KABANATA 10 Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pakiramdam ko ay iyon ang pinakanormal na umaga sa tanang buhay ko. Tinignan ko ang hubad kong katawan sa salamin at pinadaanan ang mga sugat doon ng aking mga kamay. Mga sugat na tanda ng kalupitan ng aking buhay. Noon, wala lamang sa akin kung dumami man iyon. Sa katunayan nga ay habang tumatagal natutuwa na ako sa mga sugat na iyon na kapag sinasaktan ako ni tatay ay dinaragdagan ko hanggang sa kumalma at makuntento ako. Ngayon, gusto ko na iyong maghilom. Pagkatapos kong maligo ay tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Kapag umaalis ako noon sa bahay ay wala akong pakialam sa mukha kong ito. Kahit hindi ko alam kung nakasuklay na ba ako o hindi ay umaalis na ako sa bahay. My face is so gloomy that’s why it is understandable that they’ll

