KABANATA 24 Simula noon ay naging matiwasay na ang daloy ng aking buhay, sa tahanan man o sa paaralan. Bagama’t may panaka-naka pa ring pagpaparinig sa akin lalo na sa nangyari na pagsuspende kila Sam, pasalamat naman ako at wala nang nananakit sa akin. Nakabalik na rin ako sa paaralan pagkatapos ng isang linggo at humilom na rin ang aking mga pasa. Kalat na rin sa paaralan ang nangyari at nahinuha na nila ang dahilan kung bakit ako ganito. I would hear them saying that it suits me because I am a weirdo, mayroon namang nakisisimpatya at naiintindihan ang sapatos na kinalalagiyan ko. “Wala ka bang ibang kapamilya na maaari mong tirhan pansamantala?” tanong ni Dean lunes ng umaga pagkabalik ko sa paaralan. Umiling ako sa harap niya at tipid na nangiti. Dahil nga kumalat na ang balita, pin

