KABANATA 4

1237 Words
KABANATA 4 My eyes fluttered open hearing distant voices from somewhere. Pamilyar ang mga iyon at tila sila ay pabulong na nagsasagutan. Nanlabo ang paningin ko dala ng pagkagising. Nang maka-adjust, kaagad kong nilibot ang aking paningin. Nasa school clinic yata ako. Pakiramdam ko ay dinaganan ng bloke-blokeng mga semento ang aking katawan sa sobrang bigat. “Bakit ba kasi tinulungan mo pa? Nabubuang ka na ba, Raine?” boses ng isang lalaki na alam kong isa sa mga kaibigan ni Raine. “Magsitigil na kayo, gising na siya.” Dahan-dahan akong naupo sa kinahihigaan ko. I hissed when I felt I’m in pain all over. Napahawak ako sa tiyan ko nang malakas iyong tumunog. Sobrang gutom na ako at nakararamdam pa rin ako ng kaunting hilo. “Gutom na ako…” bulong ko sa sarili. “Binilhan ka namin ng pagkain.” Napatili ako at bahagyang napaatras sa kinauupuan nang bumulaga ang nakangiting mukha ni Raine sa harap ko. Ang isang kamay niya ay winawagayway ang dalawang footlong na talaga namang nagpalunok sa akin. Mukhang ang sarap. Gutom na ako. Inabot niya iyon sa akin. I blinked at him. “Para sa akin ‘yan?” tanong ko. I heard one of his friend snorted na tila ba natatangahan siya sa tanong ko. Nahihiya akong yumuko. Ofcourse para sa iyo, Shan. Binigay nga sa iyo, ‘di ba? Tanga ka nga talaga. “Got bullied again, kid?” tanong ng nag-iisa nilang babaeng kaibigan na ngumunguya ng bubblegum. Puro itim lamang yata ang damit ng babaeng ‘to. As far as I heard, she can easily blend with the boys. She’s cool at parang siya ang tipo ng babae na hindi babae lang. She got a strong demeanour. As far as I remember, her name is Hyacinth. “The usual,” I mumbled as I started munching the footlong. “Bullied?” si Raine. “Binu-bully ka?” Tumingin ako sa kaniya na tila tinubuan siya ng dalawang ulo. Sa estado ko kanina hindi pa ba halata? At saka hindi niya ba ako kilala? I mean, ako ang most bullied na estudyante sa paaralan na ito. Huwag niyang sabihin na ngayong graduating na kami ay hindi niya pa rin alam iyon? Kunsabagay, sino ba naman ako para mapansin ng mga tipo niya. Ang mga kilala lamang niya ay iyong mag palaging nasa paligid niya and I’m not one of them. Well, who am I to exist on this guy’s sight anyway. He’s too crowded by people on his league that someone ordinary like me is out of his picture. Nakita kong napailing ang mga kaibigan niya. “Alam naming hindi ka matalino, pero sa paligid mo rin pala ay wala kang alam. How can you know all the faces at school, but not knowing a person na isa sa mga kilala rito? Kaya pala hindi mo alam pangalan niya noong hinahanap mo.” Tumingin sa akin ang kaibigan niyang tila napakaraming kakengkoyan sa katawan. “Pero kunsabagay, hindi naman ang mga kagaya ni weirdo ang nakapaligid at umaaligid sa iyo palagi.” I scowled. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Sila siguro ang nagdala sa akin dito. Nakahihiya naman, hindi pa ako nakapagpasalamat. Pero kailangan pa nga ba? Hindi ko naman sinabi na iligtas nila ako. But well, they still got their way to save me. “S-Salamat nga pala sa pagdala sa akin dito,” I muttered. “Tss. Si Raine lang naman ang nagpumilit. Kung kaming tatlo lamang nakakita sa iyo baka daanan ka lang namin,” sabi ng mukhang matalino. “Shut up, Franciz,” Raine hissed. “Araw-araw ka ba nilang ginaganiyan? Bakit mo