KABANATA 35 Tila kami tinakasan ng mga kaluluwa pagkatapos makausap ang mga magulang ni Raine. Hindi ko pa maiproseso ang mga huling narinig. Sa una ay maayos pa, ngunit pagdating sa kalagitnaan ay tila nabibingi na ako. Kahit sila Hyacinth ay tahimik hanggang sa nakalabas kami sa opisina nila. “T-Totoo ba iyong mga narinig natin?” halos pabulong na sabi ni Hya. Nanghihina na napaupo ako sa bakal na bench sa pasilyo ng hospital. Natulala ako sa pader sa harap at ang takot ko ay mas lumaki. Anxiousness crept on my system and I hate this feeling! Bakit? Bakit si Raine pa? “Ang gago na ‘yun! Paano niya nagawang maglihim sa atin? Sa tagal nating magkaibigan wala manlang siyang sinabi?” galit na sambit ni Mark habang nakatalikod sa gawi namin at nakapamewang. “Alam mo naman ‘yun, ayaw na l

