Chapter 1
CHAPTER 1
Ang kasal na sanay isang masayang araw ng buhay ko ay naging parang isang bangungot para sa akin. Bukas ang araw ng kasal ko sapilitan akong ipakakasal nila mommy sa isang
lalaki na ni minsan ay hindi ko pa nakikilala. Ang tanging alam ko lang sa kanya ay ang
pangalan niya, kung ano ang itsura ng kanyang mukha ay wala akong idea. Kung gwapo ba
siya, matanda o bata, magpapakasal ako sa lalaking isa lamang estranghero sa akin.
“Ma, baka naman po pwede pa natin itong iatras, maawa na po kayo sa akin.” Pakiusap ko sa
aking ina.
“Tumigil ka Mayenn, hindi ka na pwedeng umurong sa kasal handa na ang lahat. Gusto mo
bang magalit sa atin ni Mr. Mondigo kapag hindi ka sumipot sa kasal mo.” Galit na sigaw sa
akin ni Mama.
“Pero Ma, marami pa po akong pangarap, marami pa po akong gustong gawin. Bakit kailangan
ko makasal sa isang lalaki na hindi ko mahal? Bakit kailangan ako ang magsakripisyo? Bakit
po ako?” Tanong ko sa kanila sa kabila ng aking walang tigil na pag iyak.
“Wala ka ng magagawa, nakapag desisyon na ang Papa mo. Sumunod ka na lang, para din
naman sa kinabukasan mo yun.” Sagot sa akin ni Mama.
Hindi ko matanggap na ipakakasal nila ako sa lalaking ni anino ay hindi ko pa nakikita. Hindi
ako papayag na matali sa isang kasal na wala ni katiting na pagmamahal. Ayaw kong magdusa
sa huli. Buo na ang desisyon ko, bukas tatakas ako at hindi ako sisipot sa lintik na kasal na yun.
Bahala silang maghintay hanggang mamuti ang mata nila.
“Mayenn, huwag mo akong ipapahiya bukas, maraming tao ang dadalo sa kasal mo kaya
huwag kang gagawa ng maka kasira sa pangalan ko.” Bilin pa sa akin ni Papa.
Masama ang loob ko na pumasok sa silid ko. Kailangan kong makagawa ng paraan kung
paano ako makaka alis dito sa bahay bukas. Wala akong balak pakasalan ang Levi Mondigo na
yon. Ayaw kong matali sa kanya, marami pa akong pangarap. Gusto ko pang ma-enjoy ang
buhay ko, bata pa ako para pakasalan ang isang matandang amoy lupa na.
Kung ang normal na bride ay hindi makatulog dahil sa excitement sa araw ng kasal niya, ako
naman ay hindi makatulog dahil iniisip ko ang gagawin kong pag alis bukas. Inayos ko sa bag
ang mga gamit na dadalhin ko kasama ang lahat ng mahalagang documents ko pati ang ipon
kong pera. Tinawagan ko ang kaibigan kong si Rich para magpa tulong sa pag takas ko.
“Napatawag ka, may kailangan ka ba?” Tanong sa akin ng kaibigan ko sa kabilang linya.
“Bakla, tulungan mo ako, kailangan kong makatakas dito. Ipapakasal ako bukas nila daddy sa
isang lalaki na di ko pa nakikita. Ayaw kong makasal ako.” Ani ko sa kaibigan ko.
“Seryoso ba yan? Mahirap nga nga magpakasal sa lalaking hindi mo mahal. Ano ba ang plano
mo? Paano ka namin tutulungan?” Tanong ni Rich.
“Mamayang madaling araw hintayin ninyo ako sa likod ng bahay namin, papatulugin ko lang sila
mommy at daddy. Pag nakatulog na sila saka ako lalabas ng bahay sa likod ako dadaan para
hindi ako makita ng guard sa harap.” Sabi ni Mayenn sa bestfriend niya.
“Okay, tawagan ko lang si Mike para sya ang makasama kong puntahan ka. Alam mo naman
hindi ko pwedeng ilabas ang kotse ko malalaman nila daddy na umalis ako. Baka isipin agad
nila na ako ang tumulong sayo sa pag alis mo.”