sila tinitiis? Bakit hindi ka magsumbong sa mga magulang mo?” Napatigil ako sa pagkain. Natahimik silang lahat. Alam ba niya ang pinagsasabi niya? Kung may masusumbungan lamang ako, noon ko pa ginawa. Si tatay? Bubugbugin lamang ako no’n at sasabihin na nababagay lamang sa akin iyon kaysa ipagtanggol ako. Tsaka kapag magsumbong ako sa mga guro, mas pag-iinitan lang ako. Kung option nga ang magsumbong at walang masamang dulot iyon sa akin pabalik, sa una pa lang nagawa ko na sana. “Ayos lang, sanay na ako.” “Sanay?” Napatingin kaming lahat kay Raine. Napakaseryoso niya na maging mga kaibigan niya ay nagulat nang makita iyon. He’s always smiling, loud, friendly looking, and a ball of sunshine. I saw that a lot of times kapag nakakasalubong o nadadaanan ko siya ng mga mata noon. Seeing this kind of expression from the famous Raine Ismael, it’s kind of… refreshing. “Don’t let other people take you for granted or take advantage on you all the time. Huwag kang masanay. Ikaw ang kumukuntrol ng buhay mo, hindi sila. Wala sa mga kamay nila ang kasiyahan mo. Don’t let them be satisfied for having that benefit,” mahaba at seryoso niyang saad bago siya ngumiti ng palakaibigan sa akin. Natulala ako sa mukha niya. Muntik na akong maiyak. I felt so warm, that was the first time someone gave me encouraging words. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, noon ko lang naramdaman ang pakiramdam na may kumampi sa iyo. Ah, this is not good. Ayaw kong kumapit sa kabaitan niya. Wala na rin akong pinagkaiba sa mga babaeng kagaya nila Sam pagkatapos. But he’s really kind. I’ll give him that. “Wow…” iyong kaibigan niyang may palabiro na mukha. “First time ‘yun, ah? Saan mo nahugot ang ganoong advice, Raine?” Raine’s smile disappeared. “Hindi ako matalino, pero may puso naman ako, Mark.” “Right, Mr. Goody-two-shoes.” Napayuko ako, natulala sa mga palad ko. Tama siya, ngunit hindi ako malakas. I am a coward. I only know pain all my life. Nasanay na akong sinasaktan. Nasanay na ang katawan ko sa sakit. I also resort to pain to satisfy myself. Kung nakikita kong nagdurugo ako ay kumakalma ako. My mind’s a mess; it’s not right on track. Iyon ang hindi nila maintindihan. “You need to change, too, kid. Kaya hindi ka tinatantanan ng mga bully rito ay kasi hindi ka lumalaban. Tsaka bakit kasi ang weirdo mo? Tignan mo ang sarili mo sa salamin. Umpisahan mo ring mag-ayos,” si Hyacinth. No. No. Kapag mangyari iyon, makikita nila ang tunay na ako. Of how dirty and disgusting I look like. Makikita nila ang mga pasa at mga sugat na aking pinakatago-tago. If they do, mas lalo lamang nila akong kukutyahin. Sasabihin na baliw ako. Kapag nangyari iyon, ikamamatay ko na talaga siguro. Thinking and fearing of those gazes na para bang ako na ang pinakanakadidiri na nilalang sa mundo. They’ll know how my life sucks and I can already hear their frantic laughs. Natatakot kaagad ako sa kaisipang tila pinapalibutan ako ng mga mata. Natatakot akong umiling, napayakap sa sarili ang nanginginig kong mga braso. “N-No…” Raine clapped his hands making me jolt. Taas kilay na tumingin ang mga kaibigan niya sa kaniya na tila ba alam na nila ang sasabihin niya. “Okay, I’ve decided. Sa ayaw at sa gusto mo, kaibigan ka na namin. You’ll be under my protection, Shan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD