niya. Wala sila Hyacinth.
“Good morning, Shan!” halos isigaw niya iyon sa mukha ko.
“G-Good morning,” naiilang kong tugon.
He frowned. Sumunggab ang mga kilay niya at nagtaka ako kung may mali ba akong nagawa. Tumaas ang dalawa niyang kamay at pumisil sa magkabila kong pisngi. Hinila niya iyon, tama lang para magmukha akong nakangiti.
“A-Anong ginagawa mo?” I asked in a muffled voice.
“Dapat kapag bumabati ka, samahan mo ng ngiti. If you really meant to give someone a good morning, smile to them, Shan,” pangaral niya. “Batiin mo ako ulit, pero nakangiti.”
Pinakawalan niya ang pisngi ko at hindi ko alam kung paano gagawin ang inutos niya. Matagal ko nang nakalimutan kung paano ngumiti ng totoo. I can give a small smile, but real smile? When was the last time I did that? Did I ever do that? Matagal nang nawala ang ngiti ko. It feels like I am forbidden to smile lalo na kung makita ng mga mata ni tatay. Nakatatak sa utak ko na kapag masaya ako, masasaktan lang ako.
But it is Raine in front of me.
“G-Good…” Napalunok ako at mahigpit na napahawak sa laylayan ng uniporme ko. “G-Good morning!” sigaw ko habang nakangiti.
I heard him chuckled. He looks amused and I even saw a faint flush on his cheeks. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko sa hindi ko alam na dahilan. Pakiramdam ko ay kumikinang ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
“Smiling suits you, you should wear it more often, Shan.” He patted my head. “It’s beautiful.”
Bahagyang humangin sa paligid at tila nabingi ako sa sinabi niya. Kahit hanggang sa makita niya sila Hyacinth na paparating mula sa likuran ko ay hindi pa rin ako nakabawi. Napahawak ako sa ulo ko kung saan tila ba ay pakiramdam ko naroon pa rin ang init ng kamay niya. I can’t get that warmth out of my system and it lingers around my heart.
Mabilis kong kinuha ang notebook ko sa aking bag hindi alintana ang ingay sa loob ng aming classroom. I need to let it out. Hindi paawat ang kamay ko sa kasusulat. Hindi ko alam kung bakit… inspiration kept coming to me. Hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na iyon sa puso ko. Tila may libo-libong paru-paro na lumilipad sa loob ng tiyan ko.
“Looks like she succeeded on befriending Raine and his friends, huh?” Natigil ang kamay ko sa pagsulat nang marinig iyon.
“Oo nga, eh. Hinatid pa siya rito kanina. Nakaiinis! She’s a weirdo. Why is Raine sticking with her?”
“Narinig mo ba? Pinahiya raw ni Raine si Sam dahil sa weirdo na ‘yan! I can’t really believe it.”
Huwag mo na lang silang pansinin, Shan. It’s okay. They told you it’s okay. Sila lang ang hindi makatanggap na may mga taong kahit anuman ang katayuan mo ay tanggap ka. They don’t matter, what matters are those people who want to walk with you no matter whom or what you are.
I remembered what Raine said at hindi ko napigilang ngumiti ng lihim.
It suits you.
“Iyan lang ang baon mo?”
Napasara ako ng lunchbox nang sumilip si Mark sa baunan ko. Nahiya ako bigla sa kanila. Nandito kami ngayon sa lilim ng malaking puno na makikita sa field ng paaralan. Sinundo nila ako kanina for lunch at kagaya ng nakasanayan, halos lumuwa ang mga mata at mabali ang mga leeg nila katitingin sa akin habang kasama sila Raine.
“We can share lunch, Shan. Here,” si Raine sabay kuha sa baunan ko.
“T-Teka!”
Nakahihiya dahil pritong tilapia lamang ang baon ko samantalang sa kanila puro karne. May sinigang at may adobo. Kay Hyacinth ay piniritong manok pa nga na talagang nakatatakam sana.
“It’s been so long since I’ve tasted fried tilapia. I’ll have one,” si Franciz at napanganga ako nang kumuha siya ng isa sa dalawang baon ko.
“Gusto ko rin!” si Mark, pero pinalo ni Raine ang kamay niya at siya ang kumuha noon. “Hoy, Raine! Huwag kang madamot!”
Napanganga ako. Wala na akong ulam!
“Oh.”
Halos maduling ako nang lumitaw sa harap ng mukha ko ang isang piniritong chicken legs. Tumingin ako kay Hyacinth na noo’y lumalapa ng ulam niyang manok.
“Wala ka nang ulam kaya kuha ka na rin sa amin,” Raine said smiling at me.
Gusto kong maiyak. Is this really happening to me? I’ve been eating alone at the back of the school every lunch. Lagi kong sinisiksik sa utak ko na ayos lang, but the truth is I am really lonely. I hoped and hoped that someday, makakain din ako nang may kasama, nang may katawanan. I am really thankful.
“Oh, bakit ka umiiyak? Ganoon ba kasarap ang ulam?” Hyacinth asked.
Umiling ako sabay ngiti sa kanila habang kinakain ang masasarap nilang baon. Bukod sa kasiyahan dahil noon lang muli ako nakatikim ng disenteng pagkain, masaya rin ako dahil kasama ko sila. I hope it won’t end.
I hope…
“T-Tatay? Saan po kayo pupunta?” taka kong tanong pagkauwi nang makita si Tatay na papalabas at may dalang backpack.
“Malilipat pansamantala ang trabaho namin sa syudad ng isang linggo. Nag-iwan na ako roon ng pera pangkain mo habang wala ako,” pagalit niyang paliwanag.
Halos lumundag ako sa tuwa sa narinig. Wala siya ng isang linggo! Pinilit kong hindi ipakita sa mukha ko ang tuwa na iyon.
“M-Mag-iingat ka po…”
He just glared at me before turning his back at me. Tumakbo ako papasok sa bahay at sumandal sa pinto habang hawak ang dibdib kong malakas ang kabog. May ngiti na nakaplaster sa mga labi ko. Pakiramdam ko ay isa akong kriminal na nakalaya sa selda.
Isang linggo! Malaya ako ng isang linggo!