KABANATA 22 “Ano ang ginagawa niyo rito, ha? Kaklase ba kayo ng batang ‘yun? Nagsumbong ba sa inyo?” Mapaglaro ang boses ni Tatay at pakiramdam ko ay nakikita niya ako rito sa likod ng pinto. My trembling hands covered my mouth. Gusto kong lumabas dahil baka saktan niya sila Raine. Maraming naglaro sa aking utak. Paano kung gawin din niya sa kanila ang mga ginagawa niya sa akin? Hindi maaari! Huwag siyang magdamay ng mga inosente rito. Sana hindi na manlaban sila Raine at umalis na lang. Sana matakot na lang sila kay tatay. “Ikaw po? Ano ang ginawa mo kay Shan?” Napasinghap ako nang marinig ang mariin na tugon ni Raine kay tatay. Ang ayaw pa naman ni tatay sa lahat ay ang sinasagot at kinukontra siya! Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa pinto. Kailangan kong lumabas. Kailangan k

