KABANATA 6

1174 Words
KABANATA 6 Hindi ko na namalayan na sa banyo na pala ako nakatulog. Mabilis akong napabangon at nakahinga nang maluwag nang makita kong medyo madilim pa sa labas. Tumigil na rin sa pagdurugo ang braso ko kung kaya mabilis kong nilinisan ang dugo roon at sunod ay ang katawan ko. Pagkabihis ay agad rin akong nahiga para makatulog. Kung pwede lang, gusto ko na lamang tumira sa aking panaginip. Mabuti pa roon, tahimik at payapa. Kinabukasan, maaga pa lamang ay umalis na si tatay para sa kaniyang trabaho. Humarap ako sa salamin at napabuntong-hininga. Kailangang takpan ko na naman ang mga pasa na ito para hindi makita sa paaralan. Kinuha ko ang cream na binili ko pa para sa rason na iyon at mabilis na nilagyan ang mga pasa ko. Nangingitim na ang mga iyon at namamaga. Aabot na naman ng halos dalawang linggo bago ito mawala. Kagaya ng nakasanayan ay halos takpan ng mahaba kong buhok ang aking mukha. Nakayuko habang naglalakad, hindi alintana ang bulong-bulungan sa paligid. “Shan!” Kaagad na napaangat ang ulo ko sa tumawag na iyon. He’s there in the gate, waving while smiling wide at me. Nalukot ang mukha ko. Tila kumikislap ang paligid niya. Napakaliwanag, uri ng taong hindi nababagay na maging kaibigan ko. Napakalayo ng mundo namin. Napatingin ako sa paligid at halatang nagtataka at nagulat sila kung bakit tinatawag ako ng paborito ng lahat. Huwag niyo akong tignan ng ganiyan, siya ang itong gustong-gusto na kaibiganin ako. I sighed at nilagpasan si Raine na noo’y napasinghap. “Aw, Shan! Okay na tayo kahapon, ah? Bakit hindi mo na naman ako pinapansin?” he said pouting while running backwards para makaharap ako. Tumigil ako sa paglalakad at tinaas ang isa kong kamay pinaparating na tumigil siya. Tumigil din siya sa kaniyang pagtakbo at nagtataka na tinignan ako. Naglakad siya ng ilang hakbang at tumigil mismo sa harap ko, waiting to what I have to say. “Ayaw kitang maging kaibigan. Hindi pwede,” seryoso kong sabi sa kaniya. Sumunggab ang mga kilay niya, tila hindi matanggap ang sinabi ko. Luminga siya sa paligid kung kaya ay bigla akong kinabahan. He might be thinking of something stupid again at mukhang hindi nga ako nagkamali sa hinala ako. He suddenly grabbed me at inakbayan. I was too shocked to even utter a word. Nagulat at natigil din sa paglalakad ang mga estudyante sa paligid. “Nakita niyo ‘to?” aniya sabay ngisi habang mas inilalapit ako sa katawan niya. “Kaibigan ko ‘to kaya kung sino man ang tumangka na saktan siya o bully-hin, kaiinisan ko rin. Naiintindihan niyo ba?” Kinakabahan na napatingin ako sa paligid. Halo ang kaba at hiya sa akin. Gusto ko na lamang na ibaon ang sarili ko sa ilalim ng lupa at magtago roon. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? “Raine, why are you making friends with the weirdo? Hindi nababagay ang kagaya mo na kaibiganin iyan.” Nakita kong si Sam ang nagsalita na iyon. Naramdaman kong bumaling si Raine sa kaniya kung kaya ay wala sa sarili na tiningala ko rin siya. I shuddered on how dangerous he’s looking at Sam’s way. Hindi lamang yata ako, mukhang nakita rin iyon ng paligid kung kaya sila ay natahimik. “And who are you to tell me who I need and who I don’t need to be friends with? Ang ayaw ko sa lahat ay ang mga taong mapanghusga, mga kagaya mo ang ayaw kong kaibiganin.” Everyone around snorted dahil mukhang napahiya si Sam. Namumula siya at napapahiya na umalis doon habang sumunod sa kaniya ang kaniyang mga alipores. She secretly glared at me at siguradong hindi na naman niya ito palalagpasin. But nevermind that for now… Yumuko si Raine sa akin at balik na muli sa normal ang kaniyang expresiyon. He grinned at me and told me over and over again na kaibigan na niya ako. I was too speechless to even agree on his sentiment. He’s really kind. “Sabihin mo kaagad sa akin kung may nam-bully na naman sa iyo, ha? We’re friends, Shan. Friends got each other’s back,” aniya sabay himas sa ulo ko. Hinatid niya ako sa kwarto ko bago siya pumunta sa sarili niyang kwarto. Napahawak ako sa ulo ko at tinanaw ang papalayo niyang pigura. His action touched my heart. This is the first time someone cared this much for me to the point na ipinagtanggol niya ako. Doesn’t mind me as his friend. It’s too much, I want to cry. Naupo ako sa sarili kong upuan, hindi alintana ang mga matang nakasunod sa akin. They might think how the hell I got Raine to be friend with me dahil hindi ako ang tipo na nakapalibot sa taong iyon. He’s everyone’s friend and every girl here claims Raine as theres. Sigurado akong may iba na hindi ako palalagpasin kagaya nila Sam, pero wala na akong pakialam. I am happy. I’m too happy. What if he’ll see those scars? What if he’ll discover how dirty you are? What if he’ll know your secret? Imagine his digusted and horrified face, Shan. Kinabahan ako nang marinig ko ang boses na iyon sa aking utak. Nilabanan ko iyon, telling that voice from my brain that Raine is not like that. I want to convince that voice that finally, someone wants to accept me. That someone finally wants me as a friend. Raine is not like that. I want to trust his word. Sooner or later, you’ll deeply regret it, Shan. The world is rotten, as so as humans. They will betray you. If you trust any human again, masasaktan ka lamang din niya kagaya ng mga taong akala mo ay pamilya. Umiling ako at isinantabi ang boses na iyon. It will be okay. I’ll trust those smile and kind words. Please, I’ll trust you, Raine. “Mind if we join you to lunch?” Napaangat ang tingin ko sa harap ng aking desk nang may magsalita mula roon. Mula sa uniporme ay nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaklase na babae. Kapwa sila nakangiti ng palakaibigan sa akin na noon ko lamang nakita. Kumunot ang noo ko, nagtataka sa kung ano ang kailangan nila. “H-Hindi ako sa cafeteria kumakain,” paliwanag ko. Nagkatinginan sila. Tila ba sila’y nag-uusap na sila lamang ang may alam. Ang isa ay nakita kong umiling habang pinanlakihan naman siya ng mga mata ng isa. “It’s okay, sasamahan ka namin, Shan. Malungkot kapag mag-isa lang, hindi ba?” sabi ng isa. “At isa pa… we can be your friends.” Mas lalong nangunot ang noo ko. Lihim akong napayamukos sa uniporme ko sa baba. Ngayon lamang nangyari ito. Malaki ang hinala ko na tungkol na naman ito kay Raine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD