KABANATA 11 Habol ko ang aking hininga at hinang naupo sa isa sa mga bleacher doon. Tapos na ang laro naming mga babae. Kasama ako sa group B ng section namin at natapat na ang Group A sa section nila Raine ang katapat namin. Nandoon si Hyacinth na talaga namang sobrang galing sa volleyball. Siya ang nagpanalo sa kanila at bagama’t talo kami’y sobra naman akong natutuwa para sa kanila. Katuwa at hindi na ako natatamaan ng bola o nakikita ko na ng maiigi ang mga bolang sadyang pinapatama sa akin. Tama nga si Hyacinth, mainam na paminsan ay tinatali ko itong buhok ko. Napakaaliwalas na ng paligid ko, kaso hindi pa ako masyadong kumportable na hindi matago ang mukha ko. At the first place, iyon naman ang dahilan kung bakit hinahayaan kong nakalugay ang buhok ko. “Uy.” Nagitla ako at bahag

