Prologue
Sinundo ako sa bahay ni Basti nang hindi lingid sa kaalaman ni kuya benj. As usual wala na naman sila mommy at daddy sa bahay dahil busy na naman sa trabaho. Pupunta kami sa Sta. Lucia Mall para bumili ng painting materials.
At habang nag-iikot kame sa mall may nakita akong babae na pamilyar saken, di ko alam kung saan ko to nakita noon o nakita ko na nga ba ito noon? Matagal kaming nagkatitigan pero hindi ko sya matandaan, aalis na sana ako pero nung makita ko kung saan sya nakatingin ay kay Basti.
Nakatingin ito ng masama kay basti. Hindi ko na ito binigyang pansin pa dahil tumakas lang naman ako sa bahay at paniguradong grounded na naman ako nito lalo na kung malalaman nilang si basti pa ang kasama ko.
At pagtapos naming mamili ng painting materials ay nagyayang kumain si basti, masaya kaming nagkkwentuhan nang maramdaman kong humihilab ang tiyan ko, di na kase ako kumain ng umagahan kanina sa pagmamadali baka maabutan ako ni kuya benj.
"basti, excuse me. Cr muna ako ha" , paalam ko sakanya, habang patuloy pa ren sya sa pagkain nya.
" Ah, its okay, go ahead", ani nya. At nagmadali na kong pumunta sa cr dahil di na ko makatiis sa sobrang saket na ng tiyan ko.
"Ano mo yung babaeng yon? Girlfriend mo ba sya? Sebastian, Sino yung babaeng yon?", ani ng isang babae na mahinahon lang ang pagsasalita pero ramdam mo ang galit.
"E ano naman sainyo kung girlfriend ko sya? Ano bang pakielam nyo?", halata sa tonong naiinis na sya, kahit kailan ang ikli ng pasensya nito.
"Ayoko sakanya, Sebastian! Hindi sya nararapat sayo, kilala mo ba kung sino yan? Kilala mo ba buong pagkatao nya?"
"Ano bang sinasabi mo jan? Kilala mo ba sya? Bat kung makapagsalita ka ng ganyan akala mo kilalang kilala mo sya?"
"Basta ang sinasabe ko sayo layuan mo ang babaeng yan, utos ko yan sayo at dapat mong sundin"
"What the heck are you saying, huh? Sa tingin mo, susundin kita? Hell, no.
"Sebastian, I am your mom!! Yan ba ang ugaling natutunan mo sa babaeng yan?
"Mom, shut up! Baket mo ba gusto mong layuan ko si faye? Baket??!!
"Dahil ayaw ko sakanya, di sya nararapat na maging girlfriend mo ano nalang sasabihin ng mga kamag-anak natin na ang girlfriend ng anak ko e hindi matalino, hindi maganda at higit sa lahat hindi sya nababagay sa mga uri natin"
Habang nakikinig ako sakanila mula dito sa aking tinatayuan ay rinig ko sila, parang binamboo yung dibdib ko sa mga narinig ko. Kung sa mismong mga magulang ko nga marinig yan araw araw e hindi ka na gaganahang mabuhay pa, eto pa kaya sa ibang tao mo marinig ang lahat. Di ko namamalayang nangingilid na pala ang aking mga luha at isang pikit nalang ay babagsak na ito.
"F-faye?"
Dali-dali akong naglakad palabas sa restaurant na kinakainan namin pero huli na, nahawakan nya ko sa palapulsuhan ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad.
Pagharap ko ay biglang bagsak ng luha ko.
"Im sorry, faye" halata sa mga mata nya ang sinseridad.
Bago ko birahan ng alis ay sumulyap muna ako sa kinatatayuan ng nanay nya, masama pa rin ang tingin nya sakin hanggang ngayon, di ko malaman kung bakit ganon nalang kalaki ang galit nya sakin.