MAYENN BLAIRE DE VERA Ilang lingo pa ang lumipas, still walang paramdam si Lex. Kami naman ni Aidan ay mas lalong naging malapit sa isa't isa. Habang nag iikot ako sa production kasama ang secretary ko na si Ruth ay bigla siyang nagtanong sa akin. "Ma'am Mayenn, boyfriend nio po ba si Sir Aidan?" Napakunot ang noo ko, pero hindi ko naman minasama ang tanong niya. Hindi ko lang naman ngayon ito narinig, sa ilang lingo ng pag punta-punta dito ni Aidan ay naging usap-usapan na din kung boyfriend ko nga ba siya. "To answer your question, hindi ko siya boyfriend." nakangiti kong sabi. "Lagi po kasing nandito si Sir, kaya akala ng lahat boyfriend niyo na po." Muli niyang sabi. Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa pag lalakad. Pagbalik ko sa opisina, agad kong inasikaso ang mga papele

