
Tumakas ang kapatid ni Gia Natalia matapos pagnakawan ng malaking halaga ang kumpanyang pinamamahalaan ni Ronan Imperial. Bilang kapalit, napilitan si Natalia na tanggapin ang kasal na magbabayad sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa.
Para kay Ronan ay parusa ang kasal kay Gia na isang babaeng hindi niya kilala, and worst, kapatid ito ng magnanakaw na naging dahilan ng pagbagsak ng negosyo na pinagkatiwala sa kanya ng sariling ama.
Ngayon… bawat galit, sakit, at pagkamuhi ni Ronan ay kay Gia nito ibinubunton.
Hanggang kailan makakaya ni Gia ang lamig ng lalaking pinilit niyang intindihin… kung bawat haplos at salita nito ay paalala ng kasalanang hindi niya ginawa?

