KABANATA 26 “What do you think of death, Shan?” Nagulat ako nang marinig ang katanungang iyon mula kay Raine. Kamatayan. Ang salitang iyan ang halos araw-araw ay naiisip ko noon. Ano nga ba ang tingin ko sa kamatayan? Something I’ve been waiting to come to me and won’t regret having so? Something I’m curious what it feels like? Kung noon madali lang siyang sagutin na iyan ang bagay na gusto ko nang mangyari, kaso ngayon wala na akong mahanap na sagot. Lalo pa at si Raine ang nagtatanong na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang tingin sa akin habang naghihintay ng kasagutan. “Uh…” I cleared my throat. “B-Bakit mo naman natanong iyan?” Tumingin siya sa kawalan at lumabas ang isang tipid na ngiti sa kaniyang mga labi. Habang nakatingin ako sa kaniya, hindi ko maiwasang makita ang pagkawal

