KABANATA 21 “Balak mo talaga sigurong pahiyain ako, ano? Para makatakas ka na rito?” Tinapon niya sa harap ko ang kaniyang sigarilyo habang ako ay namimilipit sa sahig. “Peste!” Umalis siya sa harap ko at pumasok sa kaniyang kwarto. Pabagsak niyang sinara ang pinto roon. I was left curled on the floor. Yakap ko ang aking tiyan at nalalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig. Halo na ang mga luha at uhog sa aking mukha habang dinaramdaman ko ang sakit. Gusto kong sumigaw ngunit kahit ang ilaban ang sarili ko sa kaniya kanina ay hindi ko na nagawa. Pagod na pagod ako. Kaya mo pa ba? Bakit hindi mo na lang tapusin na ang lahat para hindi ka na mapagod pa? Mas napahagulhol ako nang sumingit ang boses na iyon sa aking utak. Tama siya. Bakit nga ba hindi ko na lamang tapusin ang lahat? Nabuh