“Tawagan mo ako pag naka usap muna ang boyfriend mo para makapag ready na ako.” Muli
kong ani kay Rich.
Ibinaba ko na ang telepono ko at inayos ang gamit ko. Lahat ng importante sa akin ay dinala ko.
Hindi naman nagtagal ay muling tumunog ang cellphone ko, mabilis kong sinagot ang tawag ng
makita kong si Rich ang nasa kabilang linya.
“Okay na, 3 A.M. puntahan ka namin jan sa inyo. Hihintayin ka namin sa likod, mag ingat ka.” wika sa akin ni Rich.
Hindi na ako natulog, natakot ako na baka hindi ako agad magising. Alas onse na naman
kaya ilang oras na lang ang hihintayin ko para makaalis. Hindi ko pa alam kung saan ako
pupunta, bahala na, mamaya ko na iisipin sa ngayon gusto ko lang muna makalayo dito para
hindi matuloy ang kasal ko.
Tiniis ko ang antok, hanggang sa sumapit ang tamang oras. Bitbit ang bag ko, tumayo ako.
Marahan kong binuksan ang pinto ng silid ko, sinilip ko muna kung meron pang gising. Tahimik
ang buong bahay, madilim ang buong paligid, buong ingat kong isinara ang pinto ng aking silid
para hindi makalikha ng kahit ano mang ingay. Nakatingkayad akong nag lakad sa hallway
papunta sa may hagdan hanggang sa tuluyan na akong makababa.
Abot-abot ang kabang nararamdaman ko, halos hindi na ako huminga dahil sa takot na baka
magising ang mga magulang ko at mahuli nila ako. Nakarinig ako na may kumakaluskos kaya
nagtago muna ako sa likod ng pinto, ilang hakbang na lang makakalabas na ako. Panay ang
dasal ko na sana hindi sila magising, nang muling tumahimik ang paligid ay binilisan ko na ang
kilos ko.
Nakarating ako sa back door at dahan-dahan kong pinihit ang door knob. Pag bukas
ko ng pinto ay pigil hininga akong lumabas at muling sinara. Patakbo na sana ako sa maliit na
gate ng makita kong dumaan ang guard kaya muli akong nagtago sa malaking halaman.
Ilang minuto ang pinalipas ko bago tuluyang umalis ang guard, patakbo akong lumapit sa pader
at hinagis ang dala kong bag. Wala akong choice kundi umakyat sa pader naka padlock ang
gate kaya hindi ko mabuksan. Naghanap ako ng pwede kong tungtungan para makaakyat ako. Nakita ko ang isang monoblock, kinuha ko ito para gawing tungtungan. Pilit kong inabot ang pader at para akong si Spiderman na pilit umaakyat. Kahit mahirap tiniis ko lahat para lang makatas.
Pag sampa ko sa pader ay saka ako tumalon, puro damo naman ang babagsakan ko kaya sigurado naman akong hindi ako mapipilayan. Pagbagsak ko sa damuhan ay puro damong makahiya pala ang binaksan ko kaya ang sakit ng tusok ng mga tinik.
"Mayenn, bilis nandito ako," narinig kong sabi ng kaibigan ko, hindi ko siya makita dahil madilim. Binuksan niya ang flashlight sa kanyang cellphone kaya nagkaroon ng liwanag. Buhat ko ang bag ko, nagmamadali kaming sumakay sa kotse.
Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan at palabas na kami ng gate ng subdivision,
"Thank you sa inyong dalawa, salamat sa pagtulong sa akin."
"Wala yun, ang mahalaga makalayo ka ngayon para hindi ka makita ng magulang mo. Saan mo ba balak pumunta?" Tanong sa akin ni Mike.
"Hindi ko pa alam, mag check in muna ako sa hotel, bukas ko na pag iisipan kung saan ako pupunta." nalilito pang sagot ko.
"Mayenn, maimpluwensya ang daddy mo pag sa hotel ka tumuloy mabilis ka lang nilang matrace." sabi ni Mike.
May point siya, unang-una nila akong hahanapin sa mga hotel.
"Alam ko na, ihatid nio na lang ako sa terminal papuntang Baguio," bigla kong sabi, dahil sa nakita kong karatula ng bus na nakasalubong namin na papuntang Baguio.