KABANATA 27 Napag-alaman ko ngayong araw na magkababata sila Mark at Franciz. Si Mark ang unang kaibigan ni Franciz at siya rin ang dahilan kung bakit naranasan ni Franciz ang mga pangakaraniwang gawain ng mga magkaibigan bukod sa pag-aaral. Natutuwa ako sa kanilang dalawa lalo na kapag inaasar ni Mark si Franciz at pagkatapos ay susungitan naman siya ni Franciz pabalik. Natural lang na makita sila sa ganoong eksena, ngunit ang ganitong away ay bago sa aking paningin. “Sasamahan ka namin sa library para may kasama ka pa pauwi. Tatambay muna kami ni Raine roon,” ani Hya noong hinintay nila ako sa labas ng classroom pagkauwian. Napalinga-linga ako dahil sila lang ni Raine ang nakita ko na noo’y busangot pa rin ang mukha. Lihim akong napasimangot. Ano ba ang nangyari sa kaniya? May nagawa

