KABANATA 5

1093 Words
KABANATA 5 Para akong tanga na naglalakad habang hindi mapawi-pawi ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko alam kung bakit sobra kong saya, ngunit ang sinabi na iyon ni Raine kanina ay hindi ko maalis-alis sa aking isipan. Is he serious? Is he not? Hindi ko alam. But this is the first time someone cared for me to the point of protecting me. Ganoon lamang talaga siguro si Raine. He’s really kind. Tumigil ako sa paglalakad at umiling-iling. Pinilit kong alisin ang ngiti sa mga labi ko. Hindi dapat makita ni tatay na masaya ako. Ayaw niya akong masaya. Ayaw niya iyon. Ngayong malapit na ako sa bahay, naroon na naman ang kaba. Kanina ang saya-saya ko, ngunit tila bigla akong bumalik sa realidad. Sana wala pa si tatay. Sana nauna ako sa kaniya. Kapag makita niya ako, sasaktan na naman niya ako kahit walang rason. Ganoon kagalit si tatay sa pagkatao ko. Para bang sinusumpa niya ako, sinisisi sa isang bagay na hindi ko alam. Kailan kaya darating ang araw na uuwi ako sa bahay na hindi kinakabahan? Malalim akong bumuntong-hininga nang nasa tapat na ako ng pinto namin. I can feel my hands trembling, tila ayaw kong pumasok. Mas nakatatakot pa sa kahit anong haunted house itong bahay namin. Kung may mapupuntahan at matatakbuhan lamang ako, matagal na akong umalis dito. Image of Raine flashed on my mind at mapait akong napangiti. I called his name several times on my mind na naging dahilan ng pagkawala ng nginig sa mga kamay ko. I calmed down and it surprised me a bit. I clutched my chest as I readied myself to enter. It’s okay, Shan. It’s the usual, right? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aming bahay. Hindi ako humihinga. Nang marinig ko ang katahimikan sa loob at nakitang walang bakas ni tatay ay roon ko lang naibuga ang aking hininga. Walang ingay akong pumasok at kinalma muli ang sarili ko. Wala pa siya! Dagli akong nagtungo sa kwarto habang may kaunting ngiti sa aking mga labi. Akala ko makaliligtas na ako ngayong araw, ngunit pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nang bumukas ang pinto sa kwarto ni tatay at iniluwa siya noon. “Bakit ngayon ka lang?” tanong niya sabay sindi ng kaniyang sigarilyo. My eyes sunked at alam kong hindi na naman matatapos ang araw na ito na hindi ako nabubugbog. Napayuko ako sa sahig, nanginginig maging ang paningin ko. Ilang beses akong lumunok. Kahit matagal na niya itong ginagawa ay palagi pa rin talaga akong kinakabahan. “A-Ako po kasi ang cleaners ngayon, Tatay,” pagpapaliwanag ko kung bakit nahuli ako ng uwi ng sampung minuto kaysa sa normal na uwi ko. Ilang beses akong nagdasal sa utak ko na sana palagpasin niya naman ako ngayon. Kahit ngayon lang. Ramdam ko ang bigat sa katawan ko dala ng gawa nila Sam sa akin kanina. Hindi lang ang katawan ko, pagod na rin maging ang utak ko. Kahit ngayon lang… “Alam mo naman na gusto ko pag-uwi ay nakahain na ang kakainin ko, hindi ba?” I shuddered on how dangerous his voice is. Napaatras ako nang makita na may hawak nang sinturon si tatay. Kaagad akong naiyak at umiling-iling sa kaniya. Nanginginig na ang buo kong katawan. Hindi na ako makatatakas. Heto na ang normal na araw ng buhay ko. “T-Tatay pasensiya na p-po. H-Huwag po,” pagmamakaawa ko. “Subukan mo pang umatras at talagang mapupuruhan ka,” banta niya. Hindi na ako kumilos. Hinintay ko na lamang siyang makalapit sa akin. Lahat ba ng ama ay ganito sa kanilang mga anak? O sa akin lang? Napakamalas ko naman. Hinatak niya ang buhok ko. Kahit nakabibingi na ang daing at iyak ko’y patuloy niya lamang akong kinaladkad patungo sa aking kwarto. Ilang hataw, tadyak, sampal, at sapak ang nakuha ko. “R-Raine…” Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng paghingalo ko ay nabanggit ko ang pangalan na iyon. Nagising na lamang ako sa kalagitnaan ng gabi. Mukhang nahimatay na naman ako pagkatapos na pagbuhatan ng kamay ni tatay. Napangiwi ako nang pagbangon ko ay nakakita pa ako ng mga tuyong dugo sa sahig. Wala akong naramdaman na iba. Normal na lamang iyan. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng gutom. Sigurado akong tulog na siya, sana may tira pa sa lamesa. Bumangon ako at nagtungo sa kusina. Nang makakita ng tinapay roon ay kaagad ko iyong nilantakan. Wala na akong pakialam kung malasahan ko pa ang dugo sa aking labi. Dugo ko naman iyon. Nang makuntento sa kinain, naisipan kong linisan muna ang sarili bago mahiga. Pumasok ako sa banyo namin at nakita ang kalagayan ko roon mula sa salamin. Nangingitim na naman ang isa kong mata dala ng sapak ni tatay. Maging sa gilid ng aking labi ay may pasa. Naghubad ako at doon makikita ang mga tama ng sinturon. Sariwa at nagdurugo pa. Napakarumi ko. Napakarumi ko. Tinakpan ko ang aking bibig ng nanginginig kong kamay at impit na sumigaw. Napasabunot ako sa aking buhok at mabilis na kumabog ang aking puso ako. Bumilis ang aking paghinga. Nabibingi ako. Naroon na naman ang mga boses na iyon sa aking utak. Namataan ko ang isang gunting sa banyo at dagli ko iyong kinuha. Humahangos na pinakatitigan ko iyon at sa nanginginig na kamay ay inangat ko para idikit sa kabila kong braso. Ginagawa ko lamang ito para kumalma. Saktan mo ang sarili mo. Kaagad kong hiniwa ang dulo ng gunting sa aking balat. Kaagad na lumabas doon ang maraming dugo. Hindi ko alam kung bakit ang makita ang hiwa roon ay nakapagbigay ng tuwa sa akin. Masokista? Ganoon ba ang tawag doon? Hindi ko alam. Ang alam ko lamang ay nakapagbibigay kaginhawaan ito sa akin kapag malungkot ako o galit. Ganiyan nga, Shan. Nakaramdam ako ng kaunting sakit but despite that, I also felt satisfied. Napasalampak ako sa sahig at natulala sa kawalan. Hinayaan ko ang mainit at sarili kong dugo na kumalat sa sahig. I calmed down enough. Nasa normal na rin ang t***k ng puso ko at nawala na ang mga boses na iyon sa aking utak. Bumalik na rin ako sa saktong paghinga. I let out a small laugh. If only they knew how miserable I am. If only those bully knew. If only Raine knew. Naisip ko na napakasuwerte niya at tila ba wala siyang problema sa buhay. Nakaiinis. How does it feel dying? Hindi ko alam… but I want to know it soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD