KABANATA 32 Hindi ko alam kung haharap na ba ako. Tahimik pa rin ang buong gym at hindi ko alam kung ano na ang ginagawa nila. I can feel my pulse on my wrists pulsating at nag-iinit ang aking magkabilang pisngi. Hindi pa rin kumakalma ang aking puso at gusto ko na sabihin ngayon din kay Raine na gusto ko rin siya. Wala na akong pakialam, buo na ang desisyon ko. “Oh, Shan? Bakit nakatayo ka lang diyan?” Boses iyon ni Mark. Nakita ko sila ni Franciz sa aking harap at taka na nakatingin sa akin. Parang abno na siguro akong nakatayo rito at nakatalikod pa sa gym. Ngumiti na lamang ako ng pilit sa kanila at hindi pinahalata ang pagkapahiya. “N-Nahihiya kasi akong pumasok,” palusot ko. “Bakit ka naman nahihiya?” Biglang lumapit si Mark sa akin at inakbayan ako. “Tara! Patapos na rin naman

