KABANATA 34 Dati, gustong-gusto ko ang sumaya. Naiinggit ako sa mga taong nakikita ko na tila walang problema sa kanilang mga buhay samantalang ako ay tila araw araw na nasa impyerno. Sino ba naman ang hindi gugustuhin na sumaya, hindi ba? Kahit sa mga kwento na ginagawa ko ay lagi na may happy ending. Kaya hindi talaga ako naniniwala sa sinasabi ng iba na masama raw maging sobrang saya dahil kaakibat noon ay sobrang lungkot. “Raine! Raine!” paulit-ulit kong sigaw sa kaniyang pangalan habang nakahiga siya sa sahig at nanghihina. Hindi ko na pansin ang mga taong nagkakagulo sa paligid, sa kaniya lang ang buo kong atensiyon. Nakita kong bahagyang bumukas ang kaniyang mga mata at inaaninag ako. Nang makita na ako ito ay pilit siyang ngumiti at inabot ang luhaan kong mukha. “Don’t c-cry, S

